48. MJ

437 34 2
                                    

Napatingala ako sa langit while walking slowly.Bakit ba napakalungkot ng ulap ngayon kahit wala namang paparating na bagyo? Bahagya akong napapikit ng humangin dahil parang may kasamang alikabok yung hangin nya.


"Shhiiiiit!Ano ba naman Miss MJ,Bakit ba kasi di ka tumitingin sa dinaraanan mo? Tignan mo,Nadumihan tuloy tong uniform ko._Lucky.Knowing lucky na talaga namang pasimuno ng gulo,Siguradong sinadya nyang matapon sa uniporme nya yung starbucks coffee na dala nya.

"Pasensya na,Hindi ko naman alam na susulpot ka pala dito basta.Hindi naman kasi parking lot ito at lalong hindi tambayan._AKO.Nasa gilid ito ng faculty building at mga iilang prof lang ang nagi stay dito para magpahangin.

"Wow!At kelan pa naging bawal magpunta dito ha? Nabili mo na ba to? Natural mapadaan ako dito kasi may kakausapin akong prof.Sakto namang gusto kong mag kape muna sana dito kaso natapon na eh,Nadumihan pa ko._Lucky

"Ano bang gusto mong gawin ko,Lumuhod sayo para lang umalis kana sa harapan ko ganun ba? Pwes,Hindi mangyayari yun.Humingi na ko ng pasensya at saka hindi ito ang lugar para sa mga estudyante._AKO.


"Kung sabihin ko nga sayong lumuhod ka ha? Alam mo masyado kang mataray eh.Ikaw na nga nakasagi sa akin ikaw pa matapang.Hindi uubra sa akin yang porke prof ka masisindak moko.Alalahanin mong ako ang batas dito!_Lucky.

"Batas? At kelan kapa naging batas dito? Sa pagkaka alam ko,Estudyante ka lang din dito at wala kang karapatang mambastos ng professor mo ng ganyan._Nine.Agad syang lumapit sa tabi ko at saka ako bahagyang hinila sa likuran nya.


"Hah! Ikaw na naman? Masyado ka talagang maepal noh? Feeling mo porke madaming babae na nagkaka gusto sayo at sikat ka dito sa campus,Kaya mo na kong kalabanin ha?
Baka gusto mong may kalagyan ka?_Lucky.Idiniin  nya ang hintuturong daliri nya sa nuo ni Nine at saka bahagyang itinulak ito.


"Ano ba,Magsitigil kayo! Wag kayong mag away dito.Nine ano ba,Bumalik kana sa klase mo.Ako ng bahala dito._AKO.Hinila ko sya papalayo kay Lucky para maiwas na din sya sa gulo.

"Hahahahha.Kahit magtulong pa kayo,Hindi kayo uubra sa akin mga gago! Lalakas ng loob nyong magkampihan,Ako pa kakalabanin nyo.
Ito ba pinagmamalaki mo ha Miss MJ kaya ayaw mo sa akin? Lalampa lampa naman yan at patay gutom pa.Sabagay,Mukhang kayang kaya mo naman syang buhayin kung sakali dahil mukha ka namang sugar mommy nya._Lucky.Mabilis ang sumunod na pangyayari dahil agad na sinapak ni Nine si Lucky dahilan para matumba ito.


"Wala ka talagang galang!Kahit professor mo,Binabastos mong hayup ka.Matagal na kong nagtitimpi sayo eh,Okey lang na ako ang pagsalitaan mo ng kung ano ano,Wag lang si Miss MJ.Sige!Tayo...Ganito ba ang gusto mong laban ha,Sige,Tumayo ka dyan at nang magka alaman na kung sino sa atin ang totoong lampa._Nine.Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon ko lang nakita si Nine na ganun ka galit.


"Nine ano ba,Tama na nga kasi.Tumigil kana.Nasa eskwelahan tayo.Bumalik kana sa room mo at ako ng bahala dito.Lucky thats enough.Pag usapan natin to.Ako ang may atraso sayo kaya ako na lang ang kausapin mo.Please... Tama na.Wag nyo ng palakihan pa ang gulo._AKO.Mukha namang natakot din si Lucky sa ginawang pagpatol sa kanya ni Nine kaya agad itong tumayo at saka umalis.

"Miss Villareal,What happened? Bakit humahangos si Lucky papalayo,May nangyari ba? Bakit nandito si Janine?_Mrs Rosales.Sya yung advicer teacher nila Nine.


"Wala naman po Mam,Medyo may kaunting diskusyon lang.
_AKO.May mga ibang estudyante din kasi na nakakita sa nangyari kaya posibleng mamaya lang ay nasa hot topic na naman kami sa campus.


Hinila ko si Nine papunta sa clinic para matignan ang kamay nya,Namula ito ng bahagya pero hindi naman malala kaya dinala ko na lang sya sa bahaging mapuno sa malapit duon sa parking lot ng Uni.


"Hindi mo na sana pinatulan pa si Lucky,Alam mo naman ang ugali nun.Baka magsusumbong pa  yun sa daddy nya at baka magka problema kapa sa pagiging scholar mo._AKO

"Sure ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka kasi mamaya, magpadala ka na naman ng magtuturo ng taekwondo sa shop eh._Nine.

"Sorry na,Akala ko lang naman kasi hindi ka marunong kahit basic na self defense lang eh.Pero ngayon,Base sa nakita kong ginawa mo kay Lucky....Bigla akong kinabahan.Baka kasi gumanti yun at ikaw naman ang pagbalingan.Gusto mo bang sumabay na lang sa akin pauwi? _AKO.Nag aalala lang ako na baka abangan nila mamayang uwian si Nine sa labas.


"Wag kang mag alala,Kaya ko ang sarili ko.Hindi mo ko kailangang alalahanin.Mas alalahanin mo yang sarili mo dahil ayaw mong pinapapasok dito sa campus yung mga bodyguards mo._Nine.Hindi na ko nagulat na alam nyang mayroon akong nakasunod na bodyguards palagi.


"Kamusta na nga pala yung kaibigan mong kasama mo kagabi,Ayos lang ba sya? _Nine.Saka ko naalalang nagpapa sundo nga pala sya sa akin sa CK MALL mamaya pag labas ko.

"Okey naman,Kakatawag lang sa akin na daanan ko daw sya mamaya sa CK mall dahil magsa shopping sya._AKO.Nagulat na lang ako ng may babaeng papalapit sa amin na kumakaway kaway pa na animoy modelo.



"Helloooo there Miss Beautiful! Ohhh my,Nandito ka din Babe Nine? Teka...Wag mong sabihing dito ka din...

Whaaaaat? Don't tell me ikaw si PRETTY BOY LESBO?_Atasha


"Hello Miss Atasha.Nice to see you again.By the way, Maiwan ko na muna kayo dahil may klase na ko._Nine.Naiwan kami ni Atasha na parehong natulala.

"Honey...Im so sorry.Di ko naman alam na si Nine na gitarista pala sa bar at si Pretty boy Lesbo ay iisa lang eh.Sorry talaga.Napaka daldal ko naman kasi.Haaaist
Nakakahiya.Nahalikan ko pa naman sya sa labi._Atasha.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis kay Atasha pero mas pinili ko na lang tawanan ang mga nangyari.

"Haaaay naku,Wag na nating pag usapan yun.Halika na nga sa loob at ipakikilala kita sa mga kapwa professor ko.Tapos ipapasyal kita sa loob ng buong campus._AKO.
Magkahawak kamay kaming naglakad papasok ng faculty building at saka ko sya ipinakilala sa mga kasama kong instructor din.


Papa alis na kami ng campus ng makita naming nasa labas ng classroom ang buong klase nina  Nine (Laboratory experiment)at kitang kita ni Atasha kung gano kadaming babae ang nakapalibot sa kanya duon sa ground.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now