CHAPTER FIVE

964 28 0
                                    

NAKAHINGA ng maluwag si EM matapos pumayag ang Team Leader ng Seven Degrees na si Jenna Kim. Ayon dito ay nakausap na daw nito ang CEO ng PhilKor Entertainment at pumayag naman ang may-ari ng ahensiya na ma-interview niya ang grupo.

"Oh wait, about the schedule of your interview," ani Miss Jenna.

"Anytime, anywhere po Miss Kim. Since ako naman po ang humingi ng malaking pabor. Wala naman problema sa schedule ko," wika niya.

"That's good! Sasabihin ko na nga sana sa'yo na kung puwede na ikaw ang mag-adjust ng schedule mo para sa kanila. Hindi ko na kasi alam kung saan ko isisingit 'yong interview mo. Maybe, you can do your interview in Cheongsong," sabi pa nito.

"Cheongsong?"

"Yeah, it's a province in South Korea. Ilang oras ang layo niyon dito sa Seoul, may photoshoot kasi sila doon. It's a very beautiful place. Siguradong mapi-feature mo rin iyon sa magazine mo. May isang araw silang day off doon, pakiusapan mo sila na hihiram ka kahit sandali lang ng oras na nila," paliwanag ni Miss Jenna.

"Sige po," pagpayag niya.

"Pasensiya ka na ha? Iyon lang talaga ang available time nila na maibibigay ko sa'yo," dagdag pa nito.

"Naku, wala po iyon. Malaking bagay na po iyon," wika niya. "By the way, gaano po pala kayo katagal doon?"

"Mga apat na araw,"

Four days. Four days with Marcus. Kayanin kaya niya. Kailangan, alang-alang sa trabaho niya.

Nang makalabas siya sa pribadong opisina ni Miss Jenna ay agad niyang hinanap ang Seven Degrees para kausapin ang mga ito tungkol sa gagawin niyang interview. Eksakto naman na nakita niya si Bryan ang Manager ng grupo.

"Sir, saan ko po ba puwedeng puntahan ang Seven Degrees?" tanong niya.

"Nasa Practice Room sila sa basement," sagot nito.

"Ah sige. Hindi ba sila busy? Baka mamaya may ginagawa sila at makaabala ko," sabi pa niya.

"Nagpa-practice sila pero wala pa naman choreographer nila, kaya okay lang 'yon. Puntahan mo na hangga't hindi sila busy," sagot ni Bryan.

"Okay. Salamat po," aniya.

Habang pababa ng hagdan si EM ay palakas ng palakas ang kaba niya. Simula ng muli silang magkita ni Marcus, iyon ang unang pagkakataon na siya ang lalapit dito. Sa tuwina ay wala siyang ginawa kung hindi ang umiwas dito, ngunit ngayon ay kailangan niyang kalimutan ang personal niyang galit sa binata at maging propesyonal para sa trabaho.

Nasa pinto na siya ng Practice Room nang mula doon sa labas ay naririnig na niya ang boses ng mga ito. Maging ang malutong ng tawa ni Marcus ay hindi nakaligtas sa pandinig niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang abala sa pagpa-practice na Seven Degrees, napako ang mga mata niya kay Marcus. Nakita na niya noon pa man na nagsayaw ito. Wala sa loob na napangiti siya, hanggang ngayon kasi ay wala pa rin itong kupas. Magaling pa rin ito. Kung may nagbago man ay mas gumaling ito sa pagsasayaw. Nagtagpuan na lang ni EM ang sarili na pinapanood ito habang nagsasayaw. Hindi kayang itanggi sa sarili ang kilig na naramdaman ng marinig ang baritonong tinig nito nang mag-rap ito.

Nawala sa pagsasayaw ni Marcus ang atensiyon niya ng bigla nitong ginawa ang exhibition part ng kanta at mag-tumbling. Pero nang mag-tumbling ulit ito sa pangalawang beses ay nadulas ang isang paa nito kaya nawalan ito ng balanse.

A Walk Down The Spring LaneWhere stories live. Discover now