CHAPTER SIX

1K 44 1
                                    

HINDI MAITAGO ni EM ang paghanga ng makarating sila sa Cheongsong. Napakaganda ng lugar at kahit na sino ay hahanga dito. Napapalibutan ang paligid ng bundok, at kung tama ang obserbasyon niya ay karamihan sa mga nakatanim doon ay pawang mga pine trees.

Pagbaba nila sa bus ay agad silang sinalubong ng isang lalaki at babae na may edad na. Ayon kay Miss Jenna ay mag-asawa ito at katiwala ng malaking bahay na nirentahan ng PhilKor para tuluyan ng buong grupo kasama na ang mga staff.

"Okay everyone, kunin na ninyo 'yong mga gamit n'yo tapos magpahinga. Mga alas-onse y medya kakain ng lunch. Then, we'll procede with the schedule," paliwanag ni Miss Jenna sa wikang Koreano.

Agad na tumalima ang mga staff, pagkatapos ay sila naman ang hinarap ni Miss Jenna. "Kayo naman, let's go inside and check our rooms," sabi pa nito.

Akma niyang kukunin ang malaking bag niya ng bigla iyong agawin ni Marcus. "Ako na," anito sabay buhat ng gamit niya. Hindi na nito hinintay pang sumagot siya sa halip ay dumiretso na ito ng pasok sa loob. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod.

Pagdating sa second floor ng bahay ay pinakita sa kanila ni Miss Jenna ang ookupahin nilang silid. Katapat ng kuwarto niya ay ang kuwarto nila Marcus, Jay, Yohann at JR. Sa kabila naman ay kuwarto nila Brian, Yuan at Jacob kasama ang Manager ng grupo. Siya naman ay binigyan ng sariling kuwarto ni Miss Jenna. Napangiti siya pagpasok niya sa loob. Hindi ganoon kalakihan iyon pero komportable sa loob. Ang pinakagusto niyang parte ng silid ay ang bintana at ang maliit na sofa sa tabi niyon. Sa labas ng bintana ay isang cherry blossoms tree. Agad niyang nilapag ang bag niya sa ibabaw ng kama at naupo sa tabi ng bintana. Binuksan niya iyon saka hinayaan na pumasok sa loob ng silid ang hangin.

Nilahad niya ang isang palad at hinayaan na bumagsak doon ang maliliit na petals ng cherry blossoms.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa view."

Biglang napalingon si EM. Nakita niyang nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto si Marcus, nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon ang dalawang kamay nito habang nakatingin ito sa kanya. Her heart raised when he smiled at her. Awtomatikong gumanti siya ng ngiti dito.

"Alam mo ba na kumakatok muna bago buksan ang isang pinto ng kuwarto? Lalo na at kuwarto iyon ng babae?" pabirong tanong niya.

Napangiti ito saka biglang umatras at sinarado ang pinto, pagkatapos at kumatok ito ng tatlong beses bago buksan ulit ang pinto.

"Okay na ba? Can I come in?" nakangiting tanong nito.

Marahan siyang natawa. "Better. Come in," sagot niya.

"Actually, kumatok naman ako kanina. Kaya lang hindi mo binubuksan ang pinto kaya ako na nagbukas. Kaya pala, abala ka sa pagtingin sa cherry blossoms," sabi nito.

Binalik niya ang tingin sa puno. "You know how much I love them," aniya.

"I know. Hindi ko nakalimutan 'yon. Sa nakalipas na anim na taon. Sa tuwing dumarating ang Spring Season at nakakakita ako ng cherry blossoms, palaging ikaw ang naaalala ko," sabi pa niya.

Napatingin siya dito. Tumalon ang puso ni EM ng gumuhit ang magaan ngunit magandang ngiti ni Marcus. Pagkatapos ay kapwa na silang nanatiling tahimik at naging abala sa pagmasid sa magandang puno na iyon. Napalingon siya kay Marcus ng hawakan nito ang dalawang kamay niya at ikulong iyon sa dalawang palad nito. Agad na nag-react ang puso niya ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito na dumampi sa balat niya.

"Your hands are freezing," sabi pa ni Marcus.

Naghanap siya ng isasagot ngunit nanatiling blangko ang utak niya. Ni hindi niya alam kung paano pababalikin sa normal ang mabilis na tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon.

A Walk Down The Spring LaneWhere stories live. Discover now