26

2.6K 47 3
                                    

Kabanata 26

"Bitawan mo siya,"

Mabilis kong naitulak si Lucas nang marinig ang boses ni Felix sa aking likuran. Humakbang ako ng dalawa paatras para makalayo kay Lucas. I turned my attention to Felix and saw his deadly glares, clenching his jaw while looking deadly to Lucas.

In Felix's left hand is a bouquet of flowers and a rectangle box which I'd read the famous and luxury brand 'PANDORA' outside to the cover of that black box.

Tumunog ang plastic ng bouquet na hawak dahil sa kumuyom ang kamao nito. Kaagad akong humarang sa harapan niya at baka mangyari na naman ang katulad noon.

"Felix..." bulong ko at umiling ng marahan. Senyales na kung ano man ang nasa isip niya ay huwag niyang gagawin. Noong mga araw na magkasama ay sinabi niya sa akin na kung lalapitan man ako ni Lucas ay hindi siya magda-dalawang isip na sunggaban muli ito ng suntok, dahil nga sa galit na galit siya nang sinabi ko ang pangyayari nung iniwan niya ako sa may dalampasigan.

Felix only gave me one glance and back again to Lucas. "What are you doing here? And why did you hugged Belle? Nasisiraan ka ba? Pagkatapos ng pag-iwan mo sa kaniya, ang kapal naman ng mukha mo para gawin 'yon. Kung hind—"

I hold Felix's arm firmly.  "Felix! Tama na...Ayoko ng gulo dito." I whispered.  Inangat ko ang tingin sa kaniya saka pinanlakihan siya ng mata. Tumahimik naman siya pero patuloy na umiigting sa galit ang panga niya.

"Pasalamat ka nandito si Belle...Kung hindi ay baka mapatay kita." ani Felix. Hinawakan nito ang pulsuhan ko saka pinatabi sa kaniya.

Sabing ayoko ng gulo dito eh!

Magsasalita sana ako pero narinig ko ang kakaibang pagtawa ni Lucas. Puno ng pagtataka ko itong tiningnan. Ang tawang 'yon, hindi ko pa naririnig kahit noong magkasama kami. Para bang peke at may halong pag-iinsulto doon..

"Are you threatening me, Mr. Fuentabelo? You didn't know me too well so be careful in your words. I might kill you too, " Lucas smirked and turned his green eyes on me. "And Belle, sorry if I frightened you." He softly said, staring straight into my eyes.

Ano bang dapat kong sasabihin?

Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ay iniwas ko ang tingin at tumalikod. Pasimple kong siniko si Felix sa likuran nito at nauna na akong maglakad.

Is that a rude thing? I walk away in that conversation while Lucas is apologizing to me. But I think it is not. I really can't find my words to reply or talk to him so it's better to leave the two of them there. Bahala sila diyan. Basta kapag nagkaroon ng gulo tatakbo ako. Iiwan ko talaga sila.

Pumasok sa isipan ko ang biglaang pagyakap ni Lucas sa akin. Pakiramdam ko nga ay nakayakap pa din siya at naiwan ang mabangong amoy nito. Marahas kong pinilig ang ulo para burahin ang eksenang 'yon sa isipan ko.

Pinagkrus ko na lamang ang aking braso habang matumal na naglalakad papasok sa loob. Magpapalamig muna ako hindi ko naman alam kung ano ba ang pinunta namin dito ni Felix pero yung bulaklak saka yung box na 'yon kanino niya ibibigay 'yon. Baka nagpapatulong sa akin sa nililigawan niya. Ewan ko ba do'n.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Felix. Tiningnan ko ang hawak niya.

Kinalabit ko siya. Nilingon niya ako. Inginuso ang hawak niya.

"Para kanino ba 'yan?" tanong ko.

"Sayo," Naitigil ko ang paglalakad at laking mata ko siyang tiningnan. Ngumiti naman ito saka inalapit ang bouquet saka ang pandora box. "Sana'y tanggapin mo..."

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon