× C 13 ×

2 2 0
                                    

Nagfeefeeling depressed nanaman po ako opo. Pero seryoso realization really hit me so hard that I can't move, I can't walk, I can't breathe. Charing ulit.

Pero hindi ko na talaga alam kung ipagpapatuloy ko pa ba itong katangahan ko na to para lang sa ngiti ng taong... Teka nga ano ko ba siya? Hindi ko naman masasabing mahal ko siya dahil lang gusto ko siyang mapasaya. Tama naman diba?

Aba ewan ang sakit sa bangs ng problema ko. Gusto kong ilabas tong saloobin sa isang tao pero hindi ko alam kung may makakaintindi sakin.

Kung sila Grace, Angel at Alliyah ang pagsasabihan ko baka pilitin lang nila akong iwasan si Markus baka masira ko pa relationship nila dun sa mga mokong na type nila.

Kung si She naman baka batukan lang ako nun at sugurin si Markus saka bugbugin. Abnormal at siga pa naman yung babaeng yun kahit lalake pinapatulan.

Nakakainis ang hirap lumugar sa sitwasyon ko ngayon. Kung iiwasan ko si Markus alam kong hindi ako sasaya. Kung mananatili naman ako magmumukha lang akong tanga kakaasa sa taong patuloy na nagmamahal sa iba.

* Brzzzz brzzzz*

09356245***

Sino naman kaya tong tumatawag? Huh? Unknown number? Sasagutin ko ba? Hmp sasagutin ko na nga baka importante.

(Hello?)

(Elrinne my friend si Joseph Paul the most handsome guy in the world nga pala to)

Napangiwi ako sa paraan ng pagpapakilala ni Bersinni. Naku naman san kaya nakuha ng lalakeng to ang number ko.

[Ask if she's okay]

Huh? Si Markus ba Yun? Ano naman kayang trip ng mga chonggo na to. Teka nga nakaloudspeak siguro to hayssst sarap ipakain kay Bersinni nung cellphone.

(Wag ka ngang maingay marinig ka niya)

Oo nga naririnig ko sila mga gunggong talaga hindi nagiisip. Nasasayang lang oras ko dito sa pakikipag usap sa mga chonggo na to eh.

(Hello ano? Bakit ka ba kasi tumawag?!)

Inis na tanong ko dun sa Bersinning nasa kabilang linya na kasama ang mga ulol niyang kaibigan na rinig na rinig ko kung paano magpigil ng tawa mga abno.

(Ay sorry Elrinne ha yung mga pusa lang yun ng kapitbahay. Ay oo nga pala kamusta ka?)

Tengene sarap irecord ng paguusap namin para iparinig kay Grace tapos mag aaway sila. Nyehehehe joki joki lang.

(Tch. Seryoso ka ba ha? Gusto mo bang isumbong kita kay Grace? Napakapresko mo sarap mong lagyan ng aircon sa noong bwiset ka. Wag ka na ngang makatawag tawag at nakakaistorbo ka lang!)

Inis na sigaw ko at pinatay ang tawag niya. Hindi naman ako manhid alam kong ginamit lang ni Markus si Bersinni para malaman kung okay lang ako. Alam kong nakita nila akong tumakbo at nagmamadaling umuwi. Kaya mas lalo akong nagiging marupok dahil diyan eh lagi niya kasing inaalam kung maayos ba ako.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now