36

12.7K 466 28
                                    

"Orion," I called.

He only glanced at me before focusing back to the road. Tahimik ang buong biyahe namin papunta sa kung saan. Gusto ko man siyang kausapin, tanging pangalan niya lang talaga ang kaya kong sambitin dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos ng tawag ni Sugar kanina, wala akong mukha na kayang iharap sa kaniya. Nanatili lang akong nakatayo doon na parang baliw hanggang sa hinawakan niya ako sa palapulsuhan at iginaya papunta sa sasakyan niya.

Gusto ko na lang maiyak dahil sa inis sa sarili. Pinangunahan na naman ako ng takot at galit at hindi man lang ako nag-isip.

"We're here," he informed.

Nilibot ko ang tingin at nakitang nasa parking lot kami ng condo ko. Bumaling ako sa kaniya at agad namang binawi ang tingin nang nakitang nakatitig siya sa akin.

Walang nagsalita sa amin. Gustuhin ko mang siya ang mauna, alam ko namang ako ang may kasalanan.

"Thanks for the ride." Mariin akong napapikit. Hindi dapat iyon ang sasabihin ko! "Are you coming? I'll cook us dinner."

Seryoso pa rin ang kaniyang mga mata pero tumango naman siya. Tahimik pa rin kaming dalawa hanggang sa makarating sa unit.

Naglinis kaagad ako ng katawan nang makarating sa condo. Siya naman, umupo lang sa sofa bago nagpaalam kung pwede raw bang makigamit ng banyo.

Dali-dali akong naligo at nang makatapos ako, sakto rin ang paglabas niya mula sa isang guest room. Sandali kaming nagkatinginan bago ako kumaripas ng takbo papuntang kusina at nagluto.

Tahimik din ang buong hapunan. Napapansin ko ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin at ako naman, kahit gusto ko na talagang mag-usap kami, parang naubos ang lakas ko at napalitan ng kahihiyan kaya hindi ako makapagsalita.

Nag-alok siya na hugasan ang mga pinggan kaya naiwan akong tulala siyang pinagmamasdan habang naghuhugas. Pagkatapos niyon, kumuha siya ng toothbrush sa duffel bag na kinuha niya kanina at dahil sa pagkataranta, napatakbo ako sa kwarto at nagsipilyo na rin.

When I finished brushing my teeth, I opened my door slowly, then peeping at the small space. He was sitting on the couch and was just busying himself with his fingers.

Lumabas ako ng kwarto at saka umupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin at saka inayos ang upo para magkaharap kami.

"Thanks for the dinner, it was delicious," he said with a smile.

Please don't smile like that! Now, I'm feeling even guiltier!

"Orion, I'm sorry," I apologized then shut my eyes closed. Huli ko nang napagtanto na sobrang bilis ng pagkakasabi ko at tila nagra-rap.

I opened my eyes and met his'. "I'm sorry."

He only looked at me and sighed. I got scared because of his reaction because it wasn't like the one I expected.

Maybe he's like this is because he stopped caring anymore. Maybe he realized that he can't deal with me because I always assume and it's getting annoying already.

Or maybe I'm just overthinking again but it's too late already because I can now feel my cheeks getting wet.

He didn't say anything but pulled me into a hug instead.

"Shouldn't you be mad at me?" I asked, then burying my face on his chest even more.

"I'm not mad, London," he said in a reassuring voice. "I'm not saying that it's okay because it's not. I'm hurt that you still can't trust me but I understand where you're coming from... and it's my fault."

How to Avoid HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon