Kabanata 43

17.9K 236 38
                                    

AKI

"Akhin, Keisha! Bumaba na kayo at kailangan niyo na kumain!" 

I shouted from our dinning area. Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanila pero hindi pa rin sila lumalapit sa akin. Ang kukulit talaga ng mga batang 'to! Unti-unti ko na talagang nakikita ang ugali ko sa kanila. 

"Mommy we are coming!" It's my baby girl, Keisha. 

"Mommy, Sasha hit me!" It's my baby boy, Akhin. He called her sister Sasha, mas sanay siya sa tawag na iyon. 

Napahilot ako sa sintido ko bago kinuha ang hinanda kong almusal sa kanila. Narinig ko ang mga takbo nila palapit dito sa dining area. Pareho ko silang nilingon nang pareho silang yumakap sa binti ko. 

Umupo ako at hinarap silang pareho, "Sasha, why did you do that to your kuya?" Mahinahon kong tanong.

"I didn't do it intentionally, Mommy. I almost tripped kaya humawak ako sa arm niya. . . Sorry, Kuya Akhin." Aniya at lumapit siya sa kuya niya para yakapin ito. "I'm sorry." She cutely said. 

"You're forgiven, Sister!" Mabilis niyang sabi at yumakap din pabalik sa kapatid. 

Mana ka talaga sa tatay mo, Akhin. 

"Okay, twins, you need to eat your breakfast. Kailangan na mag report ni mommy kay lolo General Orlando." Una kong kinarga si Sasha para maka-upo. "Ang bigat-bigat na ng baby girl ko." 

Nilingon ko si Akhin para siya naman sana ang bubuhatin ko kaso busy na ito sa pag-akyat sa upuan. "Anak. . ."

"I'll do it, Mommy!" Hirap na hirap na aniya dahil hindi pa rin siya makasampa sa upuan. 

"Go kuya, Akhin!" Sasha cheered for him. 

Napangiti akong pinagmasdan silang dalawa. Kahit na minsan ay nag-aaway sila mas madalas naman silang nagkakasundo. 

They were my twins. Akhin Adrian Vendalle and Keisha Vendalle. 

Yes, we have twins. Nalaman kong buntis ako ilang buwan matapos ko siyang iwan. Dalawang minuto lang ang pagitan nilang dalawa, unang lumabas si Keisha sumunod naman si Akhin. Ang sabi naman sa akin kung sino daw ang huling pinanganak sa kambal yun ang panganay kaya kuya ang tawag sa kanya ni Keisha. 

4 years na rin ang nakalipas. Pinutol ko ang lahat ng komunikasyon ko sa kanilang lahat. Kay kuya Akiro, kay General Orlando, kay Alex at lalo na kay King. Nung mga panahon na 'yon wala akong ibang maisip kundi ang lumayo sa kanila. Ayaw ko silang makita at kahit na marinig ang ano mang pangalan nila lalo na si Captain. . .

Hindi iyon madali para sa akin. Iyon ang pinaka masakit na desisyon na ginawa ko pero iyon din ang pinaka tama na desisyon ko. Nung nawala ang panganay naming anak, akala ko saglit lang akong masasaktan pero hindi pala. Dinurog nun ang buong pagkatao ko. Binaliw ako ng pangyayaring 'yon. 

Hindi ko na makilala ang sarili ko noon. Si King, hindi ko na siya makilala sa sobrang lungkot ko. Umalis ako at sinubukang mag pakamatay pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, naririnig ko ang boses ni King na tumatawag sa akin. Yung boses niya na laging gumigising sa akin sa tuwing nasa ibang mundo ako. 

In those four years, I was able to know more about myself. Akala ko kasi kilala ko na ang sarili ko hindi pa pala. I coped with my fears and I faced myself.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant