CHAPTER EIGHT

915 30 2
                                    

NAKAILANG ikot na si EM sa kama niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi kasi maalis sa isip niya ang nasaksihan tagpo sa pagitan ni Wendy at Marcus. And everytime that scene replays in her head, it kills her and crushing her heart into thousand of pieces.

Kahapon pagdating ni Wendy ay agad siyang umalis. Hindi na niya hinintay pang ipakilala siya ni Marcus dito. Hindi rin niya sigurado kung natatandaan pa rin siya nito. Pero mabigat sa loob niya na ngumiti dito. Nang makauwi si Marcus sa dorm ay agad siyang pinuntahan nito and humingi ito ng paumanhin sa kanya. Dahil iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon ay pinalagpas na muna niya ito.

Nang hindi pa rin makatulog ay bumangon na siya at nagdesisyon lumabas. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin. Palabas na siya ng bahay ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon ng makitang si Marcus ang tumatawag.

"Hi, did I wake you up?" bungad nito sa kanya.

"No. Actually, I can't sleep. Lalabas nga sana ako eh. Maglalakad-lakad diyan sa katabing park," sagot niya.

"Perfect. Nandito ako sa lobby, may pupuntahan tayo," sabi pa niya.

"Okay," usal niya. Nagtataka man ay hindi na siya nag-usisa pa.

Pagdating niya sa lobby ay naabutan niyang naghihintay sa may reception area si Marcus. Nakasuot ito ng simpleng jeans, itim na t-shirt, jacket at naka-rubber shoes.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong pa niya.

Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila palabas ng building. Sumakay sila sa kotse nito at habang nagmamaneho ay doon nito sinagot ang tanong niya.

"Makikipagkita tayo kay Wendy ngayon," sagot nito.

"Ha?! Pagkatapos?"

"We'll tell her now," kalmadong wika nito.

"Agad? Marcus, hindi kaya siya mabigla?" nag-aalalang tanong niya.

"Walang ibang perfect time na sabihin sa kanya kung hindi ngayon. Ayoko ng patagalin 'to. Alam kong nasaktan ka sa ginawa niya kahapon. Kahit sinasabi mo sa akin na okay lang, nakikita ko sa mata mo na nasasaktan ka. Ayoko ng mauliti 'yon. I don't want to upset you about her. Kaya mas mabuting sabihin na natin sa kanya ngayon," paliwanag ni Marcus.

Hindi nakakibo si EM. Hindi niya makuhang itanggi ang sinabi nito dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi lang niya sinabi ang totoo kay Marcus dahil ayaw niyang maipit ito sa kanilang dalawa.

"I'm sorry, I can't help it," wika niya.

Kinuha ni Marcus ang kamay niya saka hinalikan ang likod ng palad niya. "Itong tatandaan mo, ikaw ang mahal ko. All I need you to do is to trust me," ani Marcus.

Ngumiti siya dito saka marahan tumango. Makalipas ang ilang minuto ay pinarada ni Marcus ang kotse sa isang park. Kahit hanggang sa paglalakad nilang dalawa ay hawak pa rin nito ang kamay niya. Umahon ang kaba sa dibdib niya ng matanaw ang naghihintay na si Wendy na nakaupo sa isang bench sa di kalayuan. Nakita ni EM kung paano gumuhit ang magandang ngiti ng dalaga ng makita si Marcus.

Agad itong tumayo. "Marcus!"

Akma itong tatakbo palapit kay Marcus ngunit natigilan ito kasabay ng pagbaba ng tingin nito sa magkahawak nilang kamay, dahilan upang biglang mapalis ang mga ngiti nito.

"What's the meaning of this?" tila kabadong tanong ni Wendy sa wikang Koreano.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Marcus.

A Walk Down The Spring LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon