Love Hurt

7 1 0
                                    

Palihim akong kinuhaan ng litrato ni Alex na naka focus sa kalmadong mukha ko habang mahimbing na natutulog. Nakangiting lumabas ng kwarto bitbit ang pinaghubaran ko papuntang laundry area, nag text kay manang Ada na labhan at patuyuin kaagad at ipasok sa guest room kung saan ako nakahiga.

'Huh?' Napabalikwas ako sa kama pagkatapos maalala lahat ng nangyari.

'My God anong gagawin ko?' Nagawa ko  at pinayagan kong gawin sa akin iyon ng isang estranghero. Ang matabil kong dila ang nag-udyok sa lalaking 'yon kaya nangyari ito. Abala ang isip ko sa mga nangyari nang may kumatok sa pintuan, eleven na pala pero mukhang gabi pa dahil sa blind curtain ang nakapalibot sa window.

"Maam, gising na po ba kayo?" Tinig ng isang matanda ang nasa pintuan. Dali-dali akong bumangon at nataranta. Pagtayo ko wala akong saplot sa ibaba at tanging sweatshirt na hanggang tuhod ang suot ko.  Bago pa ako nakalapit sa pintuan ay  nag bukas na ito at isang matandang babae nga ang bumungad. Bitbit ang damit ko at inabot sa akin.

"Pasensya na po kayo maam ngayon ko lang nadala ito. Ipinabibigay po ni sir Alex." Nakangiting abot nito sa akin.

"Maraming salamat po nanay." Nahihiyang sagot ko. So, Alex ang pangalan ng lalaking pinagkalooban ko ng sarili ko. Para akong matunaw sa hiya ng mga sandaling 'yon.

"Ah maam kapag nakaayos na po kayo kakain na po hintayin ko po kayo sa labas ng pintuan." Muling wika nito.

"Sige po, nay." At nagmadali na akong magbihis.
'Malinis na? Nasukahan ko ito kagabi a?'  Pakiramdam ko nagkulay makopa ang buong mukha ko sa nangyari. Inikot ko ang paningin sa kwarto at inayos ang bed sheet ng mapansin kong may bahid pula sa hinigaan ko. Kinuha ko ang tissue sa ibabaw ng drawer at binasa saka pilit na pinunas upang maalis ang mantsa ng dugo pero lalong nagkalat lamang ito. Tinabunan ko nalang ng comforter na nasa paanan at ng ibalik ko ang tissue ay may nakaagaw ng aking pansin, isang picture frame sa ibabaw ng drawer. Litrato ni Alex at isang babae na nakaakbay sa likuran nito. Sa hitsura ng mga ito ay napakasaya dahil sa mga ngiti sa  kanilang mga labi. Biglang gumuhit ang kirot sa aking dibdib at namalayan ko nalang na nag-uunahan na ang mga luha sa aking mga mata. Inabot ko ang laylayan ng sweatshirt at ipinahid dito saka mabilis na nagbihis.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at laking gulat ko pa ng biglang magsalita si manang Ada.

"Dito po maam."  Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako pababa deretso sa dining room. Malaki at malawak ang bahay na s'yang nagbigay ng pakiramdam ng panliliit sa sarili.

Iginiya ako ni manang Ada sa upuan. Bigla akong ginutom sa naamoy kong ulam. 'sinigang, bagoong?' Nakita yata ni manang Ada ang ekspresyon ng aking mukha na napapasinghap dahil sa pag-amoy ko.

"Sinigang na hipon po maam at inihaw na tuna."  Nakangiti ulit ito ng magsalita.
"Saka may bagoong na dilis po na may kalamansi, may sili rin po kung gusto nyo ng maanghang." Dagdag pa nito habang binubuksan ang mga lagayan nito. Ang lagayan ng sinigang ay isang 'clay pot' at sobrang bango pagkabukas nagutom talaga ako pero napasulyap ako sa dalawa pang pinggan na nakataob. Napansin yata ni manang Ada kaya muling nagsalita.

"Ah mamaya pa ho konte darating si sir, bilin nya na pakainin na kayo at huwag na sya hintayin."

"Kayo ho nay, sabay na po tayo." Nahihiya kong alok at hindi ko na hinintay na sumagot ang nakangiti paring matanda, ni hindi ko na rin napigil ang sarili kong sumandok kahit na nahihiya. Patay malisya nalang dahil sa totoo lang gutom na gutom ako at may hang over pa yata.

Sarap na sarap ako lalo sa pagsawsaw ng hipon sa bagoong.  Nakalimutan kong hindi ko pala pamamahay ito.

Tuwang-tuwang nakamasid lang si manang Ada. 

"Napakasarap po ng luto nyo nay." Sambit ko pa habang nilalantakan ang hipon. Tumango lang na nakangiti ang tugon nya sa akin. Ni hindi ko.na tinikman ang inihaw na tuna at sa hipon at bagoong palang solve na ako. Natapos kong kumain na walang dumating na Alex daw.

"Maraming salamat po, sorry po sa abala." Paumanhin ko sa matanda habang nagpapaalam na akong umuwi kaagad pagkatapos kumain hindi ko na rin hinintay pa si Alex kahit na sinabi nya na hintayin ko dahil iyon daw ang bilin ni sir nya.

Alex home....

"Manang di ba ho bilin ko hintayin ako, bakit hinayaan nyong umalis?"

"E sir ayaw ho papigil eh buti nga po kumain bago umalis."

'Where were you  Jessie? How can i find you?' 

Patakbong inakyat ni Alex ang guest room at tanging ang sweatshirt nalang ang naiwan kong alaala.
Hinaplos-haplos nya ang kama at binalikan ang nangayari kagabi. Napapikit ng mariin si Alex at napahampas sa kama.

"Shit! This can"t be happening!" Sising-sisi sa sarili kung  na late sya ng uwi. Kung hindi lang importante ang deal nya sa maggagawa ng "The lovely cups coffee"  hindi  sana sya lumabas  kanina.

'Hah bakit ba ako nagkakaganito, she's just a woman!'

Pero mabilis na umalis ulit sa bahay si Alex deretso sa Brix Brewery Mix kung saan nya ako nakita. Pinagtanong sa waiter kung nagawi  ba ako at umiling lang waiter pahiwatig na hindi ako bumalik.

Nang namataan nya ang waiter na nakausap nya kagabi. Kinawayan nya ito at mabilis na lumapit. Bago paman  sya makapagsalita ay naunahan na sya nito.

"Ay sir hindi nyo po naabutan si mam Jessie, kanina pa ho sya umalis. Binalikan  lang po ang kanyang kotse at nagmamadali  na pong umalis."

Inabot nya ang business card sa waiter  at ibinilin na tawagan sya in case bumalik ako.

'Where can i find you?' Naluluhang napatingin sa kalawakan si Alex. Hindi nya alam kung bakit. First time nyang makaramdam ng ganito sa buong buhay nya. 'Bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng iyon?'  Tanong sa sarili habang nagmamaneho pauwi. Mabigat ang mga paang umakyat sa guestroom umaasang nandon parin ako nakahiga at naghihintay sa kanya.

Love HurtsWhere stories live. Discover now