29

2.3K 55 7
                                    

Kabanata 29

"Afraid, aren't you?"

Gangster? Akala ko sa mga pelikula lang 'yon? Hanggang ngayon ay mayroon pa rin ganito?

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya na tulala hanggang sa ngumiti ako at tumalon-talon sa tuwa.

"Ang cool mo!" sigaw ko. Kaagad kong natakpan ang bibig ko dahil sa lakas ng aking boses at tinabihan siya ng upo.

"Sorry. Na-carried away lang pero seryoso ang angas mo!"

Gusto ko talaga ang mga action kaya nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko napigilan ang biglaang tuwa. Alam kong ang weird sa iba pero para sa akin ang angas kapag gangster ka.

That's my greatest hidden desire...

Lucas looked at me with his widened eyes and parted lips, after that he shook his head having his little chuckles. "I didn't expect this reaction of yours..." he poked his tongue inside of his cheeks. "Here I thought you'll run away from me. So, you're not afraid of me?" he raised his brows.

Kumurap-kurap ako saka tumikhim. "H-Hindi,"

Basta ang alam ko ay hindi ako nakaramdam sa kaniya ng takot dahil lang sa sinabi niya. Parang gusto ko pa nga sumali eh.

"U-Uh, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko. Kailangan ko pa kasing maglinis ng bahay, masyadong magulo.

"Ah, yes." sagot niya. 

Nagkatinginan muna kami bago sabay na tumayo. Ako ang nauna sa lakad, hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Si Pucchi ay tulog na kaya hindi na nakapaglaro kay Lucas.

Nakakagulat ang isang 'yon, hindi kasi siya ganito sa ibang panauhin lalo na kay Felix. Ang init ng ulo niya do'n pero kay Lucas, grabe kung makasunggab ng talon eh sa pagkakaalam ko ay unang pagkikita pa lang nila.

Sinundan ko na lang siya ng tingin na papunta sa pintuan ng driver seat. Tiningnan ako nito kaya tinaas ko ang aking kamay bilang pamamaalam.

"Ingat ka," sabi ko.

Hihintayin ko ang pag-alis niya saka na ako papasok sa loob pero mukhang wala siyang balak na pumasok sa loob ng kotse niya.

Ilang minuto na niya akong tinititigan kaya naman ay tumikhim ako saka kinamot ang pisngi at kinagat ang ibabang labi.

Shit! Titig lang 'yon pero nanghihina na ako.

"Belle?"

"Yes!" napalakas kong usal. "U-Uh, sorry. Bakit? May nakalimutan ka ba sa loob?"

"Meron," naglakad siya ng patungo sa akin.

"Hindi na. Ako na lang ang kukuha. Sandali la—" naputol ang sasabihin ko nang yumuko ito at naramdaman ang pagdampi ng malambot niyang labi sa magkabilang pisngi ko.

Tila naging tuod ako na hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang mata ko ay nanlaki at nakaawang ang labi.

I saw Lucas smiled. "Kahit na kaunting oras lang tayo magkasama, I feel complete again." he whispered.

Again?

Mabilis akong tumalikod at mariin na pinikit ang mata. "S-sige. Bye." pagkatapos ay sinarado ko ang gate na walang tingin-tingin sa kanya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Gumawa pa ng malakas na ingay ang pagsarado ko sa pintuan.

Sumandal ako roon.

Ang halik niya...Simpleng halik lang 'yon sa aking pisngi pero labis na ang tuwa pagkabaliw ng aking puso. Para bang hinigop nito ang lakas.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon