6

62 19 39
                                    

Bank's POV

How can I tell her everything?

"Anim na Smirnoff Mule, tatlong Pic-A, dalawang Busog Meal Sisig, at isang tub ng rocky road ice cream from 7/11," masigla niyang sabi.

"All for free!"

"All for free kasi tangina ka Wazki, nagnakaw ka na naman." Ang sama ng tingin niya sa'kin habang sinasabi niya 'yan. Tumawa lang ako.

Sabi ko kasi kaninang umaga, ibigay niya sa'kin ang araw na 'to bago kami pumunta 'doon' at sasabihin ko sa kanya lahat ng naaalala ko pero nang matapos kaming maggala, sinabi ko sa kanyang nagsinungaling ako. Wala naman talagang 'doon.'

Gusto ko lang naman siyang makasama pa.

Nagalit tuloy siya kaya para makabawi ako, nagnakaw ako ng mga paborito niyang pagkain sa 7/11. Masama magnakaw, I know, pero hindi naman ako nakikita ng iba para mabili ko 'yan para sa kanya. Also, wala naman akong sariling pera.

Dahil gabi na, dito na lang muna kami sa nirentahan namin sa Teacher's Camp. Gusto niya sanang umuwi na pero sabi ko dito na lang muna kami, tutal pagod na kaming dalawa. Pumayag naman siya agad kasi hindi maayos ang tulog niya kagabi at pagod na pagod na siya ngayon. Buong araw ba naman kaming naggala.

Nakaupo kami ngayon sa lapag. Nasa harap namin ang lahat ng pagkain. Balak sana namin na sa labas magstay pero masyadong malamig kaya dito na lang kami sa loob.

I stared at her. I can never get tired of that face.

"Eve, anong oras na?" tanong ko. Saglit niyang sinilip ang phone niya para sagutin ang tanong ko.

"9:36 PM na, bakit?" Hindi siya nakatingin sa'kin. Binubuksan niya kasi 'yong isang sisig meal.

"Wala."

Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. In less than 3 hours, I won't see that face again.

--

Flashback to 2 months ago

"Bank!"

Hindi pa man ako lumilingon, alam ko na agad kung kaninong boses 'yon. Tinignan ko siya at nginitian. Ang pinakamahal kong babae... pero sunod lang sa nanay ko, syempre.

Nang makalapit siya sa'kin, agad niya akong niyakap. Natatawa ako kasi sobrang clingy niya, hindi naman talaga siya ganito. Anim na buwan na kasi akong busy sa project namin kaya halos lahat ng oras ko, nakalaan na rito.

"Alam mo namang hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok dito sa lab, lalo na hindi ka nakasuot ng lab coat," suway ko sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at nagpout. Ang cute niya talaga.

"Kailan ba kasi matatapos 'tong project n'yo?"

"Malapit na," sagot ko. Tinignan ko ang oras, 4:30 PM na pala. Tumingin ako ulit sa kanya. "Hindi ka pa uuwi?"

"Uuwi na, dinaanan lang kita para dito." Tinuro niya 'yong paper bag na may tatak ng 7/11, nakapatong ito sa table sa labas. Nasa labas lang ito dahil bawal magpasok ng pagkain sa loob ng lab.

"Salamat sa meryenda." Nginitian ko siya. Lumabas kami saglit.

"Hindi ka ba pwedeng maagang umuwi ngayon? Hayaan mo na sina Harold at Gin, kaya na nila 'yan!"

Ghost of Wazki ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon