Kabanata 17

21.1K 319 52
                                    

AKI

"Captain!" Malakas kong sigaw habang inayos ang earpiece ko, nagbabakasakaling marinig ko ang boses niya pero wala.

Natataranta akong naglakad pabalik sa sasakyan para umalis na dito. Hinila ko muna si Ayidh papunta sa passenger seat bago ako sumakay at mabilis na pinaharurot ang kotse palabas ng parking lot.

Mayamaya ay natigilan ako sa pagmamaneho nang makarinig ako ng kaluskos mula sa earpiece.

"C-Captain?" Kinabahan ako bigla. "Captain, nasaan ka? Are you okay? Where are you pupuntahan kita.nasaan ka ba? Captain?!" Natataranta kong sabi pero wala akong response na nakuha. "Tangina!" Malakas akong napahampas sa manibela bago muling pinaandar ang kotse.

Nang tuluyang makalabas huminto ako sa hindi kalayuan dito sa hotel. Kinuha ko ang telepono ko at mabilis na pinindot ang number ni Alex.

["Oh?"] Halatang nasa kalagitnaan pa ng pagtulog 'tong si Alex. ["Bakit-"]

"I need back up! I'll send you my location. Please, puntahan niyo ako dahil nawawala si Captain hindi ko siya mahanap! Bilisan mo!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya.

["Ha? Ano? Teka! Wait! Ano ba naman kagigising ko lang! Wait lang! Putcha saglit lang naman!"] Natataranta niyang sabi.

Pinatay ko muna ang tawag bago sinend ang location ko kay Alex. Napalingon ako kay Ayidh na hanggang ngayon ay walang malay.

Sinandal ko ang ulo ko at napapikit sa inis. Binuksan ko ang bintana ng kotse tsaka tinanaw ang maraming ambulansya at bombero na ngayon ay abala sa nangyaring pagsabog.

"Akesha!" Sigaw iyon galing sa harap. "Akesha, stay there!" Sigaw niya ulit.

Agad akong tumingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.

"Captain!" Dinungaw ko ang ulo ko sa labas ng bintana ng kotse para makita siya ng maayos dahil natatakpan ito ng ilaw mula sa sasakyan.

Natigilan ako sa pagbukas ng pinto nang makita kong hindi siya nag-iisa. Kinuha ko agad ang baril na nasa binti ko nang makita si Pablo sa likod ni Captain na may hawak na baril na nakatutok mismo sa sintido ni Captain.

"C-Captain..."

"Diyan ka lang!" Sigaw niya.

"Akala mo ba naisahan mo ako, Ruiz? Ulol! Bobo kayo pareho nitong Captain mo!" Aniya at tumawa ng malakas.

Tuluyan na akong bumaba sa sasakyan. Tinutok ko agad ang baril ko sa gawi nila at dahan-dahan na naglakad papunta sa unahan ng kotse.

"Diyan ka lang! Papasabugin ko bungo nitong Captain mo!" Umatras siya habang hila-hila si Captain.

"Akesha, please... bumalik kana sa sasakyan at pumunta ka na sa headquarters! Just please this time makinig ka sa akin!"

Tiningnan ko ang kabuuan ni Captain. Nakatali sa likod ang kanyang mga kamay. May dugo rin sa kanyang noo at labi.

Tumawa ng malakas si Pablo at nakakalokong tumingin sa akin.

"Oh, Ruiz, makinig ka sa Captain mo. Umalis ka na lang at hayaan mo na lang akong patayin itong lalaking to gaya ng ginawa mo 9 years ago..."

Natigilan ako bigla sa sinabi niya. Mas lalo siyang ngumiti ng nakakainis na animo'y may alam sa nangyari sa akin 9 years ago. Paulit-ulit siyang tumawa ng malakas, halos magpaulit-ulit din iyon sa isipan ko.

Sinalubong ko ang tingin ni Pablo.

"A-Anong... Anong ibig mong sabihin?"

"9 years ago, 'di ba? May pinatay na lalaki sa harapan mo."

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora