Kabanata 4

8.8K 162 60
                                    

AKI

"It's a goddamn death threat, Ruiz!" 

Galit na galit na sabi ni Lieutenant General sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo nasigawan niya na ako.

"Sorry, Sir." Nakayukong sabi ko.

"We're working on it na, Sir. I already told my soldiers what to do. . . I already talked to her na rin naman po." Singit ni Captain. Is he trying to cover me up?

"She's not thinking, Vendalle! She even just threw it away. She ignored it!" He's so mad at me.  

Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam kung makakatingin pa ba ako ng diretso sa kanila dahil sa kapabayaan ko. Pero kasi hindi naman ibig sabihin wala akong ginawa wala na akong pake sa nangyayari. 

"Hindi mo ba iniisip na hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak kung ituloy man ni Hunter ang pag hunting sayo? Lahat ng sundalo na narito pwedeng madamay kung ipagpapatuloy mo 'yang ugali mo!" Tumayo si Sir Hernandez tsaka humawak sa mag kabilang baywang, "Tell me your reason. . ." 

"Sir. . . Actually, iniisip ko lang po na baka may nanti-trip lang po talaga sa akin. Bukod pa po doon isang beses pa lang--"

"Ilang beses mo ba gusto makatanggap ng death threat bago ka gumawa ng aksiyon?" Taas kilay niyang tanong sa akin. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napayuko, "I'm so sorry, Sir." Mahinang sabi ko.

"Hunter is already here in our country. Team nila Colonel Andres ang nagbigay sa akin ng information kung saan at kailan siya nakita dito sa bansa. Hindi lang ikaw ang pinadalhan ng sulat na yan dahil maging ang mga sundalo ni Andres na humawak sa kaso ni Alonzo ay nakatanggap ng parehong-pareho na sulat na natanggap mo." Seryosong sabi niya sa amin. 

May inabot na folder ang kasama niyang sundalo sa kanya. Dalawang kulay itim ang folder na may magkaibang kapal ng papel ang nakapaloob. Una niyang inabot ang manipis na folder sa akin bago inabot ang makapal kay Captain. 

"14.5 million dollars?" Nagugulat na tanong ni Captain nang mag-umpisa itong magbasa nang nilalaman ng folder.  "Ganito kalaking pera ang tinago ni Alonzo bago siya namatay?"

"Yes. . . And that is the reason why he's hunting you, Ruiz." Aniya at diretso siyang tumingin sa akin.  

Kumunot naman ako ng noo, "Ano naman ang kinalaman ko sa pera niya eh hindi ko naman po iyon kinuha. Anong gagawin ko doon?" Wala sa sarili kong nasambit. 

"Akesha!" Saway agad sa akin ni Captain. 

Napapikit ako at yumuko ulit. "Sorry po." 

"Pinatay mo si Alonzo ng hindi man lang nalalaman ni Hunter kung saan itinago ni Alonzo ang mga pera niya. Iniisip niya na baka nasa kamay ng mga sundalo ang pera na tinago ni Alonzo." Aniya. 

Bakit naman parang kasalanan ko? Kasalanan ko ba na tanga si Alonzo at hindi umilag sa bala ko? Malay ko ba na gusto niya na makipag meet and greet kay satanas kaya siya namatay.

"Dahil si Captain ang hahawak sa kaso sa pag huli kay Hunter at ikaw naman Ruiz ang target ni Hunter, naisip ko na kayong dalawa na ang hahawak sa kasong 'to. This mission is your first task together as a partner. . . I'll give you a few months to work in this case. " Aniya bago kinuha ang kanyang sumbrero at inayos ang kanyang pustura. 

Lumakad ito palabas pero huminto nang makarating sa pinto, "Work hard soldiers, understood?" Matikas niyang sabi.   

Sabay kaming umayos ng tayo ni Captain at sumaludo, "Sir, yes Sir!" Sabay naman naming sabi.  

Tuluyan nang umalis si Sir Hernandez dito sa meeting area kasama ang dalawang sundalo. Nagkatinginan pa nga kami ni Captain matapos itong tuluyan nawala sa paningin naming dalawa. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon