Love hurts, pero hindi ibig sabihin ay katapusan ko na. Hindi sa lahat ng panahon ay puro saya at sarap lamang ang nakapaloob sa isang matagumpay na relasyon. Minsan ang akala mong happy ending na ng relasyon mo ay isa palang bangungot na nais mong tapusin pero hindi mo alam kung papaano gumising. Ganito ang nararamdaman ko sa ngayon. Makailang beses ba dapat na masaktan bago mahanap ang totoong kaligayahan? May pag-asa pa ba ang isang katulad kong maging masaya kahit sa isang sandali lang? Ako si Jessie Flores, ang babaeng ambisyosa na kahit kailan ay hindi nadadala, 'yan ang sabi nila. Kasalanan ba ang magmahal ng paulit-ulit kahit na paulit- ulit na masaktan? Panghuli na kaya si Alex Naval sa mga lalaking pinaniwalaan ko at minahal o isa na namang mananakit at mag-iiwan ng sugat sa puso kong matagal nang nasa ER dahil sugatan? Magtitiwala paba ako kahit na muling masasaktan? Love hurts, but i still want to try again and again until i'll finally find the right one.