PROLOUGE

22 8 0
                                    

Anong balak niya? Bakit niya ako sinusundan? Anong gagawin ko? Sari-saring katanungan ang sumasagi sa isip ko pero isa lang Ang nararamdaman ko ngayon TAKOT Hindi ko talaga alam kung anong motibo niya kung bakit niya nagagawa yun.

Naglakad ako papasok sa isang silid pero nararamdaman ko parin ang pagsunod niya sakin. Naglakad ako nang mabilis upang hindi niya ako maabutan. Hanggang sa napansin kong nasa pinakadulo na ako. Hindi ko magawang lumingon dahil kinakabahan akong baka sa oras na lumingon ako ay baka mawalan na ako hininga... Alam ko nang siya ang may sala at may pakana ng lahat.

"A-nong kai-langan mm-o?" Utal utal kong tanong. Ngunit walang sumasagot. Kaya sa sobrang pagtataka ko pinilit kong lumingon kahit na sobra akong nawiwindang sa mga nangyayari

Paglingon ko ay nakita ko ang mala demonyong ngiti na sumisilay sa kanyang mukha. Tila naubusan ako ng hininga ng bigla niya akong sinakal.

"Sa tingin mo ba bubuhayin pa kita ngayong alam mo na ang lahat ng sikreto ko?" Nakakapangilabot ang kanyang ngiti habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ginagawa ito?" Naguguluhan ngunit buong tapang kong sagot sa kanya.

"Akala ko ba matalino ka? Hanggang ngayon ba hindi mo parin alam ang dahilan ko?" Naka kunot noong tanong niya saakin. Alam kong malalim ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa lahat ng ito. Pero hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan niya pang mandamay ng mga inosenteng tao.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal saakin kaya mas lalo akong nanghina. Nang maramdaman kong katapusan ko na ay nasilayan ko pa ang kanyang ngiti hudyat na tagumpay siya sa kanyang plano. Sa huling pagkakataon ay nagawa ko pa siyang sipain bago nagdilim ang lahat.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now