3

83 30 42
                                    

"Saan ka galing?"

Kumunot ang noo ko kay Wazki. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, ang tanong na 'yan ang bumungad sa'kin. Nakacross-arms pa siya at seryosong nakatingin sa'kin, akala mo naman tatay ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Unti-unti rin namang lumambot ang mga mata niya tapos napakamot siya sa ulo niya. "Tinatry ko lang 'yong mga napapanood kong teleserye sa Youtube."

Umiirap akong pumasok ng condo. Teka...

Lumingon ako sa kanya, "Saan ka nanonood? Wala namang tv rito sa condo."

Ngumuso siya sa couch kaya dumako ang tingin ko doon. Nakabukas ang laptop ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin ulit sa kanya.

"Alam mo ang password ng laptop ko?!"

"Oo."

"What? Paano mo nalaman?"

"Nakita kong tinype mo." Ang laki ng ngiti niya, proud na proud pa sa sarili niya.

"Wala naman akong sinabing pwede mong galawin laptop ko!" sigaw ko. Nagsorry na naman siya kaya nawala rin agad ang galit ko. Buti na lang wala akong tinatago doon.

"Sorry na, bored na kasi talaga ako. Sabi mo pa 'wag akong gagala kasi baka mawala ako."

Umupo ako sa couch. "Oo na, okay na."

Bigla kong naalala si Austin. Tinitigan ko si Wazki na nakatingin lang din sa'kin. Kamukha niya talaga, shet.

"Austin De Leon," simula ko. Kumunot ang noo niya. "Ring a bell?"

"Huh?"

Tinapik ko ang parte ng couch sa tabi ko, senyales na umupo siya doon. Sumunod naman siya agad.

"Wala ka bang kilalang Austin De Leon? Hindi man lang tunog pamilyar sa'yo?"

Ilang segundo siyang nag-isip saka siya umiling. "Wala, e. Hindi ko alam."

Tama kaya ang hinala ko? Paano kung kambal niya si Austin De Leon at hindi niya lang alam?

"Pumunta ako sa university ni Halley kanina at may nakita akong kamukha mo, Wazki. As in kamukhang-kamukha mo. Mukha kayong pinagbiyak na bato! Austin De Leon ang pangalan niya," sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Talaga ba?" Ang lakas ng boses niya, parang no'ng unang beses kaming nagkita. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Oo. Since friday bukas, may inom ulit kaming magkakaibigan. Sinabi ko kay Halley na ayain si Austin. Tangina nga e, akala ni Halley type ko 'yong Austin. I mean, para na niyang sinabing type kita!" natatawa kong sabi.

"Bakit, hindi mo ba ako type?"

Ang seryoso ng mukha niya kaya tumigil ako sa pagtawa. Nagkatitigan kami uli.

"Hahahaha!"

Punyeta.

"Wazki, tangina ka rin, 'no? Tinutulungan ka na nga!" Hinampas ko pa siya. Bwisit, e. "Kakausapin ko na nga siya bukas para sa'yo, e!"

Tumigil siya sa pagtawa pero nanatili siyang nakangiti. Ang ganda ng ngiti niyang 'yon, nahahawa ako. Parang napapangiti rin tuloy ako.

"Sa wakas! Pwede na kitang palayasin sa condo ko."

"Uy, grabe ka naman! Hindi ka ba nag-eenjoy na kasama ako?" Parang nagtatampo ang itsura niya.

"Kung sana hindi ka nagkakalat dito, okay pa sa akin. Kaya lang hindi, e. Ginagalaw mo pa mga gamit ko! Ang takaw-takaw mo pa, inuubos mo Yakult ko!" Tumayo ako at tumungo sa ref para kumuha ng maiinom. Nauhaw ako bigla nang mabanggit ko ang 'Yakult.'

Ghost of Wazki ✓Where stories live. Discover now