2

101 32 72
                                    

"Tangina! Hahaha!"

Ang sama ng tingin sa'kin ni Bank dahil kanina ko pa tinatawanan ang pangalan niya. Seriously? Wazki?

Kumuha ako ng isa pang bote ng alak at binuksan ito. Nahirapan pa ko sa pagbukas dahil medyo nahihilo na ako pero nabuksan ko rin naman. Ininom ko ito agad.

"If you're still gonna drink here, bakit umuwi ka pa nang maaga? Sana nagstay na lang tayo sa bar, mga kaibigan mo sana ang nagdedeal sa kalasingan mo."

"Hey, I'm not too drunk," sabi ko sa kanya. Naglagay ako ng alak sa isang baso at inabot iyon sa kanya. "Here. 'Saka umupo ka nga, ako nahihirapan sa pagtayo mo diyan."

Mukhang nagdadalawang-isip pa siya pero umupo din naman siya sa couch, sa tabi ko.

"Ayokong malasing. Well, kanina gusto ko dahil nafufrustrate ako kasi walang nakakakita sa'kin pero ngayon, meron naman na." Ngumiti siya matapos niyang sabihin 'yon. In fairness, mas gwapo siya kapag nakangiti.

"Fine. Akin na lang 'to." Ininom ko 'yong nakalagay sa baso. "Umuwi ako agad para makapag-usap tayo nang maayos. Obviously, I can't talk to you in front of my friends. Baka isipin pa nilang baliw ako tulad mo." Buti pala mag-isa lang ako dito sa condo, at least may place na makakapag-usap kaming dalawa.

"Hey, I'm not crazy!" giit pa niya. "Also, what's wrong with my name? It's normal."

Kinuha ko 'yong Pic-A sa harap ko at binuksan ito. "No, dude! It's weird! Wala akong kilalang may apelyidong Wazki. Ang weird na nga ng first name mo, mas weird pa ng surname mo," sabi ko. "You know what, I'm gonna call you Wazki from now on. Ang funny talaga pakinggan! Hahaha!"

Mukha siyang naiirita na sa'kin. Inagaw niya 'yong Pic-A ko at agad iyong nilantakan.

"How about you? What's your name? Tawang-tawa ka sa pangalan ko, baka panget naman pala 'yong sa'yo," sabi niya habang kumakain ng chips. "Eve? Is it Eve?"

Tumango ako. "Eve Christine Santos. Nice to meet you, Wazki." Inabot ko pa sa kanya ang kamay ko. Tinitigan niya muna 'yong kamay ko ng ilang segundo tapos tinanggap niya rin naman.

"Your name sounds boring." He let go of my hand. Inagaw niya 'yong alak ko at tinungga 'yon.

"Hey! Pasalamat ka nga dinitch ko mga kaibigan ko para sa'yo, e."

"But it's true, your name sounds boring!" pilit niya pa atsaka uminom ulit ng alak ko. Tsk!

"I didn't mean that one, idiot! Give me back my beer!" Naagaw ko naman agad sa kanya 'yong bote. "At least my name's normal, yours sounds so wacky."

"Normal kayang pangalan 'yon sa'min!"

Sa'min? Napaisip tuloy ako bigla. "Taga-saan ka ba?"

Natigilan siya. Oops, hindi ko ba dapat tinanong?

"Hindi ko alam." Yumuko siya, para bang malalim ang iniisip. "But I think taga-dito lang din ako. Somehow, familiar dito," sabi niya tapos tumingin siya sa'kin. There's something about that look, but I can't figure it out.

Nagsisimulang mag-init ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Binaba ko ang bote ng alak na hawak ko at nagsimulang magligpit.

"Wazki, I'm tired. Bukas na lang tayo ulit mag-usap."

"Okay... saan ako matutulog?"

Natigilan ako. "Kailangan mo ng tulog?"

"Yeah. Kaya nga feeling ko hindi ako multo e, kasi kailangan ko pa ring matulog. Nagugutom din ako. For days, nagnanakaw lang ako ng pagkain."

Ghost of Wazki ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt