× C 1 ×

21 9 5
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong mapagdesisyunan nila mama at papa na lumipat ng bahay dahil na rin sa kanilang trabaho. Noong una ayaw kong pumayag dahil maiiwan ko ang mga kaibigan ko at maaring hindi ko na sila makita ulit.

Dahil na rin masyadong malayo ang aming tirahan sa dati kong school ay kinakailangan kong mag transfer para
mapadali ang pag commute ko.

Hindi naman talaga kami mayaman kaya nga medyo natagalan sila papa na makahanap ng bago naming bahay dahil hindi gaanong kalaki ang budget namin para sa magara at malaking bahay.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Lalake ang mga nakakatanda kong kapatid kaya naman over protective sila saakin. Madalas hindi nila ako pinapapunta sa mga lakad namin ng mga kaibigan ko sa dati kong eskwelahan at palagi akong may curfew kapag lalabas o gagawa ng project.

Malalayo ang age gap namin kaya lagi nila akong binababy at minsan iniinis at binibwisit lalo na yung kuya kong pinaglihi sa ingrown. Pero masaya ako kasi naging kapatid ko sila dahil minsan pag may kailangan ako sila ang nagproprovide.

24 years old na si kuya Darwin may permanent work na at yun ay ang pagiging manager sa isang mamahaling restaurant meron din siyang girlfriend na sobrang bait at sobrang ganda na si ate Lacey. Habang si kuya Dexter naman ay 20 years old na at isang taon nalang ay gragraduate na siya bilang mechanical engineer na matagal niya nang pangarap wala siyang girlfriend dahil hindi parin siya nakaka move on sa ex niya.

Natutuwa ako dahil kahit na maloko at madalas tamad ang mga kuya kong yun ay sineryoso parin nila ang kanilang pag aaral at pursigido silang tulungan sila mama at papa sa mga bayarin sa bahay at sa pagpapa aral saakin.

Sila mama at papa naman sobra kong tinitingala dahil kahit na mahirap ang buhay ay pinilit parin nila kaming mapag aral. Minsan nga dahil sa sobrang pagod ni papa galing sa kanyang trabaho na pagiging sales man ay itinutulog nalang niya at hindi na siya nakakakain. Si mama naman ay isang mananahi sa isang tailoring shop noon pero ngayon hindi ko alam kung magtratrabaho parin siya dahil medyo may edad naman na sila ni papa kaya baka hindi na tutal andyan naman si kuya Darwin.

"Dan Dan ano ba kanina pa kita tinatawag bumaba ka na kakain na tayo! Ano bang ginagawa mo diyan at ang tagal mong lumabas?! Nagpapaganda ka pa ba? Nako wag na kahit naman anong gawin mo pangit ka parin.... HAHAHAHA" Alam niyo napaka walangya talaga ng kuya kong matakaw at pangit na yan

"Pababa na po at F.Y.I nga kuya Dexter sa ating magkakapatid ikaw ang lang ang pangit feeling ko nga ampon ka lang eh" pagkalabas ko palang ng kwarto ay naabutan ko siyang naka taas ang kilay at halatang napikon sa sinabi ko. Ito talaga si kuya pikunin siya naman ang nauna.

"As if alam mo GhOrL ikaw talaga ang ampon napulot ka lang talaga nila mama sa basurahan noong baby ka kaya hanggang ngayon amoy basura ka parin" Tumawa ng pagkalakas lakas si kuya kaya agad ko siyang binatukan at ng akmang papaluin ko nanaman siya ay agad siya tumakbo pababa.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now