CHAPTER NINE

1K 34 1
                                    

MAG-AALAS nuwebe na ng gabi pero wala pa rin si Marcus. Maya't maya ay panay ang silip ni EM sa suot niyang wristwatch. Alas-otso ng gabi ang usapan nilang dalawa para mag-dinner ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi rin nito sinasagot ang tawag niya.

"Ano na kayang nangyari doon?" tanong pa niya.

Kaya naisipan niyang tawagan si Jay.

"Jay, kasama n'yo ba si Marcus?" tanong niya pagsagot nito.

"Hindi. Umalis na siya kanina pa, sabi niya may dinner daw kayo," sagot nito.

"Ganoon ba? Wala pa kasi siya dito sa usapan namin," wika niya.

"Hintayin mo lang, darating din 'yon. Baka may dinaanan lang," anito.

"Sige, thanks Jay," aniya.

Pagkatapos nilang mag-usap ay naghintay pa siya ng ilang minuto. Nang hindi pa rin niya nakita kahit ang anino nito ay nagdesisyon na siyang umalis ng restaurant.

Malungkot siyang naglakad. Iyon ang unang pagkakataon na hindi sumipot si Marcus sa date nilang dalawa. Puno ng pag-aalala ang dibdib niya. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng takot. Wala siyang ideya kung nasaan na ito ngayon. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi pa rin nito sinasagot ang phone. Sa paglalakad niya ay napadpad siya sa isang park sa hindi kalayuan mula sa restaurant kung saan sila kakain sana.

Unti-unti ng nauubos ang bulaklak ng cherry blossoms. Ngunit nananatiling maganda pa rin ang paligid. Binaling ni EM ang tingin sa mga halaman na namumulaklak na hilerang nakatanim sa gilid ng daan. Maingat niyang hinawakan ang mga bulaklak niyon. Kung saan gaya ng mga bulaklak na iyon, sana manatiling maganda ang lahat sa relasyon nila ni Marcus. Dahil aaminin niya, hangga't nasa paligid si Wendy. Hindi mapapanatag ang loob niya.

Muntikan na siyang mapatili ng biglang may sumulpot na isang pumpon ng bulaklak sa harap niya kasabay ng pagyakap ng kung sino mula sa kanyang likuran. Paglingon niya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag ng makita ang nakangiting mukha ni Marcus.

"Hi hon," bati nito sa kanya sabay kindat.

Iningusan niya ito saka naglakad palayo. Ni hindi niya kinuha ang bulaklak na inabot nito.

"EM, wait!" habol nito sa kanya.

"Isang oras mo akong pinaghintay. Hindi mo sinasagot mga tawag ko! Anong akala mo makukuha mo ako sa pangiti-ngiti at pakindat-kindat mo?" nagtatampong sabi niya dito.

"Sorry na! May dinaanan lang ako eh!" anito.

Huminto siya sa paglakakad saka hinarap ito. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at napaiyak na siya.

"Kapag hindi kita nakakausap. Kapag hindi kita nakikita. Palagi na lang akong natatakot na baka mamaya kasama mo si Wendy at bumalik ka na sa kanya," umiiyak na wika niya.

Marcus held her face and dried her cheeks. "Hey, listen to me. Didn't I tell you how much I love you?"

Marahan siyang tumango.

"Wala kang dapat ikatakot. Hangga't paulit ulit kong sinasabi na ikaw ang mahal ko. Wala kang ibang gagawin. Just stay still and feel my love," sabi pa nito.

Niyakap niya ito saka umiyak sa mga bisig nito.

"Saan ka ba kasi galing?" tanong niya habang umiiyak.

"Wendy called me and she said she wanted to talk to me," pag-amin ni Marcus.

Kumalas siya sa pagkakayakap saka tumingin ng masama dito.

A Walk Down The Spring LaneWhere stories live. Discover now