CHAPTER THREE

1K 35 0
                                    

NANG DUMATING SI EM sa buhay ni Marcus. He was mending a broken heart. His ex-girlfriend Wendy broke up with him because of another man. Nasaktan siya ng husto sa ginawa nito at hindi niya iyon matanggap. Kaya naghanap siya ng paraan para bumalik ito sa kanya. Kasabay niyon ay naging malapit silang magkaibigan ni EM.

Sa tuwing magkasama nila. Nakakalimutan niya ang masakit na kinahinatnan ng relasyon niya kay Wendy. EM brought back the smile in his face. Unti-unti ay nakalimutan niya ang lungkot. Sa bawat libreng oras na mayroon siya, ang dalaga ang palagi niyang kasama. Hanggang sa mag-suggest ang isa niyang kaibigan.

"Alam mo, halata naman na gusto ka pa rin ni Wendy. Saka, papayag ka ba na maagaw siya ng iba ng ganoon lang? Hindi ka ba gagawa ng paraan para bumalik siya sa'yo?" anang kaklase niyang lalaki sa wikang Koreano.

"Wala akong maisip na paraan para bumalik siya," sagot ni Marcus.

"Pagselosin mo siya," anito.

"Pagselosin? Sino naman ang ipapakilala kong girlfriend?" tanong niya.

"Sino? Eh di si... ayon! Siya! Di ba kaibigan mo naman siya?" sagot nito sabay turo sa paparating ng si EM.

"What? No way!" mabilis niyang tanggi.

"Min-jae, hindi mo naman patatagalin eh. Magiging extra sweet ka lang sa kanya kapag alam mong nasa paligid lang si Wendy. Think about it! Kapag sinuyo mo siya, lalo lang 'yan magpapahabol sa'yo. Kaya i-reverse psychology mo, kunwari naka-move on ka na at may iba ka ng gusto. Tingnan mo, kusang lalapit 'yan sa'yo," sabi pa ng kaibigan niya. Napaisip ng mabuti si Marcus. May katwiran ito.

"Siguradong magagalit si EM," aniya.

"Siyempre, huwag mong sasabihin sa kanya," sabi pa ng kaibigan niya.

Hanggang sa makumbinsi siya na gamitin si EM para pagselosin si Wendy.

Sa bawat pagkakataon na pinagseselos niya si Wendy sa pamamagitan ni EM at sa bawat sandali na nakakasama niya ito, unti unti niyang nakikilala ang dalaga. Marcus started to see how great she was as a person, how beautiful she is inside and out. Hanggang sa dumating ang araw na ang simpleng pagpapanggap niya ay nauwi sa katotohanan. Hindi niya inasahan na paggising niya isang araw ay si EM na ang minamahal at tuluyan ng nakalimutan ang nararamdaman para kay Wendy. Nang hindi na niya nakayanan pa ay nagtapat siya kay EM.

Humugot ng malalim na hininga si Marcus sa pagbalik ng isip niya sa kasalukuyan.

"Nalaman niya ang ginawa ko. Kay Wendy ko mismo nalaman na siya ang nagsabi kay EM ng lahat. Humingi ako ng tawad kay EM pero hindi siya naniniwala na nagsisi ako sa ginawa ko. Umalis siya ng hindi ako pinapatawad. Noong huli kaming magkita, galit na galit siya sa akin, ni hindi siya naniniwala na minahal ko siya," kuwento niya sa mga ka-grupo.

Hindi agad nakaimik ang mga ito.

"Wow, it's the first time I heard that. Parang hindi mo yata naikuwento sa amin 'yan," sabi pa ni Jay.

"Hindi ko talaga kinuwento sa inyo. Because I'm ashamed of what I did. I'm not as good as you thought I was. Alam kong medyo matagal na panahon na iyon, pero dala ko pa rin hanggang ngayon ang kasalanan nagawa ko," paliwanag niya.

"Iyon ay dahil wala kayong maayos na closure. Umalis siya na malaki ang galit sa'yo at naiwan ka ng mabigat ang dibdib dahil hindi ka niya napatawad," sabi pa ni Jacob.

"And now is the time to make it up to her. Ngayon na 'yong chance mo para humingi ng tawad sa kanya," sabi pa ni Yuan.

"Ginawa ko na 'yan kanina pero galit pa rin siya at ayaw na niyang makipagkaibigan sa akin," sagot niya.

A Walk Down The Spring LaneWhere stories live. Discover now