Ending

66 19 18
                                    

Eve's POV

Tatlong linggo na nang iniwan niya ko.

Napabuntong-hininga ako. Tinignan ako nina Dewey at Amanda, para bang naweweirduhan sa akin.

Isinara ni Dewey ang librong binabasa niya. "Gets namin na ayaw mong sabihin kung anong problema pero ang tagal na kasi, e. Ano bang nangyari sa'yo?"

"Oo nga, naaapektuhan na pati pag-aaral mo. Walang kwenta 'tong group study natin kung ganyan ka."

Iyon lang ang alam nila: galing akong Baguio at pagkabalik ko, lantang gulay na ako.

Paano ko naman kasi sasabihin sa kanila? Isang gabi, may lalakeng hindi nakikita ng ibang tao na bigla na lang pumasok sa buhay ko, nagustuhan ko siya at iniwan ako. Gano'n ba?

Paano ko sasabihing hanggang ngayon, nag-aalala ako sa lalakeng 'yon? Nakabalik ba siya sa mundo niya? Naaalala niya kaya ako? Miss na ba niya ako? Babalikan kaya niya ako?

Ang gulo. Baka hindi naman nila ako paniwalaan. 

Nanatili lang akong tahimik. Nilalaro-laro ko ang strawberry keychain na nakuha ko  sa Baguio at napabuntong-hininga ako ulit. Ramdam ko ang frustration nila dahil sa hindi ko pagsagot. 

"Ganito na lang, Eve. Kahit vague na lang na kwento para naman may idea kami kung anong pinoproblema mo," suhestiyon ni Amanda. 

Vague na kwento?

Bumuntong-hininga ako ulit. "May nagustuhan akong lalake kaya lang hindi niya ako gusto at iniwan niya ako bigla."

"Ay, ghosted?" sabi ni Amanda. Kumirot ang puso ko dahil sa word na 'yon. Punyeta, iba ang tama. "Si Austin ba? Nako, itetext ko si Halley,  sabihin ko pakitadyakan 'yang si Austin!"

Oo nga pala, akala nila kalandian ko si Austin mula no'ng gabing sinama namin siya sa inom. Nagtaka rin sila bakit bigla na lang hindi na kasama si Austin sa mga sunod naming inom.

Umiling ako. "Gaga, hindi. Iba 'to."

"Aba'y sino ba 'yang gagong 'yan? Bakit pinaasa ka?!" malakas na sabi ni Dewey, napatingin tuloy 'yong mga tao sa kalapit naming table dito sa coffee shop. Natawa na lang ako habang umiiling.

"Hindi niya ako pinaasa, sadyang nagustuhan ko lang siya," sabi ko. "Ako ang may kasalanan. Feelings ko 'to, responsibilidad ko 'to."

Natigilan sila sa sinabi ko at para bang naawa. Pero totoo naman e, hindi naman niya hininging magustuhan ko siya.

"Tangina, ngayon ka lang nagkagusto tapos iniwan ka agad? Ang saklap naman nga ng kapalaran mo," sabi ni Amanda. 

"Oo nga, naaawa talaga ko, shet," sabi naman ni Dewey. "Eve, gusto mo libre kitang alak mamaya? Kahit sabado ngayon at kakainom lang natin kagabi, okay lang sa'kin—aray, Amanda!"

"Alak na naman 'yang nasa bibig mo! Ang hina-hina mo naman uminom!" sabi ni Amanda habang kinukurot sa braso si Dewey. Natawa lang ako sa kanila.

Kung mapapawi lang ng alak 'tong nararamdaman ko.

--

Bank's POV

It's been three weeks since I came back.

Gulat na gulat ang mga kakilala ko nang makita nila akong nakabalik at buhay pa. Muntik na nga raw nilang ideklarang patay na ko pero heto ako, buhay na buhay.

Tatlong linggo din akong nakaleave sa lab at university. Magpahinga muna raw ako at kapag may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko, ireport ko daw agad dahil baka sanhi 'yon ng pagpunta ko sa ibang universe.

Ghost of Wazki ✓Where stories live. Discover now