5

49 20 36
                                    

"Uy, Eve!"

Naalis na ang pagkakatitig ko sa kamay ko. Umiling-iling ako. Tangina, ano bang 'tong mga pumapasok sa isip ko?

"Bakit umiiling ka diyan? Sige na, masaya 'to!"

Hindi naman para sa kanya 'yong pag-iling ko, para sa'kin 'yon kasi pakiramdam ko nababaliw na ako. 

Nagbayad na ako tapos lumapit kami sa mga boat. Swan 'yong design na sasakyan namin. Mukha namang mababaw lang 'tong lagoon, siguro ayos lang 'to.

"Nako ma'am, bakit pinapasma po kayo?" tanong sa'kin ni kuyang mamamangka. Inaalalayan niya ko pasakay ng boat kaya hawak niya ang kamay ko at puta, pinapasma na nga ako. Narinig kong tumatawa nang mahina si Wazki sa likod ko.

"K-Kuya, hindi naman siguro malalim 'to 'no?" tanong ko. Nginitian ako ni kuya.

"Ma'am, sa totoo lang malalim 'to, hindi lang halata."

Nakaupo na ako pero tangina, takot na takot ako. Baka pwede pa naman akong magback out? Shet.

Umupo si Wazki sa tapat ko, ang lakas na ng tawa niya ngayon.

"Hindi maipinta 'yang mukha mo, nakakatawa! Hahahaha!"

Bwisit. Pasalamat siya hindi lang kaming dalawa ang nandito sa boat kaya hindi ko siya mahampas o masigawan. Bwisit talaga!

Nagsimula nang mamangka si kuya. Wala nang atrasan 'to, shet. Kapit na kapit ako sa bangka kasi putangina talaga, mamamatay ako kapag nahulog ako.

Nanginginig ang mga kamay ko pero biglang may humawak doon. Pagtingin ko, si Wazki pala. Nakangiti na naman siya sa'kin.

Ayan na naman 'yang ngiting 'yan.

"Relax ka lang, Eve!"

Habang mas tinititigan ko ang ngiti niya, mas kumakalma ang pakiramdam ko. Tsk, ang paranoid ko naman kasi masyado. For sure naman ligtas kami.

Lumapit si Wazki sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya. Puta, anong ginagawa niya?

"Akong bahala kapag nahulog ka," bulong niya tapos...

"Tangina!"

Nagmura ako nang malakas kasi bigla ba namang naglikot si Wazki kaya umuga 'yong bangka. Tinawanan ako ng mga kasama ko at syempre, pinakamalakas na tawa 'yong kay Wazki.

"Ma'am, normal lang po 'yon, 'wag kayong matakot!"

Nginitian ko na lang si kuya. Gustong-gusto kong sabihin na hindi normal 'yon, talagang may pasaway lang kaming kasama sa bangka pero hindi naman nila nakikita si Wazki! Ugh!

"Ang epic! Hahahaha!"

Bwisit na Wazki!

Hindi pa nakuntento ang gunggong, talagang tumayo pa siya at tumalon-talon sa bangka. Nagsisimula na ngang mag-alala pati si kuyang namamangka pero hindi pa rin siya tumitigil!

"Ang sakit na ng tiyan ko, nakakatawa mukha n'yong lahat! Hahahaha!"

"Nakakatawa pala, huh?" inis kong sabi.

"Eve—"

Binasa ko siya. Buti na lang malayo 'yong katabi niya kaya hindi naman natamaan ng tubig.

"Eve, grabe ka!" usal niya. Binasa ko siya ulit. Dahil hindi siya papatalo, binasa niya rin ako.

"Ma'am! Hala, bakit basa ka?" tanong ni kuyang namamangka. Natigil kami pareho ni Wazki sa pagbabasaan.

"Gusto ko lang po mafeel 'yong tubig, hehe," palusot ko. Narinig kong natatawa si Wazki sa sinagot ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ghost of Wazki ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon