CHAPTER ONE

4.7K 49 0
                                    

Author's Note:

If you're familiar with my story 'Music In My Winter's Heart' and already read it. I'm sure you're waiting for the sequel, the story of the other members of Seven Degrees. Well, here it is, Marcus Yoon's story. This was published around 2015 or 2016... I'm not sure, nakalimutan ko na... 😂

Gaya ng story ni Jay at Angelie, inspired din ang nobelang ito sa Kpop boy group na GOT7. So, if you're a fan, I dedicate this novel to you. But I hope even if you're not a kpop fangirl. Magustuhan mo pa rin ito. So, happy reading. 😘


*******************************************


          HUMINGA NG malalim si Marcus saka kinondisyon ang sarili. Pagkatapos ay bumwelo siya saka nag-backflip ng dalawang magkasunod. Paglanding ng mga paa niya sa malambot at leather na matress ay saka siya lumingon sa mga kagrupo. Nagpalakpakan ang mga ito saka patakbong lumapit sa kanya.

"Daebak!" komento ni Yohann na ang ibig sabihin ay "Awesome".

"That was great, Marcus," puri naman sa kanya ng choreographer nila.

"Thanks," nakangiting sagot niya.

"Pahinga ka na muna, Hyung!" ani JR sabay abot sa kanya ng isang bote ng mineral water. Tinanggap niya iyon saka tumungga bago naupo sa tabi ni Jay.

"You okay?" tanong ni Jay na siyang leader ng grupo nila.

"Yeah, I'm okay," sagot niya sabay ngiti dito.

Pagkatapos niya ay si Jacob naman ang nag-practice ng acrobatic moves. Halos lahat sila ay marunong ng mahihirap na moves na iyon, pero sila ni Jacob ang bihasa at naka-assign sa acrobatics stunts. Minsan ay nagba-backflips din si Jay. Pagkatapos ni Jacob ay nakiupo din ito sa kanila.

"I have great news for you, guys. Wala na kayong schedule pagkatapos nitong practice n'yo. Kaya makakapagpahinga kayo ng maaga," anang team leader nila na si Miss Jenna Kim.

"Yes!" mabilis na komento ni Brian.

"Hep! Reminder, ang sabi ko. Magpapahinga. Baka mamaya lumabas kayo ng dorm na walang paalam at wala ang Manager n'yo. Lalo na ikaw Jay," pahabol na sabi nito sabay tingin sa katabi niya.

Nagtawanan sila. Simula kasi ng nagkabalikan si Jay at ang girlfriend nito na si Angelie ay palagi nang nilalaan ng kaibigan niya ang mga libreng oras nito sa girlfriend. Pagtingin niya kay Jay ay napakamot ito ng batok saka ngumiti sa Team Leader nila.

"I'll stay at home, promise!" sagot ni Jay.

"Anong oras ba tayo matatapos dito? Gusto kong matulog, ang sakit ng katawan ko," reklamo niya.

"Actually, they can go now. They have enough practice for today," anang choreographer nila.

"Okay, let's go!" masayang wika ni Yuan.

Matapos kausapin ng team leader nila ay naghanda na sila pauwi. Nagpalit muna siya ng pang-itaas. Bago lumabas ng PhilKor Entertainment building ay sinuot muna niya ang jacket. Katatapos lang ng Winter Season at nagsisimula pa lang ang Spring. His most favorite season of the year. It is also the most memorable season of his life. Humugot siya ng malalim na hininga saka napatingala sa langit. Bahagya siyang napangiti ng sumulpot ang imahe ng isang taong hindi niya kailanman makakalimutan.

"Gusto mong i-share sa akin ang iniisip mo?" pukaw ni JR sa kanya.

Napalingon siya dito. "Wala," usal niya saka deretsong naglakad.

A Walk Down The Spring LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon