08

3K 127 30
                                    


"You're so stupid, Esme."

It's been a few days after that scene on the beach. Echo was really mad at what happened to the point that he started avoiding me. Maybe this was his way to avoid worsening the fight between us at magpalamig din. 

I knew he was really scared that what happened to Kito would happen again. Lalo na dahil siya rin ang dahilan kung bakit ako bumalik sa dagat.

iamraya: Saan tayo magkikita?

Today is Kito's birthday. We are going to the cemetery to celebrate his day.

mercalista: Sabay nalang tayo, Ray. I brought food baka mahulog sa motor.

sirene_: Esme, sabay tayo?

ventosari: 'wag na. out of the way, eh.

I stood up at lumapit sa counter para may itanong kay Ate Kyla, isa sa mga waitress namin.

"Ate, is the cake ready na?" I asked.

"Ay! Yes, Ma'am! Aalis ka na ba?" tanong niya at nagpunas ng kamay sa maliit na towel.

"Magbibihis lang ako tapos aalis na. Pakilagyan ng yellow ribbon. Thank you!" Yellow ribbon kasi 'yon ang favorite color ni Kianu.

I immediately changed my clothes since naligo na ako kanina. I wore a white tube top and white skirt. Pinatungan ko 'yon ng black cardigan kasi parang uulan sa labas. I wore my white sandals and syempre, hindi mawawala ang favorite shell choker ko.

I took my bag and keys before making my way out of the room. Kinuha ko ang cake sa counter at nagpaalam sa mga staff bago lumabas. Sumakay na ako sa motor ko at dumiretso na sa sementeryo. Medyo malayo 'to sa cafe. It took me almost thirty minutes bago nakarating sa cemetery. I was struggling with the cake a bit while driving.

I decided to stop ignoring Jericho today and talk to him. I admit, namimiss ko ang pangungulit niya sa akin. Hindi ko rin naman kasi siya ma-approach dahil busy siya sa pag practice ng surf para sa papalapit na Laban de Ahora surf competition.

That or he's just really avoiding me.

Naglakad ako papunta sa kung saan nilibing si Kito. Wala pang tao roon bukod sa akin. Ang aga ko pala. 

ventosari: i'm here na. wala pang tao.

sirene_: wait, we are near.

Kumunot ang noo ko. We? Sinong kasama niya?

ventosari: may kasabay ka?

sirene_: si bebe mo. my motor broke kasi WHAHHAHA

iamraya: Gusto ko lang sabihin na talo pa ang pagong sa bagal ni Calista mag-drive amen

I kept my phone inside my pocket and sat on the sand. I arranged my skirt before wiping the top of Kito's tombstone.

Kianu Tomiyo Lopez.

"Hey, Kito." Napabuntong-hininga ako. "Nandito na naman ako para ipaalala sa 'yo na gago ka," malungkot na sabi ko at bumuntong-hininga ulit. "Dahil sa kagaguhan mo 'di mo na matutupad pangarap mo," dagdag ko bago tumingin sa langit.

"Oh, ba't mo tinatawag na gago ang wala na?" sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko, tumatawa ng mahina. Hindi ako lumingon at tumingin ulit sa lapida ni Kito.

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko at tumingin din sa lapida ni Kito, umiiling.

"Pero tama ka naman. Gago nga naman talaga."

Sunlight Deception (Isla Series #1)Where stories live. Discover now