Love Hurts

12 0 0
                                    

Abot tenga ang ngiti ko habang kumakaway kay Julie na pagawi sa p'westong inukupa ko at ganoon din naman s'ya. Magkaedad lang kami pero mukha yatang tatandang dalaga nalang  talaga ang papel ko sa mundo.

'Oh no! Huwag naman sana.' Biglang umasim ang mukha ko dahilan para hampasin ni Julie ang shoulder ko, gess! Para akong mawalan ng ulirat.

"Arayku naman to!" Nakangising saway ko sa kanya. 'Bigwasan ko kaya to?'

"Hey, what's that long face, uwian na ba?"aniya.

"My gosh Julie! Bakit palagi nalang ang tingin mo sa'kin e punching bag? Wala pa akong asawa pero parang bugbog sarado na." Pahikbi kong tanong kunwari.

"Sorry na isipin mo nalang na lambing ko yan sayo." Nakangiti nitong sabi sabay yakap at tinanong kung nakaorder na ba ako. 

"Naman  ako pa!" Pagmamayabang ko pang sagot dahil sa totoo lang lahat naman ng gusto ko e gusto din n'ya. Grilled spare ribs, garlic buttered shrimp, sizzling tuna  and of course red wine. Parang fiesta lang na kaming dalawa lang ang bisita. Mamaya na ang panghugas the tower beer na.

"It's my call besh, bayad ko na to." Pakindat ko pang sabi kay Julie.

"Gosh beshie maubos ba natin 'to?" Nanlaki ang mata ni Julie ng nasa harapan na namin ang food.

"I think so, don't worry ako ang kasama mo." Nakangiting sagot ko sa kanya. As usual ako ang tagasimot palagi.

Andami naming pinag-usapan about sa  incoming coffe shop. Right after maubos ang wine ng may tumawag kay Julie dahilan para lumayo s'ya konte sa akin na s'yang ipinagtaka ko kung bakit kailangan pang lumayo. Nababasa ko sa mukha n'ya ang pagkagulat. Sabay bulsa ng cellphone at lumapit sa akin.

Need na daw n'yang umalis at biglaang umuwi ang asawa na akala ko 2 weeks pang mag stay sa Singapore. Ni hindi ko na napigilan sa kamamadali n'ya pagkatapos mag sorry sa akin ng paulit-ulit.

"Teka lang, hoy! Mag-isa kong uuwi?" Hindi na ako binigyan ng chance na magtanong bigla na lang akong iniwan.

'Is this fair? Lang'ya naman o badtrip!'

'That's the reason na wala pa akong napipikot para lumagay sa tahimik.' Kaya enjoy habang dalaga pa.

Tumatagos ang paningin ko sa beer. Kung laser lang ang mga mata ko malamang  sabog na sa tingin ko palang ang tower jar ng beer. Mukhang sosolohin ko yata magdamag ito.

'Gosh! Relax Jessie kaya natin to!' Bulong ko sa sarili ko. Nababaliw na yata ako at bakit ko  naman iinumin mag-isa.

On the other table...

Nick and Alex are happy talking to each other while drinking beer.

"What's the matter Alex, what's for tonight?" Tanong ni Nick kay Alex pagkatapos sairin ang isang mug ng beer.

"I just missed you Nick, and beside i want to brag my new franchise deal." Nakangiting sagot ni Alex.

"Another deal? Wow hindi na talaga maawat ang pagdami ng shop mo Alex, congrats to you!" Masayang sagot nito kay Alex.

Biglang tumugtog and banda na s'yang nagpahinto kay Alex sa paglagok ng beer.

"Love me with all of your heart
That's all i want, love
Love me with all of your heart
or not at all

Just promise me this
That you'll give me all your kisses
Every winter
every summer
every fall..."

"Oh what's with that song, it almost makes me drunk." Malungkot pero pasigaw na tanong ni Alex kay Nick. Nilamon na ng musika ang katahimikan ng gabi.

Napahalakhak si Nick sa tinuran ni Alex. "Bakit, meron nabang nagpatibok  sa malayelong puso mo, Alex?" Kant'yaw nito sa sa kaibigan.

Napaubo si Alex sa tinuran ni Nick. 'Nagpatibok? In your dreams!' Bulong sa sarili ni Alex.

"Anong meron kay Julie ngayon at iniwan nalang akong bigla, ugk!" Napasinok akong bigla. Naparami na akong inom. Akala ko last na pero tuloy parin ang lagok at salin ko ng beer sa mug.

'Iniwan ng boyfriend ngayon kaibigan naman? What a life!'

Kailangan ba talagang magterno ang lovelife  at friendship ko.  'Ganito pala kapait ang beer kapag mag-isa ko lang uminom. Parang kasimpait lang ng lovelife ko.' Nakangisi na akong nagsasalita mag-isa.

Kailangan ko ng magbawas  sasabog na ang pantog ko kaya itinuro ko na ang sarili ko sa restroom. Hilong-hilo na ako pero kaya ko pang maglakad.

Naghilamos ako para mahimasmasan after i relieved myself pero parang mas lalo akong nahilo.  Nagretouch pa ako sabay lipstick at pangiting tiningnan ang sarili sa salamin.
'Gosh, makapagdrive pa kaya ako nito.' Sabi ko sabay thumbs up sa sarili.

Habang binabaybay ko ang lobby pabalik sa mesa ko. Nasa bungad na ako ng lobby ng biglang.

"Ayyy!"pasigaw kong sambit nang kamuntikan na akong tumilamsik sa lakas ng pagkabunggo sa'kin ng nasa likuran ko pero kaagad na nahablot ang tagiliran ko pabalik na s'yang dahilan para sumubsob ako sa katawan ng bumunggo sa'kin.

"Ikaw na naman?" Galit kong tanong sa lalaking mahigpit parin ang kapit sa akin at ngayon ay dalawang kamay na ang nakahapit sa bewang ko.

Kumunot ang noo nito na matamang nakatingin sa akin. Ni hindi manlang nagsorry.

"Ano, ikaw pa ang galit, ha!" Sabi ko.

"E ikaw itong pahara -hara sa daanan e, kung lasing ka huwag kang hahara-hara, tabi!"tiimbagang sagot nito sa'kin sabay bitaw sa bewang ko na pabalya dahilan upang lumapat ang likuran ko sa dingding ng lobby. Akma na itong aalis ng hindi ko mapigilan ang sarili kong hilo na pero nagawa ko pa s'yang habulin at sigawan.

"Bakla! Walang modo! Hey!" Walang preno kong bulyaw habang saklot ang suot nitong polo.

"What? Sinong bakla? Watch your foul mouth lady!" Sagot nito at hinawakan ang kamay ko at pilit  na binabaklas sa polo n'ya. P'wersahang inaalis sa pagkakapit ko ng bigla nalang akong kumapit pa lalo at this time sa bewang na nya at dalawang kamay ko na ang pumulupot.

"What's with this girl?" Sarcastic na salita nitong naulinigan ko bago pa ako mawalan ng malay naramdaman ako ang pagsalo nito sa mga braso ko.

"Hey, miss!" Sabi ni Alex na nataranta.
Tamang- tama  lumapit ang isang waiter.

"Sir mag-isa nalang po ni maam Jessie, nauna ng umalis ang kasama n'ya pero nasa labas po ang car n'ya." Sabi nito.
"Ah okey ako ng bahala sa kanya."Sagot nya sa waiter.

"Kababaeng tao iinum-inom hindi kayang kontrolin ang sarili." Habang buhat-buhat  ako ng lalaking naaaninaw ko ang tulirong mukha. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin pero wala na akong lakas para magsalita pa.




Love HurtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora