70. NINE

509 33 12
                                    

Matapos kong ipakita kay MJ yung old picture ko sa wallet ay bahagya na lang syang napaluha sa hindi ko malamang dahilan.Kaya naman habang buma byahe kami papunta sa mansyon ng mga abuelo nya ay hindi ko alam kung anong gagawin kong pagpapatahan sa kanya.

"Hey MJ,Whats goin on? Anong problema at bakit bigla ka na lang napaiyak dyan? Sobrang panget ko ba nung bata ako kaya hindi mo matanggap na ganun pala ang itsura ng nobyo mo ha?_AKO.Gusto ko syang pakalmahin kaya idinaan ko na lang sa pagbibiro.

"Wala naman,May naalala lang ako bigla.Im sorry.Wag mo na lang akong pansinin at mag focus ka lang sa pagda drive mo.Salamat nga pala dito sa pasalubong mong cake kila Lolo GD at Lola Sally.Paborito nila ito eh.Ito yung cake na mismong yung owner ang naka imbento.(BFF ni Ninang Katie ang may ari ng bakeshop na yun at may ari din nung building kung saan ito located)

"Okey kana ba? Basta kung ano man yang pinag aalala mo,Dont hesitate to share it with me.Malay mo,Makatulong ako or mayroon akong pwedeng mai share para makabawas sa burden na nararamdaman mo.
_AKO.Batid kong hindi lang simpleng bagay ang dahilan ng kanyang pag luha pero hindi ko naman sya pupwedeng pilitin na i share iyun sa akin.May mga bagay kasi na hindi naman lahat pwede mong masabi kaagad sa isang tao lalo na at hindi pa naman kami ganun katagal na magka relasyon.

"Don't worry about me,Okey lang ako.Pasensya kana kung bigla na lang akong naging emotional.
Ganito talaga ko minsan,May pagka praning lalo na kapag may naaalala akong nakakaiyak.Pero okey na ko, Baka mamaya ay makita pa ako ng mga Lolo na galing sa pag iyak at kung ano pang isipin nila.
Halika na,Pasok na tayo sa loob at ng makilala kana nila._MJ.Mabilis namang napalitan ang kalungkutan nya ng masayang mukha.


Sa pagpasok pa lang sa loob ng gate ng mansyon ng mga Villareal ay mapupuna mo na ang hindi matatawarang kagandahan ng paligid.Halatang namimintina ang kaayusan ng buong paligid at napaka presko ng malawak na bakuran dahil sa mga berdeng halamanan.


"Maganda umaga po Miss MJ,Naruon po sa golf course ang buong pamilya ninyo at pinapasabi ng daddy nyo na dun na kayo tumuloy ng kasama nyo._Mang Sammy. Sya yung personal driver nila Lolo GD.Nakasakay sya sa golf cart para kami ihatid sa golf course kung saan nanduon silang lahat at naghihintay sa amin.



"Sige po Mang Sammy,Pakihatid na lang po kami duon.
Kanina pa po ba sila nag aantay? Hindi po ba muna nagsimba sila Lolo at Lola kanina?_MJ.Sumakay kami sa golf cart at saka binagtas ang daan papunta sa golf course nila.

"Naku kanina pa kayo inaantay ng lolo mo iha.Sabi nya sa akin ay mamayang hapon na lang daw sila magsisimba ng Lola mo dahil nga daw may bisitang darating ngayon.Aba'y sa sobrang excited nga ng Lolo mo ay nakalimutan nya yatang bawal syang kumain ng lechon._Mang Sammy.Malamang na may kasamang lechon ang handa nila para sa amin ngayon.

"Bakit po bawal,May sakit po ba ang Lolo GD Mang Sammy?Ay syanga po pala,Ang nobyo ko po...Si Nine.
Nine sya naman ang personal driver ng Lolo GD.Baby pa lang ako ay si Mang Sammy na talaga ang kasa kasama ng Lolo kapag bibisita sa amin._MJ.Nakipag shake hands ako sa driver nila bilang pagbati.

"Magandang umaga po Sir.Nice to meet you po._AKO
Tumingin muna sya sa akin at saka ngumiti.

"Tama nga naman ang pagkaka describe ng Mommy Gari mo sa Lolo GD mo iha,Totoo ngang napaka gwapo nitong nobyo mo.Aba'y kahit ako nga din ay napanganga kanina ng matignan ko ng malapitan.
Bakit hindi ka nag artista iha? Walang panama sayo yung mga sikat na artista ngayon ah._Mang Sammy
Bahagya akong nahiya at napatakip nalang ng mukha.

"Naku Mang Sammy,Napaka mahiyain po nyan at suplado din.Baka mainis lang ang director nya at kapwa artista dahil hindi po yan nakikipag usap sa hindi nya kakilala.hahahaha._MJ.Nagtinginan kaming dalawa at saka kami sabay na natawa sa sinabi nya.Posible ngang ganun ang mangyari kung naging artista ako.

"Hahahah,Naku ganun ba.Bawal nga ang suplado sa showbiz.Dapat magaling kang magpanggap na pala kaibigan.Sa dami ng mga basher ngayon,Malamang na magulo lang ang buhay mo iha._Mang Sammy.Ngimiti naman ako sa kanya bilang pag sanga ayon.

Ilang saglit pa ay narating din namin ang golf course na halos sinlawak din ng nakikita kong mga golf course dito sa Kamaynilaan.Magkahawak kamay kaming naglakad ni MJ palapit sa kanyang pamilya na naka abang na sa amin mula pa kanina.Agad nagmano si MJ sa kanilang lahat kaya naki mano na din ako.


"Nine,This is my entire Family.Sisimulan kong ipakilala sayo syempre ang pinaka gwapo kong Lolo GD na sobrang stick to one sa napaka ganda kong Lola Sally.Lolo,Lola eto po si JANINE...ang aking nobyo._MJ.At dahil nagmano na ko kanina ay nakipag shake hands na lang ako sa kanilang dalawa.

"Nice to finally meet you po Sir and Madam.Pasensya na po at medyo nalate kami ng dating._AKO.Actually hindi naman kami talaga late sa itinakdang oras, Kaya lang ay napa aga lang sila ng paghahanda para ngayon.

"Hello there handsome!Aba'y napaka charming naman talaga ng batang ito ano? Pero parang may kahawig ka.Di ko lang alam kung sino pero you look so familiar to me._Lola Sally.Nilapitan nya ako at saka kinurot ang pisngi ko ng bahagya.

"Pasensya kana kay Mommy,Janine at talagang ganyan yan kapag nakaka kita ng maganda at gwapo.Kaya nga laging ding kawawa ang pisngi ko dyan eh.hahahha._Boss AJ.Katabi nya naman si Madam Gari na malaki din ang ngiti sa akin.

"Ay sinabi mo pa anak!Kaya nga nagka ganito ang pisngi ko eh,Kakapisil nyang nanay mo.Mahirap talaga kapag magagandang lalaki,Lapitin ng kurot sa pisngi.hahahha._Lolo GD.Sadyang masayahin ang pamilya nila MJ kaya naman madaling nabawasan ang kaba sa dibdib ko.

Hindi totoong wala akong nararamdamang insecurity kapag kasama ko si MJ.Magaling lang ako magpanggap.
Ang totoo nyan ay sobra akong nanliliit kapag kasama ko na silang lahat.Mula sa pamilya PAMINTUAN at ngayon naman ay ang Pamilya VILLAREAL,Nararamdaman ko na napakalayo ng agwat sa pagitan namin ni MJ.Kaya naman kahit matagal ko na syang gusto at Mahal...Pinilit kong kalimutan sya pero hindi ko inakala na kahit anong gawin ko palang pag iwasa ay mas lalo pa syang inilalapit ng tadhana sa akin.



"Janine iha,Wag na wag ko ng marinig sayo na tatawagin mo kaming Sir at madam nitong magandang misis ko ha.LOLO GD at Lola Sally na din ang itatawag mo sa amin mula ngayon.Alam mo kasi apo, Para sa amin...Kung sino ang mahal at gusto ng apo namin ay Minamahal at ginugusto na din namin._Lolo GD.Kahit na may edad na si Sir GD ay talaga namang mababakas pa din ang kagwapuhan nya nuong kabataan.


"Naku nakakahiya naman po Sir..I mean,Lolo GD.
Pero ganun pa man ay NAGPAPASALAMAT PO AKO NG TAOS PUSO sa mainit nyong pagtanggap lahat sa akin.
Nararamdaman ko po na kahit wala na akong kapamilya ay nagkaroon  naman akong pangalawang pamilyang maituturing dahil sa inyo. Salamat po ulit Lolo at Lola._AKO.


Maya maya pa ay tinawag na ko ng daddy ni MJ na si Boss AJ para maglaro ng GOLF.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now