× C 9 ×

6 3 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas at ganun parin ang nangyayari except sa inintriga ako nung tatlong loka loka about sa status daw namin ni Markus.

Flashback...

"Hey Eli gurl what's up na between you and Markus does he make ligaw to you na? OMG I'm so kilig to the both of you talaga" ngiting ngiti si Angel at bahagyang namumula. Halata nga na kinikilig siya.

"Nanliligaw na siya. Actually pinakilala ko na siya sa family ko" tumili silang tatlo at pinagtitinginan tuloy kami dito sa classroom. Nagmumukha na kaming timang sa pinag gagagawa nila.

"ElKus for the winnnn!!!" Sigaw ni Grace. Natatawa akong napayuko nang may maalala ako.

"Teka Grace pano si Maureen? Pano pag Mahal niya pa si Markus? Syempre masasaktan siya. Sa tingin niyo magagalit siya sakin?" Nag aalalang tanong ko. Una palang talaga iniisip ko na yun pero ngayon ko lang narealize na baka nga mali ang decision ko at sobrang  selfish ko dahil hindi ko inisip yung mararamdaman ni Maureen.

"Don't worry Elrinne hindi ganun si Mau. Sa totoo lang baka mas maging thankful pa siya sayo kasi pinapasaya mo si Markus na hindi na niya magagawa pa" nakangiti si Grace pero ramdam kong nalulungkot parin siya para sa pinsan niya.

"Basta Elrinne alagaan mo si Markus ha? Ramdam ko namang hindi ka niya sasaktan" napangiti ako nang mapait sa sinabi ni Alliyah. Kahit anong gawin ko sumasagi parin sa isip ko yung thought na niligawan lang niya ako dahil kay Maureen. At alam kong pag narealize niya na hindi ako yung totoong babaeng mahal niya iiwan niya din ako.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now