× C 3 ×

17 6 0
                                    

Kinaumagahan...

Hay nako maaga nanaman akong magigising mula ngayon nakakaimbyerna pa naman ang magising ng madaling araw para makapag breakfast at makaligo. Buti nga si mama ang naghahanda ng pagkain namin eh. Si kuya Dex naman hindi na pwedeng magtransfer kasi graduating na siya kaya kailangan niyang magising ng maaga para makarating siya sa school niya ng maaga.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako kasi syempre ibang school nanaman ang papasukan ko. Iba't ibang klase ng mga tao ang makakasalamuha ko. Sana lang magiging mabait ang mga magiging kaklase ko dun. Kasi sa private school ako nilipat nila mama at papa na dating school daw ni mama noon. Sabi niya naman maganda daw ang school na yun, malawak at magagaling ang mga teachers.

Sure naman ako dun kasi medyo mahal ang tuition fee pero bago ako magtransfer ay nag apply muna ako ng scholarship para naman wala ng dagdag na babayaran sila mama.

Pababa palang ako ng hagdan ay amoy na amoy ko na ang corn beef na niluluto ni mama. Napakasweet talaga ni mader dear kaya lab na lab ko siya ihhh. Pagkarating ko sa kusina nag goodmorning na ako kay mama at nagtimpla ng milo.

"Ma grabe parang hindi na ako sanay na pumasok. Kanina nga kung hindi lang tumunog yung alarm clock ko hindi talaga ako babangon eh" patawa tawang kwento ko kay mama. Pero parang pagsisisihan ko ata ang na kwinento ko sa kanyang yun kase baka sermonan niya nanaman ako.

"Hay nako yan kase nung summer puro ka lang kain, tulog , cellphone tapos nood tapos ganun ulet. 10:00 ka nga nagigising eh tapos minsan mo lang ako tulungan mag linis" mahinahon na nagsalita si mama pero parang galit naimagine niyo ba yun?

"O sya kumain ka na at pagkatapos maligo ka na ha? Plaplantsahin ko lang ang uniform mo" saad ni mama sumagot naman ako ng sige po. At nagumpisa ng kumain.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang platong ginamit ko at agad na pumunta sa banyo para makaligo. Grabe sobrang lamig ng tubig nakalimutan ko kasi magpainit ng tubig pero hayaan mo na pampagising din to.

Nang matapos na ako maligo ay umakyat na ako ng kwarto at nagpalit. Maganda ang uniform ng school na papasukan ko pero hindi ako masyadong komportable kasi medyo maiksi. Yung dati ko kasing uniform mahaba kaya kahit anong galaw ko hindi ako masisilipan eh ito konting galaw ko lang kita na lahat.

"Ma, Pa alis na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama at papa na nasa taas isinigaw ko nalang dahil ayoko naman malate sa first day of school.

Naglakad ako papuntang sakayan ng tricy. At nang makarating ako ay agad kong sinabi kung saang school ako pupunta.

Nang makarating kami ay nagbayad na ako ng pamasahe at nagpasalamat kay manong tumango lamang siya bilang tugon.

"Laringson Academy" pagbasa ko sa nakasulat sa malaking signage sa tapat ng gate. Grabe ang ganda at mukhang malaki ang school na to. Tama nga si mama mayayaman ang mga nagaaral dito kasi madalas sa mga nakikita kong dumadating ay naka kotse.

Pumasok agad ako at nagpunta sa guidance office para alamin kung saan ang room ko at saang building ako pupunta. Mabuti nalang mabait ang guidance counselor at sinamahan niya pa akong pumasok sa room ko. Pagkapasok ko ay parang nakuha ko ata ang atensyon ng mga kaklase ko kaya naglingunan sila para tignan ako.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now