1

204 39 83
                                    

"Nasaan ka na?"

"Sorry, natraffic lang. Pero malapit na ako," sagot ko kay Amanda tapos binaba ko na ang tawag. Shocks, nasaan na ba ako? Ang layo ko pa! Isang jeep pa ulit ang sasakyan ko. Scam lang talaga sinagot ko kay Amanda.

Bakit ba kasi umuwi pa ko ng bahay? Pwede namang dumiretso na lang ako agad sa bar. Tsk, ang hassle pa tuloy.

"Para po!"

Agad akong bumaba at naglakad papunta sa susunod na sakayan ng jeep. Tinignan ko ang oras sa phone ko, 9:42 PM. Maaga pa naman. Siguro hindi pa naman wasted ang mga tao doon. Sana hindi pa masyadong lasing si Dewey para malibre niya pa ko ng alak!

Pinara ko ang jeep na paparating. Wala nang masyadong bumabyahe ngayon kaya madalang lang huminto si manong driver atmabilis akong nakarating sa bar. Yes! Alak, here I come!

Papasok na sana ako nang mapansin ko 'yong weird na lalake malapit sa entrance ng bar. Nakatitig lang siya sa sign sa taas, tapos mayamaya ay sumigaw siya na para bang frustrated na siya sa buhay.

"Tangina talaga!"

Lasing na siguro 'to?

Dali-dali ko siyang nilagpasan. Mahirap na, baka mapagtripan pa ko niyan.

Pagpasok ko ng bar, hinanap ko ang mga kaibigan ko. Madali ko lang naman silang nakita dahil sa blue hair color ni Halley. Hindi pa puno ang bar dahil medyo maaga pa.

Hindi maingay sa bar na 'to. Kapag umiinom kami, lagi naming pinipili 'yong chill lang. Ayaw namin ng may malakas na tugtog at mga wild na tao sa paligid. Gusto namin 'yong pwedeng nagkukwentuhan lang kami tungkol sa mga ganap namin sa buhay.

Paglapit ko, ang laki ng ngiti ni Dewey. Tumayo pa siya at niyakap ako.

"Uy, nakarating ka rin!" Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. "Welcome!"

"Lasing na si gago."  Naiiling si Amanda sa inaasal ni Dewey. Lumaklak siya ng isa pang bote ng alak bago siya sumiksik sa boyfriend niyang si Paul.

Umupo na kami ni Dewey at agad siyang nag-offer ng maiinom sa'kin. Tinanong ko pa siya kung libre niya ba 'to at oo raw! Jackpot!

"Masyado mong tinatake advantage si Dewey kapag may tama na 'yan," natatawang sabi ni Halley.

"Hoy, parang hindi rin kayo nagpapalibre sa kanya."

"It's okay, guys. I have lots of money," nagyayabang pang sabi ni Dewey. Nako Dewey, pagsisisihan mo 'to bukas.

Nagcatch up kami sa isa't isa. Magkacourse kami ni Amanda at ka-university namin si Dewey. Si Halley at Paul, sa ibang university nag-aaral. Magkakabarkada na kami mula high school  at tinatry namin ang best namin na maghang-out kung may oras kami. Madalas naming gawin 'tong inuman kada biyernes.

"Oo! Tawang-tawa pa ako kasi—Dewey!"

Natigil sa pagkukwento si Amanda dahil biglang nagsuka si Dewey. Jusko, nasukahan pa ang sarili niya. Ang hina talaga nito.

Agad na kumuha si Halley ng wipes sa bag niya at pinunasan si Dewey. Kumuha na rin ako ng tubig at inabot 'yon kay Dewey pero nasusuka pa raw siya kaya hindi niya tinanggap.

"Paul, samahan mo na sa CR," utos ni Amanda sa jowa niya. Napakamot sa ulo si Paul.

"Tsk, magdagdag nga kayo ng lalake sa barkada natin para hindi lang ako ang nag-aalaga kay Dewey." Tumayo na si Paul at inalalayan si Dewey. Tumayo rin ako.

"Sama na ako, mag-CR din ako," sabi ko. Tinulungan ko siyang akayin si Dewey. Kung ano-ano pang sinasabi nito na hindi na namin maintindihan ni Paul.

Ghost of Wazki ✓Where stories live. Discover now