CHAPTER SEVEN

980 28 4
                                    

          "WHAT WOULD you like to say to all your Filipino fans? I'm sure they miss you guys so much. You've been here in Korea for quite sometime, do you have any future projects in the Philippines?" huling tanong ni EM.

"Seven Degrees will have a comeback album in the Philippines, so please watch out for that," sagot ni JR.

"We will also have our two-night comeback concert in the Philippines. We'll keep you posted with the details," dagdag naman ni Jacob.

"We specially prepared a lot for our Philippine comeback. We've been here in Korea for two years and I know our Filipino Ahgasae miss us so much," sabi naman ni Yohann.

"And we miss them so much too," dugtong naman ni Brian.

"Yuan, Marcus, any message to your fans?" tanong niya.

"See you soon guys," sagot ni Yuan.

"Please wait for us, we love you Ahgasae," wika naman ni Marcus.

Napangiti si EM saka pinindot ang off button ng recorder sa phone niya.

"And we're done. Thank you so much for this time, guys. I really appreciate it," masayang wika niya sa lahat ng miyembro.

Gumanti ng ngiti sa kanya ang mga ito. "Wala 'yon, ikaw pa!" sagot ni JR.

"Oh basta, 'yong usapan natin ah? 'Yong date n'yo ni Marcus," paalala ni Jay.

"I claimed the date yesterday," sabad ni Marcus.

Biglang natigilan ang mga ito saka sabay-sabay na lumingon sa kanila.

"What?" gulat na tanong ni JR.

"Kailan? Bakit hindi namin alam?" magkasunod na tanong ni Jay.

"Yesterday morning," sagot ni Marcus.

Yesterday morning. Ang araw na sinabi niya at inakalang madaling burahin sa alaala. Paano nga ba niya gagawin iyon kung paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang tagpong hinalikan siya ng binata. Bigla siyang napakurap ng magsalita si Jacob.

"Is that true?" tanong nito sa kanya.

"H-ha? Ah, oo! He insisted," sagot niya.

Bumuntong-hininga si Yohann. "Ang daya naman! Bakit hindi mo sinabi agad sa amin, hyung?"

"Alam ko kasing mangungulit lang kayo," natatawang sagot ni Marcus.

"Sige na! Tama na 'yan! We're free today! Let's go! Let's go!" excited na yaya ni Brian sa mga kagrupo. Nakahinga ng maluwag si EM ng hindi na nangulit pa ang mga ito.

Iyon ang pinakahihintay na sandali ng buong grupo. Ang day off ng mga ito. Narinig niya ang usapan ng mga ito kagabi na mamamasyal, ang iba sa mga ito ay matutulog ng maaga para makabawi sa halos araw araw na puyat dahil sa trabaho.

Dinampot niya ang cellphone saka agad na iniwan ang mga ito na abala sa pagpaplano kung saan unang mamamasyal at ano ang unang gagawin. Pagdating niya sa second floor ay agad siyang pumasok sa loob ng inookupahan niyang silid, isasarado na lang niya iyon ng may kamay na humarang. Pagbukas ni EM ay nakita niyang si Marcus iyon.

Agad na bumalik ang kaba na kani-kanina lang nawala ng matapos ang interview niya sa mga ito. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito.

"Aren't you coming with us?" tanong nito.

A Walk Down The Spring LaneKde žijí příběhy. Začni objevovat