× C 2 ×

18 7 2
                                    

Nagising ako nang may maramdaman akong makati sa aking tainga. Nakatulog pala ako ano ba yan napaka antukin ko talaga.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mukha ng kuya kong mukhang paa. Nakakainis talaga to kala mo naman kaaya- aya ang mukha niyang tatambad sa paggising ko... Kakasuka kaya.

"Ano bang problema mo kuya?" Gustong gusto niya talagang binabanas ako sa araw- araw, Gabi- gabi depungal na lalake ito.

"Alam mo ikaw tomboy ka nasasayang lang ang kuryente sayo tulog ka nang tulog iniiwan mong nakabukas ang T.V." mahabang pangaral niya na akala mo naman nagtitipid ng kuryente.

"Wow naman sobrang nakakagulat ang concern mo sa electricity bill natin bago yan kuya ah" pabalang na sagot ko sa kanya. Pero tinalikuran niya lang ako. Ano kayang problema nun at biglang nagsusungit. May PMS siguro.

"Uy bunso kamusta tulog mo?" Napalingon ako sa kusina nang makita ko si kuya Darwin na nagsalita. Itong kuya ko na to talaga ang gwapo kasi spoiled ako sa kanya hihi.

"Kuya buti nakauwi ka na. Kamusta date?" Nakangiting tanong ko sa kanya dahil isa ako sa fan ng lovestory nila ni ate Lacey at botong boto ako sa kanilang dalawa. Super sweet kasi nila kaya nga nung nagbreak sila noon ako ang gumawa ng paraan para magkaayos ulit sila. Sweet ko no? Napakaswerte ng mga kapatid ko kase may kapatid silang supportive.

"Okay naman bunso. Pero teka bakit mukhang bad mood si Dex anong nangyari?" Tanong niya. Pati pala si kuya napansin ang pagiging masungit ng isa ko pang kuya na sobrang madrama. Sarap lang iumpog sa lababo para matauhan na hindi sila bagay ng ex niyang manloloko pero mukha namang kulangot.

Hanggang ngayon talaga hindi ko makalimutan kung paano baliwalain nung babaeng yun ang kuya ko. Buti na nga lang medyo bumalik na siya sa pagiging masiyahin niya. Noon kase sobrang arte at drama niya pero hindi ko naman siya masisisi kasi masakit naman talagang maloko pero hindi ko pa naman na experience yun basta ramdam kong masakit lang talaga yun.

Sa ngayon mabuti nalang at nagfofocus na si kuya sa pag aaral niya at paglalaro ng ml na sobra niyang kinaaadikan na kahit hindi na siya maligo. Pero di ko naman siya pwedeng pagsabihan kasi pati ako sobrang adik din sa Wattpad to the point na hindi ako matutulog hanggat hindi ko natatapos ang isa pang chapter.

"Kuya sa tingin mo naka move on na si kuya Dexter?" Tanong ko kay kuya Darwin na kasalukuyang umiinom ng gatas. Yan talaga ang favorite niyang inumin eh mas magatas pa siya kesa matubig. Kaya sosyal siyang anak.

"Alam mo bunso sa tingin ko ginagawa niya naman ang lahat para maka usad na siya. Alam mo naman yang kuya mo na yan sobra sobra kung magmahal kaya sobra din kung masaktan" sa totoo lang noong mga panahong miserable si Kuya Dex parang lahat kami sa pamilya malungkot na din. Kaya nga sobra ang galit ko dun sa bruhang ex niya kasi naawa ako noon kay kuya.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now