Kabanata 36

5K 82 61
                                    

AKI

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung araw na nagkaroon kami ng meeting tungkol sa kaso. Team namin ang naatasan magsagawa ng research tungkol sa mga nakaraang transaksyon ni Alonzo at Team naman nila Lia ang naghahanap sa hideout ni Hunter. 

Hindi na ako sumasali sa training dahil inutusan akong mag focus na lang muna sa research na ginagawa ko. Halos di na kami natutulog dahil sa trabaho namin na hanggang ngayon walang nangyayari. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Pablo sa pagkawala ng pera pero anong magagawa namin? Nakatakas ang hayop.

Puro stress na lang nakukuha ko dito sa kasong 'to! Wala naman kasing nangyayari tapos may naamoy pa akong mabaho na hindi ko naman alam kung saan galing!

"Love, magpahinga ka nga muna." Utos sa akin ni Captain. 

Nandito kami nila Alex, Sir Cedrick at Captain ngayon sa Opisina niya dahil may pinag-uusapan kaming importante. Alas onse na ng hatinggabi nandito pa rin kami at nag uusap-usap kaharap ang mga papeles na hindi nauubos at mas nadadagdagan pa.

"Ba't di ikaw mag pahinga?" Masungit na tanong ko din. 

"Ay may favorism ka ba dito, Sir?" Sumabat si Alex at kausap niya ngayon si Captain. "Si Aki pwede mag pahinga tapos kami ni baby Cedrick ko bawal?" 

"Edi magpahinga ka din!" Naiinis na sabi ko kay Alex at inirapan ko pa siya. 

Nagtataka niya akong tinitigan. "Hala! Inaatake na naman siya ng ugali niya oh. . ." Bulong niya. 

Pinag kunutan ko sila ng noo. "Kanina pa ako nagtitiis sa amoy niyong tatlo sa totoo lang." Tumayo ako at padabog na nilapag ang mga papel na hawak ko sa lamesa. "Naligo ba kayo ha? Ikaw King?" Nilapitan ko pa siya at inamoy. 

Napa-atras agad ako at napatakip sa ilong ko nang maamoy ko ang pabango niya.   "Ang baho mo!" Umatras pa ako ng ilang beses palayo sa kanya. "Isa ka pa Alex! Amoy labahan ka na hindi nasampay!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos nilingon si Sir Cedrick na tahimik na nakikinig sa akin. "Ikaw naman amoy pawis ka!" sigaw ko naman kay Sir Cedrick.

Agad na nag-iba ang mga awra ng mukha nila. They look so offended! Totoo naman ang sinabi ko bakit sila mao-offend? Pasalamat nga sila sinabi ko pa eh. 

"Aki di ako nakikipag biruan sa'yo!" Asik sa akin ni Alex. 

"Ako din!" Aniko at tinalikuran na sila. "Matutulog na lang ako kaysa sa makasama ko kayong tatlo. Ang babaho!" Pag paarinig ko pa bago tuluyang umalis doon. 

"Hoy Aki saglit!" Sigaw ni Alex pero hindi ko siya pinansin.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad na para bang wala akong pinagsasabi sa kanila na masama. Sabagay, wala naman kasi talaga. 

Habang nag lalakad ako papunta sa barracks namin ay parang babaliktad ang tiyan ko nang maalala ang mga amoy nila kanina. Naiisip ko pa lang ang mga amoy nila gusto ko na lang isuka lahat ng organs ko sa loob ng katawan. Ang baho nila putragis!

"Nasusuka ako. . ." Napahawak ako sa tiyan at bibig ko. "Bakit ba kasi hindi sila naliligo?!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko at tsaka tumakbo papunta sa CR. 

Halos mailuwal ko na ang kidney ko sa sobrang dami kong naisuka. Nanghihina akong napaupo sa sahig ng cr habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang panyo. Para naman ako ngayong naiiyak nang maalala na sinigawan ko pala kanina si Captain at sinabihan pa ng mabaho. 

Tuluyan na akong naiyak nang makaramdam na ako ng awa kay Captain. "Totoo namang mabaho yung pabango niya, eh." Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko para hindi makaramdam ng konsensya. "Pero nakaka-awa kasi yung itsura niya."

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon