Love Hurts

8 1 0
                                    

'That jerk!' Padabog na ibinalya ni Janine ang pintuan pagkatapos syang talikuran ni Alex.

Matagal na pinagmasdan ni Alex ang sweatshirt habang hinahagod ito. Inilapag lang ni manang sa kama ito pagkatapos labhan.

"Mahahanap pa kaya kita Jessie? Bakit bigla kana lang naglaho, saan kita hahanapin?" Sambit nito habang hawak parin ang sweatshirt hanggang sa makatulog na lang sya.

Maaga pa syang nagising at naghanda na para dumalo sa 1st year anniversary ng shop. Napakaguwapo nya sa suot na navy blue longsleeve and black fitted pants, kulay kayumanggi at matangos na ilong, mas mukhang Koreano sa pananamit at kung hindi lang sa kulay nito ay mapagkamalan mo talagang Koreano dahil makinis din ang mga balat nito at malinis ang mukha pati ayos ng buhok na umaalon-alon ay napakasuwabe ng dating.

Saglit lang na pinasadahan ang sarili sa salamin at nagmadali na itong umalis. Habang nagmamaneho tinawagan si Alexa.

"Hello pogi, ready na po ang flowers ikaw nalang ang hinihintay."masayang sagot nito kay Alex na nagpangiti sa binata.

"Maloko ka parin ha, never ka talaga nagbago at hindi na magbabago hahaha!" Humalakhak na si Alex.

"I'm on my way Alexa, see you."

Aligaga naman si Julie sa pag-asikaso sa coffee shop. Maraming give aways and buy 1 take 1 each order. Then we decided to expand and add ons special foods for lunch and dinner na e propose pa sa franchisor. And today is the day to discuss at wala na naman ako doon.

Habang busy si Julie sa pag -assist sa mga crew ay mataman namang nakatingin si Alex sa kabuuan ng puwesto mula sa labas hanggang sa loob.

'As always, I expect to see this place to be the best of all franchise, and this is it. Not only the best but it is very unique and most elegant place of all.' Napapangiting turan ni Alex sa sarili.

"Hi miss Julie! Why so busy huh?" Turan ni Alex sa likuran ni Julie habang tinapik-tapik ito sa balikat na sya namang ikinagulat ni Julie.

"Sir Alex! Goodmorning, you surprised me, ang aga nyo po a tara sa office!" Nakangiting bati ni Julie at iginiya sa office si Alex.

Masayang sumunod si Alex at inabot kay Julie ang flower pagkapasok sa office.

"A boquet of flower for your success miss Julie, anyway where's your bestfriend, still not here?"

"Oh, she can't make it today but she will be here next month. She decided to comeback after all that's why I arranged her table already." Masayang paliwanag ni Julie dito.

"Have a seat sir." Offer nya dito habang inilapag ang flower sa mesa na nakalaan sa akin.

Kumunot ang noo ni Alex na syang ikinabahala ni Julie.

"Something wrong sir?"

Paupo na sana si Alex nang biglang humakbang ito patungo sa dereksyon ng mesa ko at nanatiling naka focus ang tingin sa pader kung saan nakasabit ang picture frame ko.

'It's her! Is she really her?' Natuliro ang utak ni Alex sa nakita. Biglang nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang puso.

"Is she your best friend?"
Lumingon si Alex kay Julie na nakasunod sa kanya. At napako ang tingin nito sa isang frame ulit na nakapatong sa mesa. Magkasama kami ni Julie sa picture habang nakangiting hawak-hawak ang cotton candy.

Nagtaka naman si Julie sa reaksyon ni Alex.

"Yes sir, she's my best friend Jessie. Kilala niyo po sya?" Tanong nito sa nakatulalang binata.

"Sir, are you okey?" Tanong nito sa hindi parin nakapagsalitang binata.

"Ah yes, I'm okey." Pilit ang ngiting sagot nito kay Julie.

"Have a seat then, I will discuss  our proposal now sir." Nagtaka man pero nakangiti paring alok ni Julie na umupo na ito dahil excited na rin naman si Julie masabi ang plano naming ma-expand ang shop.

Habang nakaupo ay nagpapaliwanag na si Julie ng mga dapat sabihin about sa plano namin. Nag serve na rin ng food ang crew para sa kanilang dalawa and of course with our special coffee.

'I can't believe this, all this years nandito lang pala siya bakit hindi ko man lang naisip ito noon.'

'Kaya pala iba ang pakiramdam ko noong mabasa ko ang nakasulat sa sash noon, sya nga pala talaga.'

Napatikom ang mga kamao ni Alex. Nanghinayang sa mga panahong lumipas, at hindi makapag concentrate sa sinasabi ni Julie. Hindi alam kung nakikinig o hindi pero basta nalang nitong tinanggap ang documents na inilatag ni Julie at pinermahan na ni hindi man lang binasa.

"I'm okey with this miss Julie, looking forward to see it goes well in this coffee shop." Usal nito

"Anyway is she single?" Alanganging tanong nito.

"Who, Jessie?" Takang tanong din ni Julie.

"Yes, is she? Oh, i'm sorry for being rude."

"Oh, yes sir! She's very much single. Pero hindi ko lang alam if mayroon na ngayon at wala naman naikuwento pa sa akin ang babaeng iyon mula umuwi sa kanila."

Palagay na ang loob ng bruha na ikuwento ang tungkol sa akin. Kahit kailan talaga itong beshie ko mahadera.
Lumiwanag ang mukha ni Alex sa narinig.

"Teka lang sir, kilala mo po ba ang best friend ko?" Maang na tanong ni Julie.

"I guess so, Jessie Flores, right?" nakangiting sagot ni Alex habang nakatingin sa pangalan kong nakaukit sa lapida, 'ay este' desk name plate wood na nakapatong sa mesa.

"Ah yes sir, so kilala niyo po pala siya pero wala siyang nababanggit sa akin a." Nagtataka man pero nakangiting sagot nito kay Alex.

"Siya nga pala saan at paano kayo nagkakilala ni Jessie? May hindi po ba ako alam?"may pakindat na tanong pa ni Julie na syang nagpangiti na rin kay Alex.

"It's a long story, can yo please call me when she come here? I really want to see her please." Pakiusap ni Alex. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon.

"Okey sure! Kayo pa ho malakas kayo sa akin." Pilyang sagot ni Julie sabay haplos sa larawan ko na makapatong sa mesa.

'Hmmmm.. beshie mayroon ba akong hindi alam na nangyayari.' Napaisip ng malalim si Julie dahil sa mga nakikitang reaksyon sa mukha ni Alex.

"Well, I have to go now miss Julie, congrats sa success ng shop. See you soon again , I'll be back once she's here, is it okey with you?"

"Give me a call when she arrive okey?"

"Yes sir, I will promise!" Masayang sagot ni Julie na lumilipad ang isipan sa mga nangyayari. Never akong nagkuwento sa kanya about sa nangyari at malalaman palang niya pagbalik ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon