Kabanata 30

5.6K 70 32
                                    

AKI

Past: Reason

First day of burial. . .

Ito ang unang araw ng burol ni Kuya Akhill at kaninang umaga naman dumating ang katawan ni Papa. Wala akong pagkakataon makita sila kahit sa huling sandali dahil hindi ako pinayagan ni mama pumunta sa burol nila. Nandito lang ako sa bahay namin mag-isang umiiyak. 

Halos wala pa akong tulog kakaisip sa mga nangyari kahapon. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon. Galit na galit sa akin si Mama pero wala akong magawa kundi tanggapin ang galit niya dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit wala na si Kuya ngayon. 

Naka-upo lang ako dito sa labas ng pintuan namin habang nakatanaw sa labas ng gate, nag babakasakali na dumating na si Mama para sunduin ako para maka-dalaw naman ako kay Papa at Kuya.

Alas nueve na ng gabi pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Hindi pa ako kumakain at natutulog. Wala na akong lakas pero mas pinili kong mag hintay dahil gustong-gusto ko silang makita. 

Natigilan ako sa pag-iyak nang may kotseng tumigil sa labas ng gate namin. Napatayo agad ako at tumakbo para salubungin ang dumating. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko nang makitang si Ethan pala 'yon, ang boyfriend ko. 

"Ethan!" Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Buti naman pinuntaha—"

"Esha…" Tinanggal niya ang mga kamay ko sa katawan niya at humakbang paatras. "Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong niya habang naka-kunot ang noo.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Hindi ko mabasa ang nasa-isip nya. Para siyang walang pakealam sa pag-iyak ko. Iba ang awra niya at halatang-halata na iniiwasan niya ako. 

"May nagawa ba akong mali sayo?" Tanong ko din. 

Umiling siya. Tinitigan niya ako ng maigi, "Tinatanong kita, Esha. . . Bakit mo ginawa 'yon?"  

"Ang alin ba?" Hindi ko naman alam ang tinutukoy niya! 

"Yung nangyari kay Kuya Akhill!" Sigaw niya kaya napapikit ako sa gulat. "Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagawa mo pang lumabas ng ganoong oras? Esha naman! Nakakatang-ina naman!" Nagagalit na aniya. 

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Hindi ko na din napigilang mapasigaw sa kanya. "Gusto ni Mama makipag hiwalay ako sayo! Pinili kita kaya nangyari 'to! Sinuway ko si Mama para sa'yo, Ethan!" 

"Hindi ko hinihingi yun sayo, Esha!" 

"Pero kusa ko 'yong ibibigay sayo kasi mahal kita!" Tuluyan na akong napa-iyak sa harap niya. "Bakit ba nagagalit ka sa akin? Imbes na damayan mo ako ngayon ganito pa ginagawa mo. . . Ethan naman, Kailangan na kailangan kita ngayon. Sa ibang araw mo na lang ako awayin." 

Napapailing siyang tumalikod at naglakad. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa nang makita siyang papalayo sa akin. Bago pa man siya makalabas ng gate ay huminto siya at muli akong nilingon.

"Maghiwalay na tayo." Biglang aniya. 

Agad na humuhit ang gulat sa mukha ko, "T–Teka! Bakit. . . Ayoko! Sorry na kung may nagawa ako sa'yo. Sorry na please!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. "Please 'wag mo akong iiwan ngayon. . ." 

Pilit niya akong inihiwalay sa kanya, "Tama na 'to, Esha. Bata pa tayo. Makakahanap ka—"

"Ikaw lang yung gusto ko, Ethan. 'Wag ka naman mag salita ng ganyan." Sinubukan ko ulit lumapit pero humakbang siya palayo sa akin. "Babe. . . Please 'Wag naman ganito." Halos manghina ako sa harap niya. Panay ang iyak ko pero wala lang iyon sa kanya. 

"Huwag mo akong iwan, please. . . Kailangan na kailangan kita ngayon. Huwag naman ngayon, Ethan!" Halos lumuhod ako sa harap niya habang nag mamaka-awa na huwag niya akong iwanan. "Ngayon mo pa talaga naisipan makipag break sa akin? Napaka unfair mo, Ethan! Kailangan na kailangan kita!Nag mamaka-awa na ako sa'yo, 'wag naman ngayon!" 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant