77. JANINE

446 35 4
                                    

Hindi naging madali para sa akin ang agarang tanggapin nalang basta ang katotohanang isa akong PAMINTUAN.
Kahit pa napatunayan na sa batas at maging ng sensya na isang daang porsyentong dugo at laman ako ni Captain SKYLER at madam MARTHA,Hindi ko pa din basta basta matanggap ng ganun ganun na lang na mayroon pala akong tunay at totoong mga magulang.

"Hindi mo naman kailangang magmadali,Makakapag antay naman sina Tita Martha at Tito Sky kung kelan ka na handang tanggapin sila sa buhay mo.Nakapag antay nga sila ng labing pitongtaon eh.Kaya alam kong hindi ka nila minamadaling sa kanila na tumira kaagad._Doc.Saint
Na pinsang buo ko pala kaya ganun na lang kagaan ang loob ko sa kanya sa una pa lang naming pagkikita.
Inanyayahan nya akong magkape daw kaming dalawa at hindi ko naman sya mahindian sa request nya.

"Salamat.Sa totoo lang,Hindi pa din kasi nagsi sink in sa isip ko ang mga nalaman ko at natuklasan ko nitong mga nakaraang araw.
Parang sa isang iglap,Nagulo bigla ang mundo ko at hindi ko alam kung panaginip lang ba or totoong nangyayari ang lahat ng ito._AKO.Nandito kami sa coffee shop na mismong si SAINT ang may ari.Mahilig daw kasi syang magkape kaya naisipan nyang magtayo na lang ng coffee shop na malapit sa hospital.

"Ano kaba,Totoo ang lahat ng ito.Hindi ka na nanaginip lang.Sa makalawa na nga pala ang uwi nina Grandad Top at Mamita DESS,Alam mo bang sobrang excited na ng mga abuelo nating makita at mayakap ka?Laking tuwa nila ng malaman nilang natagpuan kana.
Lumakas nga bigla si Grandad eh,Kaya pinayagang makabalik na sa Pilipinas.Kaya nakikiusap ako sayo, para na lang din kay LOLO TOP...Kahit nahihirapan kapang tanggapin kaming lahat,Kahit maging okey ka lang sana kay Grandad,Okey na din kami._Saint.

Mayroon na lamang daw anim na taong taning para sa founder ng PAMINTUAN CLAN na si TRISHIA OLIVEROS PAMINTUAN,a.k.a TOP.At ang tanging hiling nya lamang ay maiayos na ang aking pangalan at ng maisalin na sa akin ng tuluyan ang aking mga MAMANAHING KAYAMANAN AT ARI ARIAN mula sa kanya.

"Isa pa yan sa inaalala ko.Papano ko naman tatanggapin na lang bigla ang lahat ng mga ipapamana nyang ari arian kung wala naman akong idea sa pagpapalago nito.Baka maubos ko lang yan tapos masayang lahat ng pinaghirapan nya._AKO

"Ano kaba,Hinding hindi basta mauubos ang kayaman ng PAMINTUAN kahit ipamigay mo pa lahat sa kawang gawa.Napakaraming business at mga asset ng GrandDad sa ibat ibang panig ng mundo kaya kahit na kaapo apuhan pa natin ay sigurado pa ding mga anak ng BILYONARYO sa hinaharap._Saint.Sa totoo lang,Wala akong idea na ganun kayaman ang pamilyang pinagmulan ko.Basta ang alam ko lang,Mayaman sila at nakaaangat sa buhay,Pero hindi ko alam na hindi lang sila nag iinvest sa bansa ng negosyo kundi sa ibang mga bansa din.

"Kaya nga mas lalo akong naguguluhan Doktora.I cannot imagine my self being an heiress of the famous TOP PAMINTUAN.Idagdag pa ang pagkakaroon ng pamosong mga magulang.Simpleng tao lang ako at wala ni isang nakakakilala liban sa mga iilang kaibigan.
_AKO

"PINSAN na ang tawag mo sa akin at hindi Doc.
Pwede ding Ate Saint since mas matanda ako sayo ng isang taon.Alam mo bang kahit sina Mom and Dad ay excited na ding makasama ka.Alam mo,Ang saya saya ko ngayon kasi ganito pala yung feeling na mayroon kang pinsan.Naiinggit nga ako sa closeness nina Zoie at MJ nuon kapag magkakasama kaming tatlo.Ang saya saya nila tignan kapag nag aasaran sila.Ngayon na nandyan kana,Di na ko maiinggit sa kanila._Saint
Napangiti ako sa kanya.Ganun din naman ako kasaya sa totoo lang.Masaya din pala sa pakiramdam na mayroon kang mga kapamilya na makakaramay mo sa mga oras ng pag iisa.

"Pasensya kana kung medyo hindi ko pa din alam kung anong gagawin.Basta kahit na anong mangyari,Nandirito lang ako palagi bilang kaibigan mo.Kagaya mo ay masayang msaya din ako na magka dugo pala tayo.Mula pa nuong una tayong magkita ay magaan na talaga ang loob ko sayo.Kaya naman pala ay magkamag anak tayo._AKO

"SEE? Atlest kahit papano,Unti unti mo na ding na aaccept dyan sa sarili mo na isa ka talagang PAMINTUAN.Magandang simula yan cuz.Wag kang mag alala kasi hindi naman tayo magkaka agawan sa mga mamanahin natin dahil hindi pa tayo ipinanganganak ay nakahati na talaga iyun para sa atin.Baka sa atensyon ng mga lolo at lola natin dun tayo magkaroon ng problema,hahahaha.Biro lang. Pero since matagal kang nawalay sa pamilya,Ibibigay ko muna sayo ang lahat ng time na nawala nuon.
Ipadama mo sa kanila na kahit matagal kang nawala, Kaya mong punuuan ang mga oras na hindi mo sila nakapiling.Lalo na sa abuelo at abuela natin na hindi na din mga bumabata.Mas maganda na yung habang nariyan pa sila ay naipadama mo ang pagmamahal mo kaysa magsisi ka sa bandang huli._Saint.Kasabay ng pagba bonding namin bilang magpinsan ay alam ko din na part ito ng isang therapy.Bilang doctor at psychologist,Alam kong unti unti ay iminumulat at gina guide ako ni Saint na marealize at tanggapin ang totoo kong buhay.

"Salamat.Salamat sa pagtanggap mo sa akin,Bilang kaibigan at kamag anak na din.
Kahit alam kong nahihirapan na kayo sa inaasal ko at sa katigasan ng ulo ko ay hindi pa din kayo nagsasawang unawain ako.Pasensya na.Siguro ay kailangan ko pa lang ng kaunti pang panahon.

Tungkol naman sa mga lolo at lola mo,I mean sa mga abuelo natin...Susubukan kong pakiharapan sila.
Kaya lang ay wag nyong asahan na magiging mabait at malambing ako sa kanila dahil hindi ko sigurado kung papanong approach ang gagawin ko kapag nakaharap ko na sila.Hindi kasi ako sanay ng madaming taong pinakikiharapan.Sanay ako na isa o hanggang dalawang tao lang ang kausap ko._AKO.

"Wag kang mag alala,Maiintindihan ka nila.Napaka cool kaya ng Mamita Dess at ng Grannie TOP bilang mga lolo at lola.Hindi sila yung masusungit at strict na oldies.Napaka openminded nung mga yun as in! Matatawa ka sa kanila kasi kahit may sakit na yang si Grannie,magaling pa ding mambola sa mga chicks.Yung mga nurses na nag aalaga sa kanya sa hospital kasi,dinidigahan pa din daw.Kaya si Mamita Dess naman,todo bantay sa kanya.Napaka pilyo pa din kasi ng lolo natin kahit na senior citizen na.hahahah._Saint.Balita ngang chickboy at charming ang parehong mag amang PAMINTUAN na sina TOP at SKYLER nuong kanilang kabataan.

Ngayon ko lang narealize kung bakit sa kabila ng pagiging simple ko at pagiging mahiyain ay madami pa ding mga babae ang naaakit at nagsisilapitan sa akin...DAHIL NASA DUGO ko pala talaga ang pagiging isang CHARMING LESBIAN na kahit pa anong pilit kong pagtatago at pagsusuplado ay hindi ko pa din maiwasang lapitan at gustuhin ng mga kababaihan.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now