CHAPTER TEN

2K 73 4
                                    

NARINIG NI Marcus na nag-uusap si Jay at si Yuan. O mas tamang sabihin na nag-aasaran sa harap ng camera. They're filming the behind the scenes of their live performance. Para iyon sa reality show ng Seven Degrees na ina-upload online para sa mga fans nila. Pero sa mga sandaling iyon, wala siya sa mood para humarap sa camera o makipag-biruan. Kaya minabuti na lang niyang magkunwaring tulog.

Bahagya siyang dumilat ng maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Pagtingin niya ay si Yuan iyon.

"Hyung, are you relly sleeping?"

"Doon ka na," mahina ang boses na pagtataboy niya dito.

Tumawa lang si Yuan.

"Wala sa mood 'yan" sagot pa ni Jay.

It's been nearly one week since the news broke out about his so-called engagement with Wendy. Naglabas na ng opisyal na pahayag ang PhilKor Entertainment na hindi totoo ang balita. Ngunit maraming tanong ang sumulpot sa kung sino talaga si Wendy sa buhay niya at bakit nito nagawang maglabas ng ganoong pahayag.

Matapos ang malaking pagtatalo nila ni EM na nauwi sa hiwalayan ay agad niyang pinuntahan si Wendy. Galit na galit na kinompronta niya ito. Umamin si Wendy na plinano nito ang lahat para masira silang dalawa ni EM. Ayon pa sa dalaga ay ginamit nito ang koneksiyon nito sa kaibigan nito na taga-media para mailabas ang pekeng balita tungkol sa kanilang dalawa. Dahil sa galit niya ay pinagbantaan niya ito na magde-demanda siya dahil sa ginawa nitong pekeng issue kapag hindi ito tumigil sa kalokohan nito. Ngunit simula noon ay hindi na sila nagkausap pa ni EM.

May mga pagkakataon na tumatawag ito pero sadya niyang hindi sinasagot ang tawag nito. Masyado siyang nasaktan na hindi siya nito pinagkatiwalaan. It hurts him so much to know that she doesn't really forgave him. Ginawa na niya ang lahat pero mas matimbang sa puso ni EM ang galit nito sa kanya. Ngunit sa bawat araw na hindi niya ito nakikita ay labis siyang nangungulila dito. Aaminin niya, gusto niyang makita si EM at walang nagbago kahit na konti sa nararamdaman niya para sa dalaga. Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito.

"Marcus, mag-usap tayo sandali," ani Miss Jenna.

Agad siyang tumayo at sumunod dito. Kasama ang mga ka-grupo niya at ang CEO ng PhilKor na si Park Ji-yoon.

"May problema po ba?" tanong pa niya.

"Wala naman. Pero kailangan natin pag-usapan ang tungkol sa hindi matapos na issue na ginawa ni Wendy," sagot ni Miss Jenna.

"Hanggang ngayon kasi ay marami ang nagtatanong tungkol sa kung ano ba talaga ang relasyon n'yo ni Wendy. Bakit nito nagawang maglabas ng ganoon balita? We decided to do a press conference. Para matapos na rin ito," wika ni Mister Park.

Napabuntong-hininga siya. Simula ng lumabas ang balitang iyon ay hindi na siya natahimik. Sinundan pa ng paghihiwalay nila ni EM kaya lalong nagulo ang isip niya.

"Sige, kung iyon ang makakapagpa-tahimik sa akin. Then, I'll do it. Sasabihin ko ang lahat para matapos na 'to," pormal ang mukha na pagpayag niya.

"Don't worry, we're here to support you," sabi pa ni JR.

"So, kailan gaganapin ang presscon?" tanong niya.

"We can do it tonight," sagot ni Mister Park.

"Okay," seryosong wika niya.

Makalipas lang ang ilang minuto ay sumalang na sila sa stage para sa live performance nila. Iyon ang huling live performance nila para sa huling bahagi ng promotion nila ng latest album ng grupo nila. Pagkatapos niyon ay babalik na sila ng Pilipinas para paghandaan naman ang concert at comeback album nila doon. Malaking pasasalamat ni Marcus ng matiwasay niyang nagawa ang performance niya lalo na ang acrobatics move niya ng maayos sa kabila ng pinagdaraanan. Matapos makapagpahinga sandali sa waiting room ay agad silang umalis kasama ang staff nila sa broadcasting studio. Mula doon ay kailangan nilang dumiretso sa PhilKor office para naman maghanda sa presscon na gaganapin ng eksaktong alas-nuwebe ng gabi sa isang hotel malapit sa PhilKor.

A Walk Down The Spring LaneWhere stories live. Discover now