× C 14 ×

4 1 0
                                    

Papasok palang ako ng school pero agad akong natigilan dahil napakaraming estudyante ang lumalabas mula sa school na mukhang balisa. Teka anong nangyayari dito bakit may mga pulis? Soco? Ambulansya? Anong nangyayari?

"Hey you're my classmate right?" Huh? Feeling close lang? Si Michael pala to kaso bakit niya naman ako kinakausap? Ang sungit naman ng dating ko kung di ko siya sasagutin no? Kaya sige pagbigyan kailangan ko rin ng machichismis eh.

"Ah yeah. btw do you speak tagalog?" Alam niyo naman baka maubusan ng english ang ate niyo. Best in Science lang ako pero pag sa english naku diyan tayo madadale.

"Ah konti lang" natatawang sabi niya na may accent pa ang cute ng walangya.

"But do you understand?" Tanong ko nanaman. Syempre diba para hindi na ako mahirapan makipagchickahan.

"Uh yeah of course" prenteng sagot niya atsaka siya ngumiti na nagpalabas ng dimples niya. Why so cute koyah?

"Um pwedeng tanungin anong nangyayari sa loob? Bakit parang lumalabas ata lahat ng estudyante. Tsaka bakit ang daming pulis?" Nagtatakang tanong ko dahil kanina pa ako kating kati na malaman kung anong kaguluhan ang nangyayari.

"Oh I don't really know I just got here and would want to ask you the same question" ngiti niya sabay kamot sa ulo. Tch akala ko nung una masungit to bakit parang friendly naman pala. Judgemental na ba ako guys ha?

"Ah ganun ba? Sige saglit lang may tawagan lang ako excuse" lumayo ako ng kauti at dinial ang number ni Grace pero number busy kaya si Angel nalang tinawagan ko.

Calling Anghel...

(Ow Eli gurl what's with the call?)

(Gel asan ka?)

( Umm I'm here inside the academy ikaw ba where are you?)

(Nasa loob ka? Teka ano bang nangyayari diyan? Bakit may mga pulis ganun?)

(Huh? There is? Um I'm actually here sa gym. You know I'm with Caleb but really what happened daw ba?)

Hay nako ang sarap ding sipain nitong babaeng to sa puson eh. Napakamalandot kahapon lang pinagpapantasyahan si Caleb tapos ngayon kasama na niya. Nako ang kamandag nga naman ng isang Ersante.

(Gaga ka anong ginagawa mo diyan?! Nako ang landi mo talaga.)

(Why ba kase? You know what Eli gurl just call me nalang if you have news ha? I'm busy kasi eh bye)

Walangya naman tong babaeng to busy daw. Ano kayang ginagawa nila dun? Hayssst matanong nga tong pinsan nung kalandian ni Anghel.

"Um Michael si Caleb ba nasaan?" Tinanong ko lang malay niyo diba nag aassume lang yung abnormal at loka lokang conyo na yun.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now