28

2.4K 50 3
                                    

Kabanata 28

"Dito ka na muna kaya? Lilinisan ko 'yang mga sugat mo bilang pasasalamat na rin sa pagligtas sa kapatid ko."

I scrunched my nose because I feel embarrassed while saying that. He never let the paramedics clean his wounds. I didn't know he's also stubborn like my sister.

The doctor said, Louise need to stay in the hospital to check the other part of her body and it seems she traumatized by what happened today. Umuwi ako para makakuha ng iilang gamit niya.

And I don't have any idea how can I say this to Nanay...

I'm scared because If she would know about this, she might collapse.

After that Lucas gave Felix and I a ride. Walang nagsalita sa amin habang nasa biyahe kami pero ang mga mata ni Lucas at ng akin ay nagkakasalubong sa rearview mirror. At ako ang umiiwas ng tingin.

Nagwawala na naman kasi ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang berde nitong mata na talagang nagbigay sa akin ng masaya at magandang alaala...kahit na may masalimuot na nangyari sa pagitan naming dalawa.

Si Felix ay pinauna ko ng pinapasok sa bahay nito habang si Lucas ay nandirito pa sa labas ng gate na nakasandal sa hood ng kotse nito, nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa nito...

Ang mga sugat niya ay hindi biro. Kailangan 'yon linisin at gamutin.

He bit his lower lip and said, "Baka labag naman sa loob mo kaya huwag na lang." Aniya. Hinawakan nito ang sugat sa gilid ng labi niya saka tinalikuran ako, aalis na 'ata.

Itinaas ko ang kilay ko. "Pabebe amputa," bulong ko saka umirap. Hindi ko alam na may pabebe pala siya. I rolled my eyes.

Lumingon ito. "What did you say?!"

"Wala! Ako na nga 'tong nagmamalasakit sa'yo eh tatanggi ka pa. Kung ayaw mo edi huwag! Madali naman akong kausap." sabi ko. Tinalikuran ko siya pero hinatak nito ang braso ko saka marahas na pinaharap na dahilan ng pagkalapit ng aming mukha sa isa't-isa.

I gulped. 

Hindi ko maalis ang aking tingin sa mata niya! Ang aking katawan ay nanigas sa biglaan nangyari at sigurado ako na naririnig niya ang pagkabog ng puso ko.

"Still my maldita..." He whispered. Bumaba ang tingin nito sa labi ko at binasa ng kaniyang dila ang labi nito. "Ano pang hinihintay natin? Pumasok na tayo sa loob para malinisan mo ang sugat ko, sweetie." pagkatapos ay ngumisi ito at nilagpasan ako.

Sinundan ko siya ng tingin, tumigil ito sa harapan ng gate at nilingon ako. "Kailangan ng susi," Aniya.

Kinapa ko ang susi sa pocket ng pantalon ko. Naglakad ako palapit sa kaniya at binuksan na ang gate. Bumungad kaagad sa akin ang maligalig na tahol ni Pucchi. Nakatali kasi ito malapit sa pintuan. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at hinimas ang ulo nito.

"Good boy," I kissed the top of Pucchi's head.

Nilingon ko si Lucas na nakatingin sa aso. Ikinagulat ko ang pagsayaw ng buntot ni Pucchi at umaambang tumatalon kay Lucas na para bang gusto niya itong yakapin. Maririnig mo din ang tunog nito na umiiyak kaya naman ay pinakawalan ko ito.

Tinalunan niya kaagad si Lucas.

"Pucchi!" suway ko, pero patuloy niyang dinila-dilaan si Lucas.

Lucas chuckled and he looked at me. "He's jolly and sweet." He said.

I gave him a smile.

"Pasok na tayo," ayaya ko. Hinayaan ko si Pucchi na makipaglaro kay Lucas. Nang makapasok na sa bahay ay nakita ko ang sala na magulo. Ang mga vase ay nagsilaglagan, ang mga medium size pillow ay nagkalat sa sahig. Nilibot ko ang paningin sa loob sa bawat sulok.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon