24

16.1K 526 88
                                    

"Ate! Gising na! Mag-aalas sais na ng gabi!" Agad akong nagising dahil sa sigaw ng peste kong kapatid na hindi pa nakuntento at niyugyog pa ang mga balikat ko.

"Ano naman ang paki ko kung a las sais na? Early pa naman—" napabangon ako sa gulat nang mag-sink in ang sinabi niya. "Ha? Ba't ang bilis? Gabi na?!"

Dali-dali akong umalis sa kama at kumaripas ng takbo papuntang banyo. Rinig na rinig ko ang halakhak niya kaya bigla akong nagduda at lumabas ng banyo.

"Naku! Ang bilis mong maloko, ate!" Natatawa niyang sabi kaya binatukan ko. "Uso kasi ang fact checking."

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumisi lang ang baliw. "Walang hiya ka, Brooklyn! A las siete pa lang ng umaga, ah!"

Bumelat lang ang bruha at pinakialamanan na ang mga gamit ko. Gusto ko man siyang hampasin sa inis, pinigilan ko na lang ang sarili at pumasok na sa banyo para maligo.

Buong oras na naliligo ako, pinag-iisipan ko kung paano makaganti sa kapatid. Hindi pwedeng wala akong gawin dahil sa pag-istorbo niya ng tulog ko!

Pagod na pagod pa ako dahil kahapong umaga lang kami dumating dito. Pagkatapos naming magpahinga, tumulong kaagad kami sa pag-aayos ng bahay at paghahanda ng mga kagamitan para sa Christmas party.

"Huwag ka na magalit. Christmas na bukas, give love ate! Give love!" Aniya nang makalabas ako ng banyo na masama ang tingin sa kaniya. Nagpa-cute pa siya sa akin ngunit hindi naman iyon nakatulong.

"Nakakasuka ka!" I said, rolling my eyes. Bago pa ako makapagtanong kung nasaan si Orion, pumasok na ang isa kong kapatid na feeling Koreana.

"Annyeong unnie! Gising ka na pala, kanina pa kasi gising ang aking oppa," Paris greeted while lowering her head as if bowing to me.

Napailing na lang ako dahil sa kapatid. Hindi ko alam na hanggang ngayon, kina-career niya pa rin ang pagiging K-drama fan.

"Ate, ang bait pala ni oppa! Botong-boto ako sa kaniya!" Aniya at sinabayan na ang kakambal sa paghahalukay ng mga kagamitan ko.

Napangiti ako sa narinig at biglang nawala ang inis ko sa isa. Buti naman at nagustuhan nila si Orion. Hindi naman kasi mahirap magustuhan ang gwapong squid na iyon!

"That's nice to hear!"

"Oo ate!" Aniya at saka tumango. "Sa sobrang bait, gusto kitang ipagpalit sa kaniya."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad na nag-finger heart sa akin.

"Oo nga, ate! Kung 'di mo lang siya jowa, baka inadopt na siya ni mama," dagdag pa ng isang bruha.

"Actually, gusto ko rin kayong ipamigay. Ang problema lang ay walang gustong tumanggap sa inyo," sagot ko sa dalawa sabay ngisi. Akala siguro nila magpapatalo ako.

Patuloy kaming nagtuksuhan hanggang sa tinawag na sila ni mama at ako naman ay bumalik na sa banyo para makapagbihis. Ang una kong nakita ay ang repleksyon ko. Naka-bathrobe lang ako kaya kitang-kita ang mga peklat na natama ko noong nakaraan.

I stared at my reflection and my eyes immediately went to the scars on my chest. I brought my shaking hands to it, feeling the marks on my skin.

My wounds are all healed so it doesn't hurt when I touch them. But every time I see my scars, I feel suffocated. Seeing them feels like someone is strangling me.

"Hey, are you okay?" My destructive thoughts were cut off when I heard a familiar voice.

I looked at Orion who was casually leaning on the doorframe. I was so lost in my thoughts that I didn't notice him until he spoke.

How to Avoid HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon