Love Hurts

29 4 3
                                    

Hey! Watch where you going! Pasigaw na salita ng isang lalaki na hindi ko sinasadyang mabunggo sa kamamadali kong lumabas sa isang restaurant  habang s'ya naman ay papasok. Nasa 5'8" ang taas nito habang nakatingala ako sa kanya na may pagkabigla sa sigaw n'ya at himas-himas ko pa ang braso na namanhid yata sa lakas ng impact ng pagkabunggo ko. Hindi naman masyadong kagwapuhan pero malakas ang appeal nya na sa halip ikagalit ko ang pagsigaw ay natameme yata ako at may biglang kabog sa dibdib na hindi ko mawari.

I'm sorry, hindi ko sinasadya. Mahinang sambit ko. Biglang lumambot ang mukha nya habang matiim na nakatingin sa akin bago tumalikod at nagmamadaling umalis.

Ano itong nararamdaman ko? Bulong ko sa sarili dahil parang bigla akong nakaramdam ng kirot habang tinatanaw ang papalayong lalaki. Malinaw na nakarehistro sa isipan ko ang hugis ng mukha, matangos na ilong at manipis na labi. Ang mga matang mapungay pero matiim kung makatingin. Maalon ang buhok at simpleng nakasuot ng puting polo at fitted black pants. Ang nipis ng tiyan at bagay  na bagay ang suot sa tangkad nito.
Ah! Daig ko pa ang baklita kung kumilatis. Para akong naalimpungatan sa kung anong pumasok sa isipan ko.

'Nasaan na kaya ang babaeng 'yon inabot na ako ng siyam-siyam sa kahihintay ni hindi manlang tumawag o magtext pinatay pa ang cellphone!' Sambit ko habang hinihintay ang kaibigan kong si Julie. Si Julie ang nag-iisang ka close ko sa lahat ng mga naging kaibigan ko.

"Jessie! Jessie! I'm here!"Bigla akong napalingon habang akma kong bubuksan ang pintuan ng kotse ko. Boses ni Julie na akala ko hindi na ako sisiputin sa usapan namin kaya naisipan ko ng umuwi na lamang at may iba pa akong aasikasuhin.

"Hey! Bakit ngayon ka lang?  Kanina pa kita hinihintay eh!" Padabog kong singhal sa kanya habang nakadipa at akma akong yayakapin na bigla kong iniwas ang sarili ko sa kanya sa asar ko.

"Huwag ka nang magtampo d'yan at hindi ko inaasahang abutin ako ng ganitong oras. Ibang klase ang kausap ko at hindi kami magkasundo sa franchise na gusto kong kunin mahabang paliwanagan pa bago maapprove." Mahabang paliwanag ni Julie dahil alam n'yang nagtampo talaga ako.

Bakit hindi ka man lang nagsabi mahirap bang mag text?"Paasik na sagot ko sa kanya. Sa tagal naming magkaibigan ngayon lang s'ya hindi dumating sa oras ng usapan kung kailan pa importante.

Hinila n'ya ako pabalik papasok sa loob ng restaurant.

"Sorry na beshie, promise matutuwa ka sa sasabihin ko. Lahat ng inis mo ay kusang matutunaw promise!" Nakangiting lambing nito sa akin habang hila ako paupo sa upuan.

"Ano na naman ang chika mo? Dadaanin mo na naman ako sa pa twetums para hindi ka malasin ano?  Sabay pingot sa taenga n'ya.

"Ay! Arayku beshie!" Mulagat ang mga matang singhal sa akin.

"Beshie, i got it! Yes this is it Jessie! Matutupad na rin ang matagal na nating pinapangarap!" Halos hingal na sabi nito pagkatapos kong bitawan ang taenga n'ya.

Ang tagal ko nang nakahiga pero hindi parin maalis sa isipan ko ang kwento ni Julie. Hindi pa rin ako makapaniwalang makukuha na namin ang franchise ng isang sikat na coffee shop dito sa Baguio. Na kaya sya tumagal dahil late na dumating ang mismong may-ari ng ipinapa franchise na coffee shop. Hindi daw sila basta basta nag-aapprove hanggat hindi nakita at nakausap ng mismong may-ari ang franchisee.

'Beshie kung wala lang akong asawa naku kahit ayaw sa akin ng may-ari pipikutin ko talaga mapasaakin lang sya!Napangiti ako sa naalala kong tinuran ng kaibigan ko. May balak pang lumandi ang bruha. Halos mapahagalpak ako sa katatawa sa naalala kong hitsura n'ya habang nagkukwento.

Yes! Thanks God! Lord gabayan mo po kami na mapalago ito please.  Mataimtim kong panalangin sa Maykapal. Sa edad kong 28 ngayon lang ako nagseryoso magkaroon ng negosyo at may kasosyo pa. Dahil takot akong sumubok. Kung papaanong hindi ako takot sumubok magmahal at masaktan ng paulit-ulit ay s'ya namang takot  ko sumubok sa negosyo kaya kahit isa ni hindi makapagsimula. Pero salamat at ngayon ay magkakaroon na.

Love HurtsWhere stories live. Discover now