22

2.5K 54 3
                                    

Kabanata 22

"What do you think, Felix? Is it okay if I place this stress-ball on the corner of my desk?"

He glanced at it and back again to the screen of his laptop. "Oo. Bagay naman. Anyways, we have to pay our electric bills tomorrow. Ako na lang muna ang magbabayad tapos sa susunod na buwan ikaw naman." 

"Oo, sige." umupo ako sa swivel chair ko saka kinuha ang iilang papeles na naglalaman ng results and schedules ng ilang pasyente. Pagkatapos ng lunch time ay magsisipuntahan na pala ang limang babae na may depression and trauma in an accident.

I placed it to the side and took my bag. Inilabas ko ang baon ko. Apat ang lunchbox ko dahil ang dalawa ay ibibigay ko kay Felix. Hindi kasi siya nagbabaon dahil wala na siyang oras, late na late kasing gumising ang isang 'to kaya pagdating dito ay pawis na pawis at nagmamadali.

"Oh, kumain ka na muna. Mamaya na 'yan." sabi ko at nilapag ang lunchbox sa desk niya. "It's your favorite adobong atay, may nilagang itlog na din diyan saka extra rice pa."

Felix smiled and looked down at the lunchbox then he shifted his eyes on me. "Thank you, sweetie! You're the best girl! Huwag mo akong masyadong ispoil baka hanap-hanapin ko 'yang luto mo." he said while licking his lower lip.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi kita ini-i-spoil! Ikaw kasi ang tamad mo. Dapat kasi nagluluto ka na sa gabi para kinabukasan ay papainitin mo na lang o edi tapos. Saka sanayin mo nga sarili mo na gumising ng maaga. Hello, 6am dapat nandito na tayo, ikaw dumadating ka ng 8am! Hmp!" inirapan ko siya.

Binuksan ang lunch box ko, nagdasal muna ako bago sinimulan ang pagkain.

Nakita ko na binuksan na din niya ito at kumain na. Tahimik kaming kumakain sa loob.

Hindi kasi kami lumalabas para kumain dahil ang oras lang ng break namin ay 30 minutes lang. At kailangan before 1 pm ay all settled na kami para sa mga dadating na pasyente.

Si Felix at ako ay nagdesisyon na magtayo ng private facility sa Makati. Dahil sa tulong ng mga kaibigan namin ay matagumpay na nakapag-pundar kami ng sariling ospital. Pagkatapos ng handaan ay do'n na kami nag-usap. Siya ang nakaisip ng ideya na ganito. Nagustuhan ko 'yon kahit na magkakaroon talaga kami ng problema sa pera.

At sa buhay ko na maraming pinagdaanan bago ako nandidito sa magandang posisyon, marami akong natutunan. Never be a prisoner of your past. It was just a lesson, not a life sentence. It is not permanent, it's just a temporary pain. Move on and life must go on.
Kahit na masakit ang nakaraan, kailangan mong ituloy ang laban mo. Kasi kung magiging mahina ka sa lahat lalo na sa emosyon mo, sobrang talo ka na.

And, yes, I have some issues with my past self but I already forgive her.

Paano ko nga ba nalagpasan ang lahat ng ito? Simple lang. Namnamin mo lang 'yung sakit hanggang sa wala ka nang maramdaman, hanggang sa isang araw, bigla ka na lang gigising na parang hindi ka pinahirapan ng nakaraan.

Magugulat ka na lang at bigla mong maiisip na ang mga alaalang 'yon ang nagpatatag sayo, 'yun ang dahilan kung bakit kinakaya mo na muling tumayo sa sarili mong mga paa at mas matapang ka na.

And most importantly, stop doubting yourself, pursue what you want to be. Someday, all of your 'I can't/s will turn into I did it.

Mahirap ang buhay ko para bang same level na ng daga pero hindi naman as in. Kahit na mahirap ang pamilyang nakilakihan ko ay hindi ko pinagsisisihan 'yon, dahil do'n ako naging matatag, nabuksan na ang aking isip sa mga bagay na dapat ay matatanda lang ang namomoblema, ang maghirap ng lubusan para sa pangarap. Pero sa dulo, lahat ng hirap, iyak at sakit ay mapapalitan ng saya, ngiti at kontentong pamumuhay. At dahil 'yon sa pagsisikap mo...

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon