× C 5 ×

11 5 0
                                    

Nagising ako ng maaga ngayon dahil ginanahan na akong mag aral dahil makikita ko si crush.
Pareho lang ang morning ritual ko kaya after kong gawin yun ay dumiretso na ako sa sakayan at sumakay ng tricycle papuntang school.

2nd day of school na malamang ngayon na ang regular classes sana lang yung mga lessons namin sa dati kong school connected sa lesson namin dito. Papasok na ako ng classroom at nagulat ng bigla akong dambahin nung tatlong loka loka. Ang aaga talaga nilang pumasok. Agad nila akong hinila sa upuan namin kahapon at alam Kong l chichika nanaman sila.

"Elrinne sis. What's with you and Ryle?" Malisyosang tanong ni Grace na nakapagpatigil sakin. Nakita nila ako na kasama si crush kahapon?

"Ha? Anong Ryle wala ah" pagmamaang maangan ko
"Stop pretending nga Elrinne gurl we know naman there is something going on between you. We make sunod to you yesterday kaya" so ibig sabihin nakita din nila yung eksena namin nung Markus adik na yun? Buti nga wala pa sila eh siguro late nanaman.

"Hinatid niya lang ako kahapon kasi magkapit bahay kami" pagsasabi ko ng totoo dahil hindi naman na ako makakapagsinungaling at alam nila ang totoo mga buang pinasundan pa ako. Naglakad na ako papapunta sa upuan ko nang hilain naman ni Alliyah ang braso ko. Ano ba naman tong mga to napakahilig naman ng mga taong to manghila ng braso kung ako kaya manghila ng braso nila at ipakain sa mga aso ng kapitbahay namin tignan lang natin kung matuwa sila.

"Hep Hep hep we're not done yet" nakangising sabi ni Alliyah na nakapag pakunot ng noo ko. Ano nanaman bang kagagahan ang nasa isip nila?

"You think we didn't saw you with Markus kahapon? We saw you kaya he was pinning you with his braso sa door and your mukha is too lapit to each other" Hay nako sabi ko na nga pa makikita nila yun ehhh. Maraming makakakita ng eksenang ginawa nung chonggo na yun ang sakit niya sa bangs.

"Ewan ko nga dun sa lalakeng yun ehh tinawag niya akong babe tapos miss niya na daw ako eh kahit kailan di ko naman nakita yun ngayon lang" paliwanag ko sa kanila na nakapagpalaki ng mata nilang tatlo as in malaki talaga.

"Ohmyyyyy I think Markus mistaken you as Mau... Sabi ko na nga ba he still loves my cousin" malungkot na sabi ni Grace. Ahhh so akala nung adik pero gwapo at sexyng lalakeng yun ako si Maureen? Kaya pala parang malungkot siya at nangungulila siguro nga talagang minahal niya yung pabebeng babae na yun.

"Nakakalungkot talaga ang love story ng dalawang yun. Akala ko talaga sila na habang buhay pero dahil lang sa bruhang linta na yun nasira sila" inis na inis na sambit ni Alliyah pero halata na kanyang nanghiginayang siya dun sa dalawang ex-lovebirds.

"Ehh kayong tatlo ba wala pang naging love life?" Pagiintriga ko sa kanila dahil wala pa akong alam sa buhay pag-ibig nila. Magaganda silang tatlo kaya hindi nakapagtataka kung maeron silang naging jowa o manliligaw.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now