Love Hurts

9 0 0
                                    

First year anniversary ng "The Lovely Cups Coffee" bukas and this time Julie and I communicate by phone only. I avoided social media since i become pregnant and even deactivate my fb accounts. Ganoon ako katakot noon sa sasabihin ng ibang tao at tama ang kasabihang,

"Don't let people or situations upset you. Both are powerless without your reaction." Salamat at nagising ako sa matagal na bangungot na syang nagpatigil sa mundo ko.

"Tita Vie, payag ka ho ba na isama kita sa Baguio?" Tanong ko sa nanny ni baby Alex isang matandang dalaga at nag-iisa na rin lang sya sa buhay. Sa kanya palagay ang loob ko na maaalagaan si baby Alex dahil kamag-anak ko sya second cousin ng mother ko si tita Vie.

"Aba'y oo naman Jessie, kung saan kayo doon din ako syempre! Naku ayoko mapalayo kay baby Alex no." Gigil na niyakap-yakap si baby Alex na ngayon ay 3 months na.

Ako na ang kusang tumawag kay Julie alam kong busy sya. Habang hinihintay ang sagot nya lumilipad ang isipan ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Until now hindi pa nya alam ang nangyayari sa akin. Naputol ito ng sumagot na sya sa kabilang linya.

"Hello besh, are you coming?" Bungad nya kaagad sa akin.

"Not now beshie, how's the shop going? Anyway besh i have a favor to ask later okey?" Walanghiya talaga kapaparamdam ko lang favor kaagad ang sinabi ko.

"Always better beshie. Anyway when are you coming then?" Excited syang marinig ang boses ko.

Next month beshie that's why i need to ask you a favor. Can you please send someone to clean the villa for me please?" Medyo nahihiyang pakiusap ko pa sa kanya but i know naman na hindi nya hihindian.

"Naman beshie, i always keep it clean i have my maid with me who cleaned your house every two weeks anyway, kahit hindi mo sabihin. Nagtatampo na talaga ako sayo. You didn't even tell me if you update your checking account. I just keep deposited your shares  quarterly, you know."mahabang litanya na nito.

"I know beshie, sorry hindi ko talaga naupdate pa at feeling ko wala akong karapatan na gastusin yon e." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Goodluck tomorrow beshie, see you soon."

"Yes beshie, i will ready your table here and also i put some of your photos her in the office nga pala ha. I'm happy beshie, see you!" Masayang sagot nito.

Parang kailan lang pero never pa rin nagbago ang pakikitungo nya sakin kahit pa lumayo na ako sa kanya without explaination.

Meanwhile at Alex residence..

"Manang, manang!"  Malakas na sigaw ni Alex habang hinahanap si manang Ada at nakarating na sya sa labas ng bahay kahahanap dito.

"Bakit po sir?" Tarantang sagot ni Aling Ada na noon ay nasa likod ng bakuran at matyagang inaalis ang mga tuyong dahon na nakasabit sa sanga ng mga orchids.

"Manang kanina ko pa ho kayo tinatawag e." Sa hitsura nito ay yamot na yamot na nakatingin kay manang Ada.

"Ay hindi ko po narinig sir, bakit hindi kayo tumawag  e may cellphone naman."pangatwiran pa ni manang Ada.

"Kinuha nyo po ba ang sweatshirt na nakatabi sa cabinet? Wala na ho doon e nandon lang 'yon kahapon."agad nitong tanong.

"Ah 'yon po ba, aba'y suot-suot po ni Janine kanina a akala ko kayo po ang nagbigay noon." Nagtatakang sagot nito.

Si Janine Monteverde ay anak ng kaibigan ng parents nya na pansamantalang nakituloy sa bahay nya habang nagbabakasyon sa Baguio. Kasalukuyang nasa USA ang parents ni Alex at ganoon din ang parents ni Janine.

Nagsalubong ang kilay ni Alex sa tinuran ni manang Ada. Agad nitong inutusan ang matanda na ipahubad sa bisita at labhan kaagad at ibalik sa kanya.

"I want it now manang, do it right now. I want to see it in my room when i come back. To hell with that woman! At  saka make sure nobody can go into my room manang, okey? I'll be back, i have to go." Dere-deretsong mando nito sa nakatulalang matanda

"Yes sir, ngayon na po." At nagmamadaling pumasok sa bahay si manang Ada papuntang guest room at naabutan nyang nakahilata si Janine habang nagbabasa ng magazine.

"Eww, don't you know how to knock the door?" Bulyaw nito sa matanda.

'Aba't kabastos ng batang are e, kakatok paba ako e nakabuyangyang ang pintuan?'

Nakayukong pinagsabihan ni manang si Janine na hubarin ang  sweatshirt.

"Where is he at bakit ikaw ang nagsasabi at hindi sya aber?" Nakapamewang pa nyang singhal sa matanda.
Hindi na nakatiis si manang sa pag aasta nito kaya tinawagan na si Alex sa harapan mismo ni Janine.

"Sir baka naman po pwedeng kayo na ang kumausap kay mam Janine at hindi po kami magkaintindihan e." Agad nitong sabi habang nakatingin sa nandidilat na mata ni Janine sabay abot ng phone dito.

"Okey, okey!" Mataray na sagot nito kay Alex at pahagis na ibinaba ang cellphone sa kama. Mismong sa harapan ni manang ay padabog na hinubad nito ang sweatshirt at inihagis sa harapan nito. "Ayan! Go!" Sigaw nito sa matanda.

Walang imik na kinuha ni manang Ada ang cellphone at dinampot ang sweatshirt saka umalis.

'Napakaburara, ganito ba ang mga tao sa USA? Bastos pa ang pag-uugali saka paano nakapasok sa kwarto ni sir 'to may pagkaatribida din pala!'

"Hi Alexa, can you ready a boquet of flowers for me? I'll pick it up tomorrow morning." Malambing na pagkasabi ni Alex kay Alexa habang nakaakbay dito. Si Alexa ang bunso nyang kapatid na nagmamay-ari ng flower shop. Kung titingnan para silang magsyota kapag hindi mo parehong kilala ang dalawa.

" Gandahan mo ha , that's for my client."dagdag pa nito.

"Awrayt brother, leave it to me." Agad na sagot ni Alexa.

Bago umuwi ay dumaan sa Brix Brewery Mix si Alex. Nakipag-usap lang saglit sa manager at umalis din pagkatapos malamang wala pa ring update about sa akin.

Dahan-dahang umakyat si Alex sa room ng salubungin ni Janine.

"Hey, are you ignoring me?" Nakangising tanong nito kay Alex habang bitbit ang isang glass wine na nangangalahati na ang laman. Agad itong pumulupot kay Alex na parang linta na hindi basta basta mabaklas.

"Are you drunk? Who give you the permission to drink inside my house and acted like that?" pwersahang inalis ang mga kamay na nakapulupot sa bewang nito.

"Enough!" Tiim bagang na sambit ni Alex at matalim ang mga tingin na ipinukol kay Janine.

"Huh! Playing hard to get?" Painsultong sagot nito sa kanya.

Natigilan si Alex, agad na ibinalya ang babae palayo sa kanya at dali-daling pumasok sa kwarto nya."

Love HurtsWhere stories live. Discover now