Love Hurts

9 1 0
                                    

Napaupo si Alex sa kama. Muling naalala ang nangyari sa amin kaninang madaling araw. At napapikit ng mariin ng minsan pang pumasok sa isipan ang malambot kong labi. Mula simula hanggang matapos ay paulit-ulit nyang naerehistro sa kanyang utak.

'She's still a virgin, i can't believe it.' But he's sure i am a virgin. Hinawakan nya ang sweatshirt na nakapatong sa kama at inalis ang comforter saka tumambad sa paningin nya ang mantsa sa bed sheet.  Tinanggal nya ito at dinala sa laundry room at sya mismo ang nagsalang sa machine. Tinawag si manang Ada at ibinilin na plantsahin  ito pagkatapos ay ibigay sa kanya.

Pagkatapos iabot ni manang Ada ang nilabhan dinala ni Alex ang mga ito sa kwarto nya at itinabi sa kabinet.

'Wherever you are, i'm gonna find you, i promise.' Pangako nya sa sarili habang hinihimas ang sweatshirt na nakatupi.

Samantala nagkulong ako sa loob ng bahay. Nakailang miscall na rin si Julie at ngayon ko lang natingnan ang  cellphone ko. Grabe, hindi ko lubos maisip na sa isang magdamag ay basta-basta ko nalang itinapon ang virginity ko. The reason na ni isang boyfriend walang nagtagal dahil sa maramot raw ako sa pagmamahal pero ito ako ngayon ipinagkaloob ko sa lalaking ni hindi ko kilala at kung anong klaseng tao sya.

'Saan ako huhugot ng lakas ng loob para  makalimutan ko ito?' Hayst! Pagod na ang isipan ko sa kaiisip kung paano. Two times ko palang sya nakita oo pero walang dahilan na hindi ko sya magustuhan dahil unang kita ko palang sa kanya ay naattract na agad ako sa kanya. 'jusmiyo'. Kumabog kabog ang puso ko noong una ko syang makabunggo.

Wala akong ibang maisip na gawin buong araw. 2 days akong nagkulong sa kwarto 2 days na ring nag-alala si Julie sa akin.

"Ano bang nangyari sa babaeng iyon? Honey, can we visit Jessie after?" Tanong ni Julie kay Vince na abala sa paper works.

"Yes honey, but it's okey if i can't go with you? I really need to finish this up."sagot ni Vince.

Padabog na tumalikod si Julie, asar na hanggang sa bahay ay may dala-dalang paperworks ang asawa.

Ikatlong araw kong nagmukmok sa loob ng  bahay. Nakalimutan ko na rin ang magsuklay pati paligo. 'What a total mess.' Mapait na turan ko sa aking sarili. Isang halik lang tumiklop na kaagad ang tuhod ko pati bandera ibinaba ko na hindi pa tapos ang seremonya.

Naiimagine ko na naman ang mukha nya. Ang bawat haplos nya sa buo kong katawan pati ang paghalik sa aking kabuuan. Nag-init ang mukha ko sa aking naisip. 'Teka, nasarapan ba ako para magkaroon ng lakas ng loob magsabi na don't stop?' Bigla, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng maalala ko ang gesture ko ng mga sandaling iyon.

Kinapa ko ang mga labi ko at napapikit. Parang naramdaman ko parin ang mga halik nya. 'Juice colored orange!' Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang doorbell. And as expected it's Julie. Hindi sya makapasok at naedouble lock ko ang gate sa loob. Ni hindi na ako tumingin sa salamin at hindi na rin ako nag -isip pa kung papasukin sya o hindi basta lumabas nalang at binuksan ang gate na wala sa sarili.

"Goodness, beshie anong nangyari sayo?" Taranta nitong tanong habang mabilis na bumaba sa kotse.

Malungkot na nakatingin lamang ako sa kanya. All i know sya ang reason kung bakit humantong ako sa ganito. Kung hindi nya ako biglang iniwan doon hindi sana nangyari iyon.

"Hey, what's with that look?" Hinila pa nya ako sa braso papasok sa loob. "Uffs! You stink beshie! Kailan ka huling naligo?"

Pasalampak akong umupo sa sofa at nakayuko. Hindi ko kayang sabihin ang nangyari at ayokong sisihin o pagsabihan ako ng kaibigan ko. "Want coffee? Help yourself beshie,  please." Sabi ko sa kanya matapos alukin ng kape  na sya nyang ipinagtaka.

"Tell me, what's wrong? Is there a problem?" Sunod-sunod nyang tanong at wala akong maisagot na kung ano ang tama.

"Jessie ano ba, nag-aalala na ako bakit kaba nagkakaganyan? Sorry kung iniwan kita ng biglaan noong nakaraan. Ayokong maghintay si Vince sa labas ng bahay, hindi ko alam na babalik kaagad sya at dala ko ang susi. Alam mo naman yon maiksi ang pasensya at pang-unawa kaya sorry na kung iyon ang pinagmamaktol mo." Paliwanag nito sa nag-aalalang boses.

"Huwag mo akong alalahanin beshie  feel ko lang maging ganito ngayon." Pabirong sagot ko sa kanya.

"Pero besh pwede bang ikaw muna ang bahala sa coffee shop?  I plan to go back in my province and promise babalik ako before the opening, mag 2 months pa naman diba?" Bigla ko nalang nasabi na hindi ko naman inisip gawin yon, na sya nyang ikinabigla.

"Besh are you sure you're okey?" Kinapa pa nya ang noo ko baka nilalagnat lang daw ako. Tumango-tango lang ako sa mga tanong nya.

Umalis sa bahay si Julie na wala kaming matinong pag-uusap ni hindi ko masabi ang totoo basta ang alam nya may problema na ayaw ko sabihin kaya medyo nagtatampo rin sya.

'Tama ba ang ginawa ko?' Ayokong may makaalam lalo na si Julie, hindi sya maniniwala kahit pa sabihin ko dahil alam nya ang ugali ko.  Pero kahit ako sa sarili ko hindi ko akalaing magagawa ko yon. Ang masakit wala man lang akong habol.

Parang piniga ang puso ko sa isiping wala na akong maipagmamalaki pa sa magiging asawa ko sakali. Siguro pinagtatawanan na ako ng lalaking yon. 'Napakatanga ko talaga!' Sinampal ko ng bahagya ang mukha ko para matauhan.

Isinubsob ko sa unan ang mukha ko at pilit kong inaalis sa utak ang mukha ng lalaking yon.   'Sleep well.' Ah parang nauulinigan ko pa ang sinabi nya habang nakangiti ng mga oras na yon na para bang kilalang-kilala na nya ako. Ang dating masungit na mukha at matigas magsalita noong una ko syang nakita ay kabaligtaran ng gabing yon.

Ang paghalik nya sa mga labi ko at ang paghalik sa dibdib ko, 'gosh!' Sabay tampal ng dalawa kong kamay sa aking mukha upang takpan ito. Parang may gumuhit na kuryente sa buo kong katawan sa alaalang iyon. 'Rape with consent?'  Bulong ko sa sarili.

Love HurtsWhere stories live. Discover now