54. MJ

447 31 2
                                    

Nabalitaan nina Mom and Dad ang nangyari sa akin sa Zanya's kaya medyo hinigpitan nila ang security ko.
Maging ang University ay inalarma din nila to make sure na walang gagalaw sa akin.Mabuti na lang at hindi naman nila sinasabi sa mga tao duon ang status ko.

"Mayroon ng lead kahit papano sa whereabouts ni Mila Mendoza.At kundi ako nagkakamali,Mukhang alam na ng pamilya nya kung sakali ang isasagot kapag may nag tanong tungkol sa kanya.Malamang na matagal na ngang di nagagawi duon ang subject dahil hindi na sya kilala ng mga iba naming napagtanungan.

"Ano daw po kaya ang status ng buhay ng pamilya nila Mrs. Mila Mendoza nuon? Hindi po ba nasabi kung mahirap lang sila kaya sya nangibang bansa,Ganun po kasi usually ang reason nila kaya sila nag aabbroad hindi po ba?_AKO

"Base sa nakalap kong impormasyon,Totoong napakahirap ng buhay ng pamilya nila nuon.Idagdag pa na mayroon silang kapatid na epeleptic.Kaya ganun na lang ang pagnanais ni Miss Mila Mendoza na makapag abroad._Impormante.

"Teka,Nasabi mong Miss Mendoza.Ibig bang sabihin,Dalaga pa hanggang ngayon si Miss Mendoza? _Ninang Jack.Ibig bang sabihin ay posibleng walang amang kinalakihan si cloud ng nagdalaga sya.Nasawi ang suspek na si Benito Javier ng masakote ito sa bahay nya at manlaban ayun sa report.

"Sa palagay ko ay ganun na nga.Walang nobyo o naging asawa itong si Miss Mendoza ever since.Kaya kung mapapansin nyo dito sa papel na nakalap ko,Nuong panahon na nagpunta sya ng Madrid Spain,Nasa tatlong taon na ang nakalipas mula ang naganap na bank robbery.

"So ibig sabihin,Sampung taong gulang na ang bata ng maging yaya sya nito.Posibleng tatlong taon ding nasa poder ni Mr.Benito Javier ang bata bago nya pa nakilala ang filipina na si Miss Mendoza._Impormant.May isip na ang bata ng makilala nya si Miss Mendoza at alam na nyang hindi ito ang kanyang tunay na ina.

"Kailangan nating makausap mismo ang pamilya ni Mendoza sa lalong madaling panahon.Kapag nagpatagal tagal pa tayo ay baka mas mahirapan na tayong ma trace sila. Baka mamaya ay hindi natin namamalayan,Naka alis na naman yun ng bansa._Ninang Jack.Ganun nga din ang nasa isip ko.

"Wag kayong mag alala dahil naka trackdown na lahat ng may pangalang MILA MENDOZA sa buong bansa.And we will make sure na hindi na talaga sya makakatakas pa sa batas._Napalingon kaming lahat sa nagsalita mula sa likod.Si General Borja pala iyun at mayroon syang kasama
Lahat kami ay sumaludo sa kanya.

"Guys,I want you to meet captain Susan Ignacio.Isa syang undercover agent.Tulad nyo ay isa din sya sa mga naatasang mag imbestiga sa nawawalang si Cloud Pamintuan.Ang kagandahan sa trabaho ni Miss Ignacio,Malaya syang makakalapit sa mga tao ng walang nakakakilala sa kanya dahil sa magaling syang mag desguise at maki adopt sa paligid nya.Meaning, May abilidad syang makakuha ng impormasyon sa mismong subject person na ini imbestigahan nya._Gen.Borja.Lahat kami ay nginitian nya at saka sya kumindat sa akin

Napalingon ako sa itsura ni Miss Ignacio.Infairnes naman, maganda ang katawan nya.Hindi din nalalayo sa taas ko at saka mukha ngang palaban.Pero hindi ko bet ang pagiging flirty nya.At hindi ko din gusto ang aura nya.

"Hi Miss.Ako nga pala si Susan,Pero Sussy kasi ang tawag ng lahat sa akin.Pero kapag gwapo at mayaman naman ang tatawag sa akin,Pwede ng pussssssy.hahahhaha.meoowww!_Miss Ignacio.Sabi na ba ako ang bet nitong pagtripan dahil sa simula pa lang ay kinindatan na ko eh.

"Hello.Just call me MJ.Nice meeting you._AKO.Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan kay Ninang Jack bago umalis pero mukhang busy sila ni Gen Borja kaya sumenyas na lang ako na aalis na.Tumango lang sa akin si Ninang na tila seryoso ang pinag uusapan nila ni General kaya agad akong tumayo na sa upuan ko at naglakad na palabas ng opisina.

"Pwede bang makisabay,Wala kasi akong sasakyan.Kahit dun lang sa may sakayan tapos ibaba mo na lang ako kapag may taxi ng dumaan._Miss Ignacio.

"Okey,Taga saan kaba? Baka dun na din ang way ko para masabay na kita._AKO.Sa totoo lang,hindi ko sya feel kausapin pero hindi naman pwedeng maging snob ako sa kasamahan ko sa trabaho.

"Talaga ba? Salamat.Ganda kasi nitong kotse mo eh. Mamahalin.Mayaman ka noh? Uhmmmm...Alam mo,Ang ganda mo.Ikaw yung tipo na hindi ko ipakikilala sa bf ko dahil baka magkagusto sayo at agawan moko.hahahha._Sussy.

"Salamat.Maganda ka din naman.At saka wag kang mag alala, Hindi ako mag aaagaw ng bf.Wala akong hilig manlalaki._AKO.Huli na para mabawi ko pa ang nasabi ko na

"Hahahahha. Sabi ko na Bifem ka eh! Ayaw mo sa lalaki pero sa babae oo.Tama ba?_Sussy.

"Mali.Hindi ako Bifem at lalong hindi ko ayaw sa lalaki.
Sabi ko lang,wala akong hilig manlalaki.Stick to one kasi ako._AKO

"So ibig sabihin may bf kana? Weh? Mukhang wala naman.
Base sa itsura mo,Mukha kang inlove pero yung love mo hindi ka mahal.hahahha. Just kidding.Ay ipara mo na dyan yung kotse mo sa tabi dahil may dadaanan pa ko.Babush! Salamat sa ride._Sussy.Mabilis syang bumaba ng kotse ko at saka kumendeng kendeng sa paglalakad.Sa totoo lang,di mo iisiping isa syang undercover agent dahil para syang babaeng wala lagi sa sarili.Natawa na lang ako sa kanya.

"Grabeh,Ang sakit nun ah! Sinabi nya talaga sayo na "MUKHA KANG INLOVE SA TAONG HINDI KA MAHAL" so ouccchhyy!Kung ako yun baka nasampal ko sya!hahaha._Atasha.Nakabalik na ng US si Atasha kaya sa VCALL na lang kami nag uusap.

"Sira! Hindi naman totoo bakit ako masasaktan. Kilala moko,Hindi ako yung tipo na magkaka gusto sa taong hindi ako gusto noh.Wala namang di nahuhulog sa charm ko._AKO

"Gagah meron kaya!Si Janine...hahahhaha. Pero maiba ako friend,Ano na bang nangyari sa inyo? Wala pa din bang improvement? Jusko naman,Bakit ba kasi napaka manhid nung tao na yun._Atasha.

"Wag na natin syang pag usapan.Nakakasira lang sya ng umaga.Gusto ko na munang simulan ang araw ko ng positibo at wala muna akong panahon sa mga ganyan.Ay syanga pala, birthday ngayon ni Ella at may surprise party daw na ihinanda si Phana sa kanya.Sige,Later na lang tayo usap magri ready muna ako pag pasok.Bye..._AKO.

Pumili ako ng magandang pero simple lang na damit.
Kahapon pa ako nag request sa PA ni mommy ng gift para kay Ella kaya ready na ako para mamaya sa surprise party.Ang sabi kasi ni Phana,Kami kami lang naman ang bisita at saka yung family ni Ella na walang idea si Ella na nandito ngayon sa Manila.Na excite ako bigla dahil ang sabi din ni Phana,Ngayon nya din isasabay ang pagpo propose nya ng kasal kay ELLA.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now