Kabanata 20

7.3K 109 27
                                    

AKI

"Captain, pwede ba na huwag muna natin ipalaam sa kanila ang tungkol sa atin?"

Agad siyang napalingon sa akin nang marinig ang sinabi ko. Ang ngiti na naka-ukit sa labi niya ay unti-unting nag laho. Parang gusto niya akong tanungin ng maraming tanong pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mag kahawak naming kamay at nginitian siya. Narito kami ngayon sa elevator pababa sa lobby dahil babalik na kami sa HQ. Nang parehas naming narinig ang tunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami ay doon palang niya pinutol ang tinginan naming dalawa.

"Huwag mo sana isipin na hindi ko gustong malaman nila ang tungkol sa atin o gusto ko 'tong itago pero kasi ano. . ." Gusto kong kurutin ng malakas ang sarili ko nang hindi ko masabi ang dahilan ko.

"Nahihiya ka ba?" Huminto siya sa paglakad at hinarap ako.

Agad akong umiling, "Hindi ah! Sinong mahihiya kung ikaw ang boyfriend?" Pagtanggi ko agad. "Ngayon na lang kasi ako nagka-boyfriend after 9 years kaya hindi ko alam kung anong gagawin. . . Panigurado aasarin ako ni Alex pag nalaman niya." Napanguso ako at napayuko dahil sa hiya na naramdaman ko. "Don't be mad at me. Isang oras palang tayo mag boyfriend and girlfriend mag-aaway na agad tayo." Parang bata kong sabi.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig ang pag tawa niya. "Paano pa ako magagalit kung ganyan ka? Ang cute mo!" He copped my face and looked at me.

"Mahihirapan na ata ako hiwalayan ka pag lagi kang ganyan." Kitang-kita ko kung paano siya kiligin dahil lang din sa sinabi niya.

"Ah! Ang puso ko!" Humawak pa siya sa dibdib niya at umarteng parang nanghihina. "Grabe! 'Yan ba yung personality na tinatago mo?" Yung kilig niya sinabayan niya pa ng tawa.

Napa-kunot ako ng noo. Hinuli ko ang kamay niya na nasa dibdib niya at tinayo siya ng maayos. Kinakabahan kong nilibot ang tingin sa buong lobby para tingnan kung may tao ba doon at meron nga!

"Captain tumigil kana!" Naiinis na sabi ko dahil sa dalawang babae na nasisiyahan sa amin sa reception area at dalawang guard sa main entrance. "Isa! Iiwan kita dito!" Banta ko nang hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya.

"Sorry, sorry!" Nanunuyong aniya. "Hindi na! Titigil na ako, sorry. . ." Nagpipigil na tawa niyang sabi.

Sinamaan ko pa muna siya ng tingin bago naiinis na naunang maglakad papunta sa parking area. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sagutin na agad siya o ito ang pinaka maling desisyon na ginawa ko sa buhay ko.

Nakasimangot akong tumigil sa kotse ni Captain at nag kibit balikat. Nang malingunan si Captain na papalapit sa akin ay mas lalo akong nainis dahil nakangiti na naman siya na parang nang-aasar pa!

"Tumigil kana ah! Hihiwalayan kita, sige?!" Pagbabanta ko.

"Hey! Don't you dare, Aki." Binuksan niya muna ang sasakyan bago dumeretso sa akin. Nilapag niya ang mga bag namin at niyakap ako. "Huwag kang mag j-joke tungkol sa break-up,Akesha. Ayoko ng ganun." He whispered.

Nanatili akong tahimik habang nakatingin lang sa pag d-drama niya. Kung alam ko lang na ganito siya ka mapang-asar hindi ko na sana siya sinagot.

"I'm sorry. Hindi na ako mang-aasar." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako. "I can't believe it. You are finally mine."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Wala na! Wala na yung galit ko. Hinalikan niya lang ako nawala na lahat.

"Tara na. Magagalit sa atin si Sir Hernandez pag na-late tayo. Hanggang 8 lang 'yon maghihintay sa'tin." Aniko. .

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon