Love hurts

16 1 0
                                    

"He..llo?"Garalgal na boses ko nang maalimpungatan sa tunog ng cellphone. Halos kaiidlip ko lang, sinong  nilalang ang gising pa gabitong oras my gosh! Sadyang mailap sa akin ang swerte kahit sa pagtulog.

"Jessie beshie! Gurl hindi ako makatulog promise excited ako sa mga mangyayari.." "Hey! Aswang kaba? Alam mo ba kung anong oras na at may gana ka pang maexcite sa oras ba to?" Pinutol ko kaagad ang anumang sasabihin  ni Julie sa irita ko.

"Ops! Sorry na, okey i'll see you tomorrow brace yourself d'yan ako sa bahay mo dederetso. Sleep tight then,bye!" Excited parin s'ya kahit disappointed sa inasal ko. Imagine 2am na nangdisturbo pa talaga. Sabagay ganoon naman talaga kami kapag ganitong may pinaplano e inuumaga.  Gosh ang ginaw! Ba't naman kasi haist! Usal ko na nanginginig sa lamig.

Eksaktong 10am nasa gate na ng villa si Julie. She has the remote control of the gate so it's easy for her to go inside and directly go to the garage. While i'm preparing the table for our breakfast.

Sinalubong ko s'ya sa pintuan na may malaking ngiti sa mga labi. Maganda ang awra ng bestie ko today.

"Goodmorning!" Halos sabay naming nabanggit at sabay tawanan.

Tara! Let's eat first." Alok ko sa kanya at sabay kaming nag-almusal. Avocado sandwich with pouch egg ang inihanda ko at may hot chocolate. Tamang-tama lang sa malamig na panahon.

"Hmmm. Kailan kapa  natuto magluto nito beshie? It's  nice." Seryoso n'yang tanong dahil first time ko s'yang naigawa nito.
"HRM ang best friend mo, remember?" Wika ko.

"Oh, right! I almost forgot. Anyway are we ready to start the coffee shop in two months? He said the location was already ready and the constraction will start this week." Aniya.

"Who's he?" Nagulamihinan kong tanong.

"Sino pa? Yaong may-ari ng franchise mismo ang mag-aasikaso Jessie! Which is the good part hindi na tayo mahihirapan pa even the location he's the one encharge of it. Imagine?" Hingal na salita ni Julie.

"Well, if that's the case much better." Sagot ko naman kahit na medyo hindi ko naunawaan, well wala ako idea sa kung papaano magpatayo ng coffee shop, all i know is i really want to have that business.

"Anyway, where's Vince? Hindi ko yata s'ya nakikita." Tanong ko referring to her husband Vince Rivas isang business man.

"Oh, i forget to tell you that he's on a business trip in Singapore. He will be there on a month at two weeks nalang nandito na s'ya."paliwanag nito sa akin.

"A okey, hmmm.. kailan ba ako magiging kumare mo besh? Hihihi!" Pabirong sagot at tanong ko sa kanya. 2 years na kasi sila nagsasama mula ng ikasal pero hindi pa rin nakabuo.

"Naku ha! Wait ka lang , excited? E ikaw kaya kailan magkaasawa? Haler! 28 kana a bakit puro palpak ang mga naging boyfriend mo?" Pakutya pa nitong sagot sa akin. And the conversation naturally stop itself.

"Huhuhu! bakit  tumabla kaagad sakin ang usapan?"

"O natameme ka no? Huwag kasi ako besh." Humahagalpak na tawa ni Julie.

"S'ya, thanks sa break fast Jessie. Yung usapan natin para mamayang gabi ha don't try to be late again para naman maenjoy natin ang free time meron tayo." Sabi pa nito.

"Okey, should i wear daring then?" Pilyang tanong ko sa kanya na s'ya n'yang ikinagulat nanlaki ang mga mata at butas ng ilong sabay hambalos sa akin.

"Hey! Enough arayku, okey, okey stop it!" Pasigaw kong pakiusap kay Julie  na agad namang huminto.

"Oy, umayos ka ha. Wear something with class but not gown, okey?" Sabi nito and i agree.

Meanwhile...

"Sir, here's the copy of the plan." Tinig na nagpahinto sa kay Alex na nakatutok sa computer.

"Okey thanks, just leave it and you can go now." Nakangiting sagot nito sa kanyang secretary.

Matamang tinitigan ang plano at napangiti. Ito ang ika 700 branch ng franchise ng  "The Lovely Cups Coffee"
Isa lamang ito sa mga naipundar n'yang negosyo maliban sa mga minana sa mga magulang. Sariling negosyo na ipinatayo n'ya mismo.

Kinuha ang cellphone at may tinawagan. " hello?" Sagot ng nasa kabilang linya. "Oh, hello Nick! It's me. Do you have time for me this evening at eight?" Ani Alex.

" S'yempre naman ikaw pa! Same place right?" Tanong ni Nick. S'ya Nick Brader ang kaibigang babaero ni Alex.
"Thanks Nick, see you then." Sabay off ng cellphone ni Alex.

Brix Brewery Mix.

Once in a while kapag may problema o kapag masaya ito ang place na madalas naming puntahan ni Julie. Best place ever na napuntahan  amin in times we need to relax and enjoy. Nauna ako kay Julie wala pa s'ya kaya naghanap na ako ng pwesto. Pinili ko ang pinakadulo  hindi masyado daanan ng tao at the best spot dahil may privacy at mula sa bintanang salamin e tanaw ko ang view sa labas na nagkikislapang ilaw. First kong pumunta dito ay kasama ang ex- boyfriend kong si Jack  Alcon, dito ako dinala at the same time nag propose kaagad na may pa singsing pang nalalaman pero iiwanan rin lang pala ako at dito rin sa place na ito nakipag break. Saklap diba? Kung ang iba ayaw nang balikan ang the most embarassing moment na place ako naman iba. Mas naging paborito ko pa puntahan. The place matters and not the bitter memories after all dito din ako naging happy at excited noong naging boyfriend ko si Jack.

Nasaan na kaya sya ngayon? It's been 2 years na wala akong balita mula nag break kami. Haist! Bakit ko pa ba naalala ang damuhong  'yon?

Sometimes  i'm scared to be in a relationship again that's why never na ako nakipagrelasyon ulit. Pang-apat na si Jack sa mga naging boyfriend ko at masasabi kong less ang sakit na naramdaman kaysa sa mga naunang karelasyon ko.

'If love really hurts so kailangan ko talagang danasin sa bawat meron akong magiging boyfriend? Hindi ba unfair naman kapag ganoon nalang palagi?'

Naputol ang alaala ko nang matanaw si Julie sa labas. The best talaga ang bff ko kahit may asawa na hindi parin ako nakakalimutan at higit sa lahat nagagawa pang makapag relax kahit maraming inaasikaso sa negosyo.



Love HurtsWhere stories live. Discover now