Kabanata 18

2.9K 50 1
                                    

Matagal ko ng nakikita na padalos-dalos mag desisyon si Hypnos but what I'm seeing right now is so new to me. He's ordering everyone in this castle like mansion of what they should do. Every word is precise, kahit ang awtoridad niya ang parang hindi mo kayang labagin. Mapapasunod ka na lang unconsciously. Ito ang perfectionist niyang side. The one that I never saw from the past.

"Do your job. Dismissed."

Mabilis pa sa kislap ng mata na umalis sila at pumunta na sa nga stations na para sakanilang trabaho dito. Lumingon naman sa pwesto ko si Hypnos na may seryosong ekspresyon pero noong makita niya ako ay nawala iyon at napalitan ng pagkalambot.

Umalis naman ako sa pagkakaupo sa hagdanan at naglakad papunta sakanya. Tumigil ako sa harapan niya at tiningala ko siya. Somehow, there is still fear in his eyes kapag tinitingnan ko siya. Ilang weeks na rin ang dumaan pagkatapos naming mag-usap noon. So far, we're making our relationship work, as Verónica's parents.

"Hey, how's your sleep?" Tanong niya habang hindi tinatanggal ang tingin sakin.

"Okay lang," Ani ko bago inangat ang mga kamay at inayos ang tie niya na hindi pa nabubuhol.

Hinayaan niya lang akong gawin iyon at nakamasid lang sa bawat galaw ko. Pinagpag ko pa ang mga gusto sa suot niyang suit bago umatras ng isang hakbang at tiningnan ang kabuhuan niya.

"Iyan, you look perfect na." I said na ikinatawa niya.

"Come here." He said na natatawa pa rin.

Lumapit naman ako sakanya at hinayaan siyang yakapin ako. Ito na ang gawi naman araw-araw but we're not into a relationship. He said that he's willing to wait for me and I really appreciate that. We can't rush things lalo na sa mga nangyari samin noon dahil sa pagmamadali. That's why we're taking our time.

Ipinikit ko ang nga mata ko at idinikit ang mukha sa dibdib niya. I inhaled his scent na gustong-gusto ko. His arms are wrapped around me while I'm hugging his waist.

"Let's have a dinner later," Aniya habang hinahalikan ang buhok ko.

"Sige, sasabihan ko lang ang anak natin-"

"No. Just the two of us. Iwanan muna natin si Veron kay Kuya at sa kapatid mo."

After those confrontations, kaagad nilang nahalata lahat na okay na kaming dalawa dahil sa maaliwalas naming awra. I remembered how my sister gave me a smile noong magkasabay kaming bumaba para pumunta sakanila.

Nagpaalam na siya at mukhang may pupuntahang importante. The whole day I just played with my daughter and took a stroll with her around dahil kahit ilang linggo na kami dito, hindi ko pa rin nalilibot ang buong lugar dahil sa sobrang laki. Leanne and Kuya Geralt haven't returned yet but they're texting me which is fine since I know that they're both safe.

Sumapit ang alas sais ng gabi noong umuwi si Hypnos na iba na ang suot na damit. Hindi naman ako nagtanong kung bakit iba na ang suot niya but it did bother me for a while.

"Nabasa ang suot kong suit kanina kaya nagpalit ako." He suddenly explained that surprised me pero hindi ko pinahalata.

Hindi ko na iyon sinagot at naglakad na lang papunta sa kwarto ko dahil hindi ko naman alam ang isasagot sakanya. Bigla niya akong hinawakan sa kamay ko na ikinatigil at tingin ko sakanya na may takot nanaman ang mga mata.

"Are you angry?" Malambing niyang tanong.

Natulala naman ako sakanya ng ilang segundo bago nakabawi at nginitian siya.

"N-no! Bakit naman ako magagalit?"

Para naman siyang nakahinga ng maluwag noong sabihin ko iyon. He's been acting weird.

Deceitful SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon