12

1.8K 52 2
                                    

Kabanata 12

"No, thank you. My girl wouldn't like that."

Nagkatinginan kaming apat sa sinabi ni JunJun. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng aking ngiti dahil sa sinambit niya. Ang sarap palang pakinggan kapag may nagmamay-ari sa'yo.

"U-Uh hindi. Okay lang talaga sa akin. Sumama ka na." sabi ko.

"Sasama ako kapag kasama ka." aniya. "Ayoko naman na ako lang ang sasama sa kanila tapos iiwan kita. Ano ako tanga, para iwan ko ang girlfriend ko?"

Narinig ko ang iilang impit na tili na galing sa aking mga kaklase. Okay lang naman siguro na isang beses lang ako dadalo sa gano'ng klase ng lugar? Sasabihin ko na lang sa kanila na sa susunod ay hindi na ako pwede.

Pumayag ako na sumama.

Parang pinagsisihan ko na sumama nang makadating kami sa lugar na puno ng nagsisigawan na tao, ang malakas na tunog ng musika, iba't-ibang uri at kulay ng ilaw at ang maabo na usok sa loob. Ang amoy ay hindi kaaya-aya para sa akin. Lalo na ang iilang may naghahalikan sa gilid, may naninigarilyo at ang sensual na pagsayaw ng mga babae.

Tumanggi na lang dapat ako eh.

"Do'n tayo para maganda ang pwesto!" maligayang sabi ni Bernadette. Tinuro nito ang isang dalawang na mahabang sofa na may maliit na mesa sa gitna. Mukhanh komportable naman 'yon dahil nasa gilid, wala ding masyadong tao ang nando'n. Sabay kaming umupo, katabi ko si JunJun na hanggang ngayon ay hawak ang aking kamay.

"Okay ka lang ba?" nilingon ko siya.

"Huh? Anong sabi mo?!" nilakasan ko ang boses.

Lumapit ito sa aking tainga. Tinanong kung maayos lang ba ako. Itinango ko ang ulo saka nag-thumbs up pa. "Oo, masasanay din ako. First time ko palang kasi kaya medyo segway pa."

"Anong gusto niyong inumin?"

"Tequilla for me." ani Hesley.

"My sweetie darling Bacardi." sabi ni Lovely. Naglalagay na ito ng pulang lipstick. Si Hesley ay abala sa pakikipag-usap sa isang lalaki na hindi ko alam kung saan 'yon galing.

"Kayo, Belle? JunJun? Order lang kayo ng inumin niyo, ako na bahala bayad." ani Bernadette.

Umiling ako. "Tubig lang ako..." nilingon ko si JunJun. "Ikaw? Iinom ka ba?"

"Cuervo and Black Label, four shots."

Iinom nga. Alam niya din ang mga pangalan ng mga alak. Ako nga vodka at tequilla lang ang alam ko pero hindi ko 'yon natikman. Basta naririnig ko lang.

Tinaas ni Bernadette ang isang kamay mayroon na lumapit isang waiter. Pinalibot ko ang aking tingin sa lugar. Ayoko talaga dito. Masyadong magulo at maingay, may sari-sariling mundo ang lahat. Bumuga ako ng maraha na hininga, ipinatong ang kaliwang kamay sa kanang hita ni JunJun.

Naramdaman ko na lang ang paglipat ng hawak ni JunJun sa aking beywang, inilapit pa ang katawan sa akin saka bumulong.

"Stay beside me, okay?"

Tumango ako.

"Good." Aniya.

"Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ay nakapunta na ako sa lugar na ganito. Para bang pamilyar sa akin ang paligid..." rinig kong usal niya.

Nagkatinginan lamang kaming dalawa. Masaya naman ang nangyari. Ang tatlo ay pumunta sa gitna para sumayaw habang may hawak-hawak na baso ng alak. Habang kami dito ay pinapanood lamang ang lahat ng galaw ng tao. Kapag nababaling ang tingin ko sa mga naghahalikan ay iniiwas ko na lamang ang tingin.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon