7

57 18 21
                                    

Eve's POV

"I'm from another universe."

Sobrang seryoso niyang sinabi 'yon. Sobrang seryoso to the point na maniniwala na ako.

"Gago! Hahahaha!"

Syempre tinawanan ko lang. Tangina! From another universe? Ang weird talaga nitong si Wazki 'pag lasing. Kumuha ako ulit ng Pic-A at sinawsaw ito sa ice cream.

"Totoo ang sinasabi ko, Eve," sabi niya. Napatingin ako ulit sa kanya at gano'n pa rin ang itsura niya: sobrang seryoso.

I'm from another universe.

From another universe?

I... I don't even know what to feel. Punyeta. Kahit sino naman kasing sasabihan ng ganitong katarantaduhan ay hindi maniniwala. Mas maniniwala pa akong multo lang talaga siya at may kailangan pa siyang gawin sa mundong ito bago siya makatawid nang tuluyan sa kabilang buhay.

Nagtitigan lang kaming dalawa. Mayamaya, bumuntong-hininga siya at nag-iwas din ng tingin.

Ang awkward, punyeta.

Ang weird niya kasi ngayong gabi. Buong araw naman siyang okay, typical Wazki na mapang-asar at masiyahin pero may iba ngayon. Parang biglang sobrang lungkot niya. Akala ko pa naman magiging sobrang saya siya pagkatapos ng araw na 'to kasi nga naggala kami.

"Do you have a coin?" Ang weird ng tanong ng isang 'to. "Importante 'yon sa kwento ko."

Weirder. Tumayo ako para kuhanin ang wallet ko at maglabas ng piso doon. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. "Anong kailangan mo rito? Kingina mo."

"Flip mo, sampung beses."

Pinanliitan ko siya ng mata. Anong trip ba 'to? 

Aangal pa sana ako pero wala na kong energy makipag-away kaya ginawa ko na lang ang sinabi niya. Bawat flip ko, sinasabi niya kung heads ba or tails. In the end, anim na beses na nagheads at apat na beses na nagtails.

"Oh tapos?" masungit kong tanong.

"Now, try flipping it for fifty times."

"Mukha mo!" Sa inis ko, binato ko sa kanya 'yong piso. Sapul sana siya sa mukha kaya lang nasalo niya, ngumiti pa si gago sa'kin. "Ikaw magflip fifty times kung trip mo. Punyeta Waz—Bank ah, nauubos na ang pasensiya ko. Magkukwento ka ba o hindi? Kung ayaw mo, pwede namang bukas na lang. Madali lang akong kausap." Liligpitin ko na sana 'yong mga kinakain namin pero hinawakan niya ang kamay ko. Wala na 'yong ngiti niya, seryoso na ulit ang mukha niya.

Huwag mo kong tignan nang ganyan, please.

"Waz—Bank, k-kamay ko," nauutal ko pang sabi. Tangina kasing hawak at tingin 'yan.

Binitawan naman niya ko agad. Binaba ko ulit 'yong mga pagkaing liligpitin ko sana.

Hindi nagsalita si Bank. Instead, he flipped the coin.

"Tails."

He flipped it again.

"Tails."

He flipped it again, and again, and again. He flipped it for fourteen more times, at lahat sila...

"Tails." Tinignan niya ko and for the last time, he flipped the coin again and still. "Tails."

Hindi ako makapaniwala. Weird! Paano niya nagawang tails lahat 'yon?

"The fuck? May mahika ka ba?!" tanong ko at tinuro ko pa ang mga kamay niya.

"Wala," umiiling niyang sabi. Nakangiti siya, pero may lungkot sa ngiting 'yon. "Alam mo ba 'yong law of large numbers? Theorem 'yon sa probability. It states that as the number of trials increase in an experiment, such as flipping a coin or rolling a dice, the result becomes closer to the expected value."

Ghost of Wazki ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon